Nang masabi ko yun ay nalilito siyang tumingin saakin.
''Tan?'' She confirmed.
''Oo,'' Nagtataka kong sagot. ''Kilala mo?''
Kilala niya?
''May kakilala lang ako na ganyan din yung last name.'' Ngumiti siya.
Nagpatuloy na siyang kumain at dahil nawawalan ako ng gana ay tumitingin na lamang ako sa paligid.
''Pareho ba kayo ng University na pinapasukan??'' Muling tanong niya.
Pagod akong tumingin sa kanya. ''Yes, Ma.''
Nang dumating ang Lunes ay naghanda na ako para sa klase namin, last week na namin ngayon before mag sembreak.
Nang pumasok na ako sa room namin ay nakita kong wala pa ang prof. Pumasok na ako at naghanap ng bakanting upuan. Nakahanap na ako at umupo ng tahimik. Buti nalang at may lumapit sakin para makipag-usap at hindi na ako masyadong na bored.
Nang pumasok na ang prof ay agad naman kaming kinabahan dahil may anunsyo daw siyang sasabihin. Nagulat kaming lahat nang malaman na magreretiro na pala siya! Maraming nagulat sa sinabi niya pero mas nangibabaw parin ang pagkalungkot. She's one of my favs pa naman!
''Hindi ka naman ganoon ka tanda Mr.s Torres!'' Komento ng kaklase ko.
I agreed, hindi pa naman lumapas ang edad niya sa sixty kaya nalilito kami kung bakit ang aga-aga niyang magretire.
''Magreretire na ako para maging hands-on na ako sa negosyo ng asawa ko,'' Paliwanag ni Mr.s Torres.
Sabay-sabay naman kaming nagkomento dahil sa darating Wednesday ay wala na raw siya.
Isa sa mga mababait at mataas ang posisyon na guro si Mr.s Torres sa university namin kaya nakakapanibago lang na mawawala na siya pagkatapos ng mahigit tatlumpung taon niyang pagtuturo dito.
Nung senior pa nga ako ay isa na siya sa mga subject teacher ko!
''Pero pwede naman kayong sumama sa retirement party ko,'' Pahabol niya. ''Kung gusto niyo lang naman.''
Agad namang naghiyawan ang buong klase.
''Kailan at saan ba Mr.s Torres?'' Tanong sa isa kong kaklase.
''Good thing ay magaganap ngayong sembreak at se-send ko na lang siguro yung loc sa gc natin kung gusto niyong sumama lahat...'' Nakangiting sabi ni Mr.s Torres pero agad ding napawi ang ngiti ng may ilan samin ang nagreklamo.
''Uuwi na po ako sa probinsya namin niyan Mr.s Torres!'' Malungkot niyang sabi, ilan din ang nagkomento na uuwi din sila.
Malungkot na tumingin si Mr.s sa kanila dahil wala naman siyang magagwa.
Nakita kong bumontong hininga si Mr.s Torres. ''Ipapaubaya ko na sa inyo ang mga desisyon niyo... basta kung gusto niyong sumama, sumama kayo pero kung hindi then who am I to force you?'' She even made a farewell joke bago kumaway samin. "See you when I see you, Class." Yun ang sinabi niya bago nagpaalam na pupunta na siya sa kabilang year para mag anunsyo din.
Hindi na siya naglecture dahil madami pa siyang gagawin. Kami na daw ang bahalang manghingi ng pahintulot sa advisor namin.
Natapos ang araw at gusto ko nang humiga. Sobrang nakaka-drain ngayon dahil ang daming binigay na assignments ng ibang prof dahil malapit na raw yung break.
YOU ARE READING
The One Who Fell Ahead
RomanceEvery mistake in a story is a plot twist that is only waiting to be discovered. But otherwise, does this story do the same?