Chapter 4

796 24 0
                                    

''Gusto mo bang-'' Hindi na natapos ang sasabihin sana ni Jam dahil pinutol siya ng taong nakatayo sa likoran niya.

Lahat kami ay natigilang nang malaman kung sino 'yun. I froze. 

''Ako na ang maghahatid.'' Sabi sa isang pamilyar na baritonong boses.

Natigilan kaming lahat, especially me. But, everyone was more shocked than stunned itself. Who would expect na makikita namin siya dito? Who would expect him here?"

Anong ginagawa niya at bakit siya nandito?

''Ako nang maghahatid kay Rehl.'' Ulit niya dahil halos walang kumurap samin sa pagkagulat na nandito siya.

''O-Oy Acel, nandito ka pala...'' Pagsira ni Kelah sa katahimikan.

Acel cleared his throat. Tinignan niya kami isa-isa. 

He's wearing a dark red polo and denim pants, his hair was side parted at naamoy ko hanggang dito ang ginagamit niyang pabango.

''Wag na Acel!'' Tanggi ni Angel sa alok. ''Kasya naman kami sa sasakyan ni Jam...''

Jam gave Angel a glare, alam naming lahat na hindi na ako kakasya sa sasakyn nila. Halata rin na hindi papayag si Jam pag sila ang maghahatid sakin dahil mapapagalitan na naman sila ni Mama at baka pagbawalan na kaming magkita. Parang mga teenagers lang.

''Mas okay siguro kung si Acel na ang maghahatid.'' Pahayag ni Jam.

''Wag na!'' Anunsyo ko. ''Pwede naman akong mag-commute! O kaya -''

''Hindi!'' Sabay sabay nilang sagot.

"Mahihirapan ka lang! Hindi ka pa naman sanay mag-commute. Baka anong mangyari sayo..."

Kinurot ako ni Angel sa tagiliran, hindi ko namalayang nandito na pala siya sa tabi ko. "Lunokin mo na 'yang pride mo at sumakay sa sasakyan ng ex mo!" Bulong niya. 

"Ayoko!" 

"Kesa naman kung papayagan ka naming mag-commute at maging rason pa ng pagkakamatay mo,"

Ang OA talaga!

"Balikan niyo na lang ako pagkatapos niyong ihatid si-"

"Tara na." Lumakad sa harap ko si Acel, mukhang pagod nang pakinggan ang mga walang kwentang pagdaldalan namin. Hinila niya ako at tinabi sa likod niya. 

I hate it when my feet started to follow him. Parang naging muscle memory ko na ang pagsunod sakanya paghinawakan niya ang kamay ko... I hate it. I hate it when things like this are about HIM.

We walked pass my friends at hindi man lang nag-abalang magpaalam sa kanila.

''Una na kami.'' Anoyed niyang sabi. 

''Ingatan mo yan Acel! Naku pag may nangyaring masama kay Rehl, maghanda ka nalang!'' Babala ni Uzel.

Hindi na sumagot si Acel at patuloy paring naglalakad.

Nakarating na kami sa Parking lot na tahimik lang. Walang nagsasalita sa'min.

Pinindot niya ang susi ng sasakyan niya at awtomatiko naman itong naka-unlock. His car is a Gray 2022 model Ford Mustang Mach-3. Itong sasakyan na 'to ang gamit niya panghatid-sundo sakin... nong kami pa. 

Uhh. Again, I hated when things like this are about him. 

Rare lang lang ang makikita kong sasakyan na katulad ng sakanya. And every time na makakakita ako ng ganto, siya yung- nevermind. 

He opened the car door for me at pumasok naman ako. Truth be told, mabango ang loob ng sasakyan niya at hindi rin ito makalat. Mayroong hoodie, gym bag at basketball shoes na nakatabing mabuti sa back seat. I'm glad na hygienic siyang tao, as if naman na papatol ako sa makalat. Bihira lang kasi ang mga kakilala kong lalaki na takot sa makalat and stuff na ganyan.

The One Who Fell AheadWhere stories live. Discover now