Chapter 18

497 14 0
                                    

Natigilan ako sa sinabi niya. "P-pardon?

Mahina siyang natawa sa reaksyon ko. "Congratulations" Wika niya.

Naguguluhan akong tumingin sakanya. Napansin niya ang reaksyon ko kaya tinuro niya yung project na ipinasa ko at ipinakita sakin. "I was impressed by your project Miss Alin...... So I decided to show it to the boards..." Nilagay niya pabalik yung project sa lamesa niya "You didn't expect it don't you? But... they liked it and are expecting you this afternoon, three pm."

I was frozen on my feet. My mind was unable to think something. Hindi pa nagsink in sakin lahat ng sinabi ng boss ko. 

Natatawang umiling siya at may nilapag siyang papel at ballpen sa harap ko. Hindi ko na pinatapos ang sarili kong basahin ang lahat ng nakasulat sa papel dahil alam ko na agad kung ano 'to.

Nanlaki ang mata ko. Kontrata?! Pinapataas nila ang posisyon ko?!

Tumingin ulit ako sa boss ko at nakita ko siyang nakatingin sa wrist watch niya. "I guess I'll give you time to think..."

Parang nahiya ako sa inaasta ko dahil kanina pa ko hindi sumasagot at natulala sa mga sinasabi niya. "Uh... y-yes, Sir... t-thank you..." Napapikit ako dahil sa hindi makapagsalita ng deritso.

"Just make sure to pass it to me before two thirty."

Dali-dali akong tumango at tumayo para umalis. Tumango siya sakin at nagbow naman ako upang magpakita ng respeto. 

Mas una na siyang lumabas. Kinuha ko ang kontrata na nasa desk niya at agad-agad na ding lumabas.

Pagpasok ko palang sa office ko ay agad na nagsigawan at tumatalon si Christine at Casey

"Ano na?!" 

Tumawa ako. "Hindi ko pa pinermahan!"

Ito pala yung dahilan kung bakit hindi nawawala yung ngiti nila kanina. Mas nauna pa nilang nalaman yung news kesa sakin.

"Bakit?!" Binaba ni Christine yung kinakain niyang chips at binigay lahat ng atensyon sakin.

"Hindi ko alam... pag-iisipan ko muna..." Ngumuso ako sa sariling sinabi. May pakiramdam talaga ako nitong pagpapataas ng posisyon ko dito sa firm e... Wala naman akong problema sa posisyon.. pero ang mga dapat trabahuin lang...

"Anong pag-iisipan?! Girl kung ayaw mo akin nalang!"

Nilayo ko sa kanila yung kontrata. "Syempre hindi naman sa ganon," Seryoso ko silang tinignan. "Baka mangyari din yung nangyari kay Audry.."

"Ano bang nangyari don?" Ani ni Casey.

"Kitang-kita naman na napilitan siyang iwan ang kanyang pamilya dito para tapusin yung project nila don sa Dubai..."

Nagtinginan silang dalawa at tumango. 

"Hindi naman siguro mapupunta sa ganyan..." Hinawakan ni Christine yung balikat ko

"E pareho na nga kami ng posisyon pag pinermahan ko 'to..."

"Pag hindi mo yan pipirmahan, sinasabi ko sayo, ako talaga pipirma dyan." 

Bumontong hininga ako at iniisip kung anong mangyayari kung pipirmahan ko 'to. Marami namang magagandang benepisyo... syempre isa na don ang tataas yung monthly salary ko.

"Ipagdadasal ka namin na hindi mangyayari sayo ang nangyari kay Audry..." Pinatuloy niya ako. "Sige na... pirmahan mo na"

Tumango ako at nagpadala sa mga salita ni Casey...

Well... sinong tao ang ayaw sa mataas sa position? 

Aaminin ko, gusto ko rin naman pero hindi ko maiiwasang isipin yung mga kahihinatnan. Pano na si Xander? Si Mama? Si Tito?

The One Who Fell AheadWhere stories live. Discover now