05

2.2K 28 0
                                    

"Quiz, discussion, tapos quiz ulit, tapos nag seatwork lang, tapos alam mo ba nagbigay si Ma'am ng plus sa amin kanina! Sinagot na daw kasi s'ya ng boyfriend n'ya." Halos sumakit ang ulo ni klyde sa pag ku-kwento ni Xandra kung ano ang nangyari sa amin kanina sa school.


Tatlong araw na rin ang lumipas ng mag shoot kami ni drave, pero araw araw parin s'yang nagpapakita. Hinahatid sundo ako sa school at pinapaalalayan sa mga security! Kaya ko naman ang sarili ko, pero ayaw n'ya.


"Babawi talaga ako bukas!" Sambit ni klyde, kakalabas lang n'yan kanina ng hospital at mukhang okay na naman s'ya. Nasa bahay n'ya kami ngayon.


"Excuse ka naman, wag ka munang ma-stress,"puna ko dahil para daw s'yang natambakan at nagpag-iwanan sa isang linggo n'yang hindi pagpasok.


"Hatid ko na kayo!"prisenta ni klyde na may benda pa sa hita nang magpaalam kaming uuwi na.


"Sinong niloko mong lalake ka? Kaya mo na ba talagang maglakad?"Tanong ni Xandra at napasimangot naman si klyde

"Hayss, kaya ko naman pero masakit parin tsaka kaya ko nang mag motor—"I cut him off

"Magpahinga ka nalang klyde, see you tomorrow."Sambit ko at hindi na naman s'ya nagpumilit, hinatid nalang n'ya kami sa labas.

Pagkarating ko ay ginawa ko lang ang mga remaining schoolwork's ko at nagpa-grab nalang ako kaysa magluto.


"Hey, Goodmorning." Ito na naman ako sa routine ko, palagi nalang may lalaki sa lobby na naka upo at hinihintay ako.

"Drave," Bati ko dito at Hindi na ako nagulat ng abutan n'ya ako ng paper bag na may tatak na logo ng mamahaling coffee shop.

"Coffee and Cookies," Tinanggap ko iyon dahil hindi naman ako makakatanggi.


"Salamat,"Sambit ko at paglabas namin ay nandon na naman ang mga body guard n'ya na naka hilera ang mga kotse.


Inalalayan ako ni drave na sumakay sa kotse n'ya at nang umandar ay naka sunod lang samin ang kotse ng mga body guard n'ya.

"Hindi mo naman kailangan gawin 'to,lapit lapit lang ng school ko."Sambit ko kaya napatingin s'ya sa akin.

"But I want to. So, just let me, please."Napairap ako sa sagot n'ya at tumawa naman s'ya.

Uminom nalang ako ng coffee at kumain ng cookies para magkalaman ang utak ko, dahil May klase na naman ako sa terror naming teacher, ang malala doon ay 1st subject pa.



"Ms. Sanchez," Nag-a-attendance na ang terror naming teacher.

"Present," Sambit ko

"Okay, We will have a quiz."hindi ako nakapag review! Paano ba 'to? Wala naman s'yang sinabi. Pag ilan na bang surprise quiz Ito?

"Mr. klyde delos reyes, get out of my class. Excuse ka hanggang ngayon, Next week ka pa mag te-take ng lahat ng quizzes na itinake namin ngayong week," Himala! naalala n'ya si klyde.

"Yes ma'am,"Nakangiting sambit ni klyde at binigyan kami ni Xandra ng nakaka-asar na tingin.

"And you, Ms. Sanchez." Malakas na kumalabog ang puso ko ng tawagin n'ya ako.

Love Beyond the VlogWhere stories live. Discover now