Chapter 17

510 15 1
                                    

"Alexandra Rehl Alin C."

Kinakabahan akong tumayo at naglakad patungo sa stage kung saan nakatayo ang Chief Executive ng University na pinapasukan ko.

Nangiinig akong nakikipaghandshake sakanya at kinuha sa kamay niya ang diplomang ilang taon kong pinaghirapan.

I waved at the upper right corner where Mama, Tito Hendrix, and my little boy are seated. Pinakita ko sa kanila ang diplomang nakuha ko at iwinagayway.

Masasaya silang ngumiti sakin at kumaway pabalik.

Nang matapos ang ceremony ay napag-usapan naming sa labas na kami magkikita-kita dahil gusto daw nilang magpapicture sa harap ng university ko, at dahil mas nauna silang lumabas kesa sakin, hinahanap ko ngayon kung saang banda sila napunta

"Rehl!" 

Tumingin ako sa likod ko para mahanap ang pamilyar na boses na tumawag sa sakin. Nakita kong kumaway si Tito hendrix kasama si Mama na dala-dala ang anak ko

Sinalubong ko sila at unang binati ang nakangiting si Patrician Xander Alin. "Xander!"

Agad siyang pumiglas sa kamay ni mama at tumakbo patungo sakin. Kinuha ko siya at ako na ang nagkarga. He hugged my neck and rested his head on my shoulders pagkatapos non ay hindi na siya kumibo at parang gusto ng matulog 

Ngumiti ako at hinalikan ang gilid ng kanyang ulo bago tumingin nila mama at tito hendrix

Sumunod si mama sa paglapit sakin at binigyan ako ng maliit na yakap."Congratulations, Rehl" Ngumiti siya ng matamis at parang naiiyak. "I'm proud of you" 

Ngumiti ako at yumakap sakanya pabalik. Bumaling ako kay tito hendrix na may dalang bouquet. "Sus! May pa ganyan ganyan pa!" 

"Sabi ni Xander na bumili daw, edi bumili!" Tumawa silang dalawa ni mama.

Tumawa ako at napatingin sa inaantok na Xander. "Ikaw ha," Kinurot ko ang malambong niyang pisngi. "Ikaw pala nagsabi," 

Kiniliti ko siya kaya mas tumawa siya lalo. "Special day, Mommy!" Rason niya.

Tumawa kami lahat at nagpasya ng kumain sa pinareserve na resto daw kuno ni tito matapos naming mag picture sa harap ng university ko








Sa araw na pinanganak ko si Xander ay alam ko na agad na ibibigay ko lahat para lang maprotektahan siya. That's what a good Mother should do, right?

I tried making up for what I did years ago... It was hard. 

It was hard carrying the guilt all around... But, thankfully it didn't last long.

Parang sinaksak ako ng ilang beses pag natandaan ko noon kung pano ko ginawa lahat para lang mawala siya. Parang gusto kong patayin ang sarili ko habang iniisip ang mga desisyon ko noon...

Sa unang beses na nahawakan ko siya, I felt hundreds and thousands of emotions inside me. Ayaw ko na siyang pakawalan dahil hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko nung nakita ko kung paano siya humikab, tumawa, ngumiti lahat lahat sa unang pagkakataon. Hindi ko alam dahil parang naghahalo-halo ang kaligayahan, kaluwagan, at walang pasubaling pagmamahal sa sistema ko

The night when we brought him home from the hospital at nakikita ko siyang mahimbing na natutulog sa crib, all I could think of ay kung paano ako pinagpala para makasama siya. Nung gabi na yon, nagdasal ako ng husto na sana hindi ako mabibigo bilang ina sa sa kanya.

The One Who Fell AheadWhere stories live. Discover now