Chapter 20

615 13 0
                                    

"Rehl?" Natigilan siya sandali. "You mean... Alexandra Rehl Alin?" 

Nagulat ako dahil alam niya yung buong pangalan ko!

"Bingo!" Mapaglarong gumiling si Christine. Sa harap ko pa talaha!

Nagtawanan silang dalawa habang ako ay hindi makasabay sa kanila.

"Are you looking for a husband, Rehl?" Bigla niyang tanong sakin.

Biglang hindi gumana ang dalawang kong tainga sa pagkasabi niya non. Ang kanina pang hindi gumagalaw kong sistema ay mas lalo pang nanigas ngayon. 

Hindi ko kayang tumingin sakanya at mas lalong ayokong makita ang nakangisi niyang mukha.

Kung maka biro 'to! Akala mo sobrang close.

"N-no, Sir." Sagot ko dahil sobrang awkward naman pag hindi ko sumagot. 

...

Ang kaninang tawanan nila ni Christine ay biglang nawala dahil naghihintay sa sagot ko. Pagkatapos kong sumagot at hindi na sila nagtatawanan at tumahimik na lamang.

Nakita kong tumango siya sa peripheral vision ko at biglang tumingin sa baba.

"Too bad." Bulong niya.

Napatingin kami ni Christine sakanya. Malinaw kong narinig yon at alam kong narinig din yun ni Christine. Hindi ko alam kung wala ba siyang ideya na narinig namin siya o sinadya niya talagang sabihin yun para marinig namin.

Kapal ng mukha ng taong 'to.

Nagulat ako dahil may kumurot sa tagiliran ko at nakita kong may nakalarong ngiti sa labi ni Christine. Inirapan ko siya. Biglang naman siyang tumikhim. Inignora ko yun at itinuon na lamang ang atensyon sa paghahanap ng masasakyan.

Sa masamang palad ay dumating na yung sundo ni Christine at kami na lang dalawa ang maiiwan dito.

"My boyfriend's here... I'll go ahead... guys" Christine.

Tumango ako at wala ng magagawa dahil magka-iba naman kami ng subdivision na tinitirhan at nakakahiya naman pag magpapahatid pa ako sakanila.

"Sir... Rehl..." Kumaway siya samin at pumasok na sa sasakyan ng boyfriend niya.

Sinundan ko ng tingin ang sasakyan nilang unti-unting naglalaho sa paningin ko. Lumipas ang sampung minuto at wala paring cab na dumadaan. Maiintindihan ko naman dahil malalim na ang gabi. 

Walang ibang maririnig dito maliban sa mga bihirang dumadaan na sasakyan. Payapa na sana akong nakatayo dito kung hindi ko lang maririnig ang mga buntong hininga ng taong nasa likod ko. Kanina pa siya ganyan simula nong umalis si Christine. 

Baka hindi niya kayanin yung katahimikan kaya sinubukan kong magsalita.

"You can go home now, Sir..." Pagsisira ko sa katahimikan. "I'll be fine here."

"I won't go until you find a ride..." Tanggi niya. "And I told you, don't call me Sir when we're outside the firm." Natawa siya.

Humakbang siya ng isang beses kaya magkatabi na kami

"What should I call you?" Tumingin ako sakanya.

Ano nga ba?

Mas maliit ang tangkad ko kompara sa kanya. Tagabalikat niya lang ako kaya kailangan ko pang tumingala para makita ng husto yung mukha niya.

"I don't know... Philip? Theo? Theodor?" Humagikgik siya.

Sa pagkakaalam ko ay Philip Theodor Weiner ang pangalan niya... 

Theodor...

"Theodor," Sabi ko

Tumingin siya sakin at nagtaas ng kilay. 

The One Who Fell AheadWhere stories live. Discover now