Pagkatapos ng ilang minutong pagtitigan, napatigil lang kami ng may nagsalita sa bandang likod ko.
Hindi pa rin siya makamove on sa nangyari... at nalaman din namin na nakablock na siya sa lahat ng social media accounts nung barista.
"Magkano ba ang pinahiram mo?"
"Tumahimik ka, Rehl, hindi ka nakakatulong."
Malakas akong natawa nang hindi parin siya kumikibo. Ang kanina ko 'pang pinipigilan na tawa ay lumabas na. Sinubukan ko siyang picturan pero tinatago niya namn ang mukha niya gamit ang mga kamay niya.
"Tanga-tanga ka kasi! Ayan tuloy! Sira na araw mo niyan? O sira na buong buwan mo?" Tumawa pa nga ako ng malakas at pinapalo pa siya.
But karma do really have ways para hanapin ako. Ang kaninang tumatawang mukha ko ay napalitan na ng seryosong pustura.
"Rehl?"
Hindi ko na kailangang tumingin para malaman kung sino yun.
Marinig ko lang ang pamilyar na matigas at malalim na boses ay alam ko na kung sino yun, idagdag pa naman ang madramang reaksyon ni Uzel.
"Karma mo 'yan, Tanga."
''Rehl,'' Pangalawang tawag na sa taaong may baritonong boses sa likod ko.
Hindi muna ako tumingin at nagpakalma pa muna.
Sumusulpot na naman.
Tumingin ako at hindi winala ang seryosong postura ng mukha ko...
''Oy, Acel'' Bati ko. ''Nandito pa pala.''
Siguro kasama niya mga kaibigan niya dahil may grupo ng mga lalaki ang nakatingin sa bawat kilos namin sa bandang likod niya
Nakita niya siguro na nakatingin ako sa likod niya kaya tumingin din siya dun.
Nang tumingin siya ay agad ding umiwas ng tingin ang mga lalaki sa likod.
''Sorry, kasama ko mga friends ko.'' Banggit niya.
Umiling ako. ''Okay lang! Wala namang problema sakin yon.''
Lumunok ako, then nostalgia hits me again. Natatandaan ko pa noon na magso-sorry din siya pagmakita kong kasama niya ang mga kaibigan niya pag may date kami. Pero okay lang naman sakin yun, siya lang yung hindi.
Ngunit hindi na date ang pasya niya sakin ngayon.
''Pwede ba tayong mag-usap, Rehl? Kahit five minutes lang?'' Tumingin siya sa table na malapit sa bintana ng shop na to.
Tumango ako. No big deal. Paulit-ulit kong sabi sa utak ko. ''Uzel,'' Paalam ko at tumingin kay Uzel. ''Usap lang kami.''
Hindi pa tayo tapos bakla ka...
Umupo kami sa table na binanggit niya. Magkaharap kaming umupo at nagkatinginan lamang.
Hinintay kong magsalita siya, nang makita kong hindi mapakali niyang ekspresyon dahil sa titig ko ay umiwas nalang ako ng tingin.
Do I make him uncomfortable? Ganon lang kadali para makalimutan niya yung familiar warmth ko? char.
Nakita ko paring nakatingin ang mga kaibigan niya sa gawi namain, nadagdagan pa nga, nakatingin nadin si Uzel samin
''Bakit tingin ng tingin ang mga kaibigan mo sa gawi natin?'' Tanong ko.
He exhaled harshly at tumingin sa bandang likod niya. Nahuli nga niyang nakatingin ang mga kaibigan niya saamin, hindi ko alam kung anong sinabi niya sakanila pero mabilis din silang umiwas ng tingin.
YOU ARE READING
The One Who Fell Ahead
RomanceEvery mistake in a story is a plot twist that is only waiting to be discovered. But otherwise, does this story do the same?