[Hindi ko alam kung paanong nangyari na nandito pa rin ako hanggang ngayon sa Med school! Bakit ba hindi nalang ako mag shift!] Pagra-rant ni Xandra, kakauwi lang n'ya galing sa school at wala pa daw tatlong oras ang tulog n'ya.
"Eh, bakit nga ba ayaw mo na lang mag shift?" Tanong ko dahil simula yata noong umalis ako doon ay puro rant na lang ang palagi kong naririnig sa kaniya.
"Expectations." Kahit ako ay nalungkot sa dahilan kung bakit hindi s'ya makapag shitft.
"Tita!" Nagulat ako ng biglang pumasok dito sa kwarto si Dreysha, kanina ay nasa labas sila ni Klyde at naglalaro.
Isang araw na rin ang lumipas noong sinundan ako ni Drave at umalis na rin naman kaagad s'ya simula noong pagkabigay sa akin ng wallet ngunit parang sumungit siya.
[Oh my god, baby! I miss you!] Nag flying-kiss pa si Xandra sa Video call.
"I miss you too, how are you?" Dreysha asked.
"I'm fine, baby." Ngumiti ng tipid si Xandra, ilang minuto pa silang nag usap bago mamatay ang tawag.
"Don't be naughty, sleep at a time, Dreysha. Always call me, okay?" Mabilis na lumipas ang oras at kailangan ko ng ibalik si Dreysha sa Batangas, last day na ng holidays.
Lumuhod pa ako para magkapantay kami at halikan s'ya sa noo, nasa living room na kami ngayon ng Mansion nina Mom and Dad.
"Kailan po kayo babalik?" Napatingin din s'ya sa likod ko, kung nasaan si Klyde.
"Hmm, we are not sure, busy din kasi si Mommy at Tito Klyde sa work, but I will always call you." Kahit ako ay nalungkot sa sinabi ko.
"But, kung gusto mo talaga akong makita Dreysha! Just call me, okay. I'm on my way!" Napairap ako sa sinabi ni Klyde, s'ya ba ang ama?
"Okay! I love you Mommy and Tito Klyde." Niyakap pa ako ni Dreysha bago s'ya sumama sa yaya n'ya.
"Ikaw na ang bahala," Sambit ko sa yaya ni Dreysha, wala na naman si Mom and Dad, pero noong holiday naman daw ay nandito sila, ngayon lang ulit nawala, may emergency meeting yata.
"Okay po ma'am!" Sagot noong yaya.
"Ano na? Wala pa bang update sa inyo ni Drave? Ay sa bahay pala." Nakatambay na naman sa office ko si Mitch, si Faith ay nasa office n'ya at busy pa daw, ewan ko lang sa isang ito kung bakit walang ginagawa.
Inalis ko ang tingin sa laptop at inirapan ang babaeng nakaupo sa sofa habang may hawak na juice.
"Ang hina naman—Ahh, este ang sungit mo naman," Halatang nang-aasar lang s'ya kaya s'ya pumunta dito, "Balitaan mo ako kapag ayos na kayo,ah. Nang bahay!"
Mabuti na lang at may tumawag na client sa kanya kaya tinigilan n'ya ako.
My whole week was became busy because of my projects on Batangas. Doon na nag hire ng mga tao, nag plano ng design at nag sukat, halos hindi na rin ako makapag pahinga.
YOU ARE READING
Love Beyond the Vlog
RomanceFame, fandom, and money. An aspiring vlogger named Shanaiah Ysabelle Sanchez was not interested in those things; she just did vlogging for fun; she's a student who had ambition. But her life changed when she met a famous vlogger named Drave Lark Smi...