Chapter 27

290 8 0
                                    

Acel's POV

"Psstt, Rehl!" Tinawag nong Angel si Rehl, signing her that I was in front of her.

Mas lalo siyang numula nung tiningnan niya 'ko. 

"Uh-h... Hi?" Sabi niya na parang nahihiya.

"Shake hands! Shake hands!" Sigaw ni Uzel

"Sabihin mo nice to meet you, Rehl!" Sabi naman nung naka-glasses na Jam daw pangalan.

Nakakatawa dahil mas lalo siyang numumula every time tinutukso siya ng mga kaibigan niya. Hindi ko pinahalatang natawa ako

Nalilitong paulit-ulit ng tingin si Rehl sakin at sa mga kaibigan niya. Hindi alam kung anong gagawin. 

Lumunok ako bago tumikhim. "Acel," Pag-ulit ko sa pangalan ko kahit alam kong narinig na niya kanina. "Nice to meet you, Rehl." 

Aalukin ko na sana ang kamay ko sa kanya pero pareho nalang kaming nagulat nung kinuha ni Kelah yung kamay namin at pinagdikit

Nakita ko kung paano siya nagulat, gayon din ako. Ramdam na ramdam ko ang kuryenteng dumaloy sa katawan ko sa oras na nagtagpo ang malamig kong kamay at ang mainit na kanya

Siya ang unang bumitaw sa hawak naming dalawa. Naramdaman kong bumuntong hininga siya at inis na tumingin sa mga kaibigan niya.

Kanina pa kami  tinutukso ng mga kaibigan niya simula nong nagpakilala na siya. May alam ba silang hindi ko alam?

"Okay, okay! Tama na! May napipikon na! Stop it, guys!" Natatawang saad ni Kelah. Tipsy na yata 'to.

"Hala napikon," Tipsy na yata itong mga kaibigan niya dahil tawa parin ng tawa.

"Uwi na 'ko." Mahinang saad ni Rehl.

Tinignan ko ang relo ko pero may thirty minutes pa naman bago mag-twelve ng hating gabi.

"Ito naman! Napikon agad!" 

"Nag-text na si Mama..." 

Nagtinginan silang lahat... Kinakabahan.

Kinabahan din ako... Masama ba yung mama niya?

Tumingin si Angel sakin saka tinuro ako.

"Oy si Acel! Si Acel na kaya maghatid kay Rehl?" Tinuro niya ulit ako. "Hindi ka naman siguro masamang tao 'no?" 

"Gago hindi yan!" Pigil ni Kelah. "Pero siguraduhin mo lang, Acel! Hindi kami nagbibiro dito!"

Parang hindi nga kayo nagseseryoso e. Kanina pa kayo biro ng biro-

Nagdoble na lang bigla yung tibok ng puso ko nung tinulak na nila si Rehl papunta sakin. Nagdadalawang isip ako kung hahawakan ko ba yung sa bandang braso niya para may suporta siya at hindi matumba o hindi dahil ang OA naman paghinawakan ko siya pero kaya niya naman sarili niya... pagbintangan pa akong bastos kaya.... hindi na lang.... hindi pa sa ngayon.

Matagumpay na nakalapit si Rehl sakin na hindi nagpapadala sa mga tulak ng kaibigan niya. Bumuntong hininga ako. Mabuti.

"Hindi pa nga sumagot si Acel kung okay lang ba sa loob-looban niya na ihatid-"

Kahit araw-araw, Rehl. Kayang-kaya kitang ihatid araw-araw.

"Okay lang, Rehl. Uuwi din na naman ako."

"Yie! Sus! May pahard to get ka 'pang nalalaman! Umuwi ka na oy!" Hindi parin tumitigil si Uzel.

"Bye, Rehl!" Kaway nung isa. "Ingat ha..." Seryosong tumingin yung Jam sakin pero binaliwala din naman agad nung may binulong si Kelah sa kanya.

The One Who Fell AheadWhere stories live. Discover now