[Hello, Master!] It's last day of working days at weekend na bukas, hindi ko alam kung bakit agang aga ay tumatawag si Klyde.
"Yeah?" Tanong ko at humigop ng kape, ala sais pa lang ng umaga at mamaya pa ang pasok ko.
[May nagpa-sub sa akin sa Batangas] Sambit niya
"So?" Umangat pa ang kilay ko kahit hindi naman niya nakikita.
[Hindi ako papasok, pupunta ako kay Dreysha. Maiinggit ka na ba?] Napairap ako sa sinabi niya, pero nakaka-inggit nga. Iba ang feeling na nakikita ko ang anak ko sa personal.
"Whatever, sulitin mo na si Dreysha. Malay mo sa isang araw, makilala na s'ya ni Drave" Biro ko kahit malabong mangyari iyon, napatigil naman siya sa kabilang linya, "Joke!"
Noong pumasok ako ay dumiretso agad ako sa office ni Architect Manabat para mag update sa mga projects n'ya na ako ang nag ha-handle, tuwang tuwa naman siya sa progress.
"Any agenda today, Architect?" Pumasok si Mitch na may dalang tatlong cup ng chocolate frappe, habang si faith ay may dalang tatlong order ng fries, maaga pa naman.
"Around Manila lang ang site visiting ko." Para akong natuwa sa sinabi ko.
"Ayy, walang Drave today?" Dismayadong tanong ni Mitch kaya inirapan ko s'ya.
Inilapag ni Faith ang fries at chocolate frappe sa harapan ko, nag gagawa lang naman ako ngayon ng design sa laptop.
"Thankyou." Medyo nasasanay na din ako sa kanila na minsan ay may dala na kung ano anong pagkain sa office ko.
"Anong thankyou? May kapalit 'yan. Huy"Biro ni Mitch.
"Ang daming kong schedule today," Parang pagod na pagod si Faith habang sinasabi iyon, "Tatlong meeting, dalawang site visiting tapos gagawa pa ako ng proposal."
"Haha! Kaunti pa lang 'yan, dagdagan pa natin." Pang-aasar ni Mitch.
Palibhasa si Mitch ay magaling mag salestalk, s'ya ang nag gagawa ng schedule n'ya, kaya minsan ay dalawa hanggang tatlo lang ang agenda niya sa isang araw, ayon lang, matagal ang pag-usad ng project niya.
Noong working hours na ay umattend lang ako ng meeting via online, para makatipid din sa gas, nagustuhan naman ng kliyente namin ang ginawa kong design.
"It's so minimalist and it's fit on the building, especially that I don't like a being detailed and crowded design." Halos pumalakpak ang kliyente sa ipinakita kong proposal.
Sobrang saya ng puso kapag nakikita kong nagugustuhan ng kliyente ang gawa ko, hindi sayang ang pag-iisip at pagod ko, parang nasusuklian lahat ng pagod ko.
My days went on peacefully, wala naman naging problema sa kahit anong site o client.
Dumaan muna ako sa office ni Mitch bago mag out at napag-alaman ko na nasa site pa pala s'ya base kay Faith, pinuntahan ko rin kasi ang isang ito sa office niya at mag oover-time daw siya.
Tinatamad akong magluto ng dinner kaya dumaan ako sa Elexous Resto bago umuwi, nakasanayan ko na talaga doon dahil wala masyadong exposure.
"One roasted chicken with carboanara. For my drinks, pineapple juice." Pag-order ko sa waiter.
Nasa corner ako sa dulo ng 1st floor.
I checked my socials while waiting for my order, wala naman bago, puro fans pa din na naghihintay ng update.

YOU ARE READING
Love Beyond the Vlog
RomanceFame, fandom, and money. An aspiring vlogger named Shanaiah Ysabelle Sanchez was not interested in those things; she just did vlogging for fun; she's a student who had ambition. But her life changed when she met a famous vlogger named Drave Lark Smi...