Prologue

6.1K 84 2
                                    

Inhale, exhale.

Sunod sunod ang pag pop-up ng notifications ko sa E-mail.

As a time flew, many projects are added to my list. As a Junior Architect ay hindi ko na alam kung paano ko pagsasabay-sabayin ang mga gawain! Since it was summer now. Naka leave kasi ang ibang Architect sa firm namin for vacation, iilan lang ang Architect na natira kaya ang dami naming trabaho.


Isinara ko ang laptop ko at iniligpit ang mga scratch paper sa desk bago inunat ang dalawang kamay.


"Mommy!" Nagulat ako sa biglang pagbukas ng pinto ng office ko at bumungad si Dreysha na tumatakbo papalapit sa akin, anak ko. Agad ko s'yang niyakap at kinarga.

"Thank You for taking care of Dreysha," sambit ko kay Klyde na kakapasok lang at kasunod ni Dreysha, hingal na hingal.

"Hays! Grabe tinakbuhan ako ng batang iyan! Nagulat pa ang mga reciptionist sa ibaba, kasi mukhang ginawa naming playground ang buong firm!" Hingal na hingal parin si Klyde habang sinasabi iyon, kaya napailing ako at humagikhik naman si Dreysha na parang walang ginawang kasalanan.

"Grabe Shanaiah! Ayaw ko na, ayaw ko ng maging tatay," nakasimangot na sambit ni Klyde at umupo sa harap ng desk ko, mukha siyang pinag bagsakan ng langit at lupa.

Ibinaba ko muna si Dreysha at tumayo para dumiretso sa fridge at ikuha si Klyde ng tubig, kawawa naman mukhang napagod s'ya kakahabol kay Dreysha.

"Hey, it's my birthday, Mommy I want ice cream!" sambit ni Dreysha habang kumukuha ako ng tubig at pagkalingon ko ay nakaupo na s'ya sa lap ni Klyde, iniabot ko naman kay Klyde ang bottled water na kinuha ko.

"Yes, we'll buy ice cream later," si Klyde ang sumagot, kaya napataas ang kilay ko. Kunsintidor! Wala pa naman akong desisyon.

"May ubo si Dreysha, hindi pwede," pagtanggi ko habang inilalagay sa laptop bag ang aking laptop at itinapon na rin sa basurahan ang aking mga hindi ginagamit na papel.

"Minsan lang naman...at tsaka birthday naman niya," pangangatwiran pa ni Klyde kaya napairap ako at umiling. No way!

"We'll go eat dinner later anak, what do you want?" tanong ko, hapon na. It's around 3 p.m at maaga akong uuwi dahil birthday ni Dreysha. She was turned 5, now. Pinayagan naman ako ng mga Senior Architect.

"Ice cream!" tuwang tuwa na sagot niya at pumalakpak pa, tumalikod naman ako para icheck ang bag ko at umirap.

"I said, no." Umiirap at madiin kong sabi at isinakbit na ang bag ko sa braso. "Let's go."

"Good afternoon, Architect Sanchez," pagbati ng mga empleyado na nakakasalubong ko sa hallway habang papalabas kami ng firm, agad ko naman silang nginingitian. Malayo pa ako para sa titulo na iyon.

Kilala nila ako at alam nilang lahat ang nakaraan ko, pero hindi nila ito ipinapakalat sa labas ng firm. Ayaw ko na ng spotlight.

Si Klyde at Dreysha ay nasa likod ko lang, nakasunod sa akin. Pagdating namin sa parking ay agad na akong pumasok sa driver seat ng kotse ni Klyde. Wala akong dalang kotse ngayon dahil mas pinili ni Klyde na ihatid ako kanina, since susunduin rin naman nila ako at wala naman akong pupuntahan na site.


"Ako na ang mag d-drive," sambit ko kay Klyde ng makarating kami sa parking, makabawi man lang sa paghihirap niya sa anak ko. Tumango rin naman sya at inihagis ang susi na agad kong sinalo habang nag d-drive ako ay puno ng ingay ang biyahe ng dahil kay Klyde at Dreysha, nasa likod silang dalawa.


Love Beyond the VlogWhere stories live. Discover now