Chapter 22

429 11 1
                                    

"Jam, lalabas na kami." Sabi ko habang iniipit ang cellphone sa kanang tainga habang dala-dala ang dalawang maleta sa kanang kamay at si Xander naman sa kaliwa 

Kanina pa siya tumatalon dahil excited nang makita sila Jam. All these years, sa skype lang sila nag-uusap. Gusto na niya daw makita sa personal. May gusto din siyang ibigay sa kanila kaya walang makakatumbas sa nararamdaman niya ngayon.

"Okay! Nandito lang kami sa labas!" Sagot niya.

Nilagay ko na ang cellphone sa bulsa ko para mas maayos kong mahawakan ang mga maleta at si Xander.

Nasa labas na kami at hinahanap ko na ang sasakyan ni Jam. Banggit niya na puting Montero ang dinadala niya ngayon kaya naghahanap ako kung may puting sasakyan ba dito.

"Alexandra!" It was Uzel's voice.

Hinanap ko kung saan nanggaling ang boses niya then nakita ko siyang kumakaway sa back seat ng sasakyan ni Jam na papunta sa harap namin

"Tito Uzel!" Tawag ni Xander sa tabi ko.

"Xanderrrr!!!!" Ganti ni Uzel.

Pumarada na ang sasakyan sa harap namin at agad namang lumabas si Uzel at Kelah  sa back seat. Lumabas si Jam sa driver's seat at tinulungan akong dalhin ang mga bagahe.

"Hi, Xander!!" Bati ni Kelah sabay kurot sa pisngi ng anak ko.

Ilang minuto pang pinagkagulohan ni Uzel at Kelah si Xander, maya maya ay sumali na din si Jam sa kulitan  bago napagpasyahang umalis na kami para kumain sa kung saan naghihintay si Angel.

"Grabe amoy ko hanggang dito yung Singapore, Rehl!" Biro ni Kelah.

Nagtawanan kami... Pinagtutulungan nila si Xander sa back seat habang nakikinig lang ako dito sa passesnger.

May ibang bagay pa kaming pinag-usapan at pinagtawanan until sa dumating na kami sa fast food restaurant na  pinaghintayan ni Angel.

"Rehl!" Tawag sakin pagkapasok namin sa loob. 

Nakangising tumakbo si Angel papunta samin at agad akong niyakap. "I missed you!" 

Ginantihan ko ang yakap niya. "I missed you, Gel..."

"Ang tagal niyong dumating," Sabi niya habang nakalagay parin ang ulo sa balikat ko. "Kanina pa ako nandito, pinagtitinginan na ako ng mga tao dahil kanina pa ako walang order..." Pagsusumbong niya.

Malakas na tumawa si Uzel kaya napatinginin kami sa kanya. Natatawa siya sa kalagayan ni Angel.

"Nasaan na yung table na pinaghintayan mo anteh?" Tanong niya.

We were getting a bit of attention to some people but he didn't care at all! Good thing at pumunta na kami sa table na pinaghihintayan ni Angel.

"Akala ko hindi ka na babalik!" Inakbayan niya ako sabay punta sa table na nahanap niya. Umirap lang siya sa tanong ni Uzel at binaliwala.

Mabuti at kinukulit pa rin ni Jam at Kelah si Xander kaya hindi na ako mag-aalala kung anong mangyari sa kanya...

"Hi Xander! Ang laki mo na..." Puri ni Angel. "Ang laki na ni Xander, Rehl! Two years old pa 'to nong huling natandaan ko...Ilang taon ka na ngayon?"

Tumingin si Xander sakin. Nalilito at nagtatanong ang kanyang mga mata.

"He can't fully understand tagalog, Gel..." Paliwanag ko

"Yeah! You have to speak English kasi," Pahabol ni Uzel. 

I'm practicing my son... pero mahirap matuto sa bansang ibang lengguwahe ang salitain. Also, I don't want to presure him to learn filipino.

The One Who Fell AheadWhere stories live. Discover now