"Huh? No... Sir." Sagot ko.
"Still a no? Too bad.."
Alam kong biro niya lang yun pero may kakaibang kaba ang nagkakalat sa sistema ko habang sinasabi niya yung biro niya.
Are jokes supposed to be funny? Bakit parang kinakabahan ako?
At dahil bumukas na ang elevator sa floor ko, nauna naa akong lumabas at nagpaalam sa kanya.
_____
Wala masyadong nangyari matapos ang dalawang linggo. Ang pinagtuonan ko lang ng pansin ay ang bagong project na pinagawa ng boards na ipapatayo sa ibang bansa . Tatlo kaming nagtutulungan para matagumpay na matapos yung bagong building kaya hindi masyadong nakaka-stress at hussle.
"Finally! After two weeks!" Sabi ni Jackie pagkatapos naming maipasa yung project.
Pumalakpak si Elle habang tinataas ang baso na dala niya. "Goodbye stress, see you Hawaii!"
Natawa kami sa sinabi niya. Akalain, dalawang linggo lang namin nagawa yon. Lahat ng hirap at pagod binalewala namin para matapos lang yung project na yon at maipasa sa tamang oras.
Ilang oras nang lumipas matapos naming pumunta sa meeting room para i-present sa boards yung gawa namin. Smooth naman ang lahat at nasagot din namin yung mga tanong nila. Lucky to say na yung project na ipinasa ay na-approved at umaasa kaming may meeting na naman bukas.
Nag-usap pa kami sa mga bagay bagay nang may kumatok sa pinto.
Natigil muna ang pagce-celebrate namin. Bumukas ito at bumungad ang isa sa mga secretary ng boards. Nakita ko na siya sa mga nagdaang meeting kaya alam kong sekretarya siya.
Ngumiti siya samin at pumasok na sa office na ginagamit namin habang gumagawa sa proyekto.
"Rehl, Jackie, and Elle, right?" Tanong niya.
"Yes?" Si Jackie na ang sumagot.
"The boards are again expecting you tomorrow at three o'clock in the afternoon..." May tinignan siya sa mga papel bago tumingin ulit samin. "They expect you three to be there tomorrow."
Agad na nagsisigawan ang sistema ko ng marinig ko ang balita. Parehong tumili si Jackie at Elle sa tapat ko. Marahan pa nila akong tinulak para ipakita ang excitement nila.
"By the way, congrats on your project." Nagtagpo ang mga mata namin. "Rehl... Alin?"
"Hm?" Sagot ko
"Mr. Weiner is expecting you, make sure to show up." Pagkatapos non kumaway na siya at ngumiti bago tumalikod at lumabas ng office.
Aba, pupunta talaga ako. Hindi na niya ako kailangang ipaalala...
Buti at binalewala lang ni Elle at Jackie yung huling pangungusap at hindi na nangusisang magtanong.
Busy pa silang nag-uusap kung anong isusuot nila bukas kaya nauna na akong lumabas at umuwi.
Kinaumagahan ay wala akong ibang ginawa kundi ang maghintay hanggang mag-alas tres na ng hapon para sa meeting. Hindi mapakali ang sikmura ko buong araw dahil sa excitement na naramdaman, ganon din si Elle at Jackie kaya napagpasyahan naming manatili sa office at hindi maiwasang isipin kung anong mga posibleng mangyayari mamaya.
Sampung minuto bago mag-alas tres ay umakyat na kami sa meeting room kasi nakakahiya naman pag kami pa yung hihintayin nila.
Isa-isa na kaming pumunta sa loob ng meeting room. Akala ko kami pa yung nandito at dahil huli akong pumasok, huli ko na din natantong nandon na din pala si Theo. Si Sir.
YOU ARE READING
The One Who Fell Ahead
RomanceEvery mistake in a story is a plot twist that is only waiting to be discovered. But otherwise, does this story do the same?