16

2K 25 0
                                        

"Loming Batangas?!" Reklamo ni Xandra sa request ko, ang aga aga ay puro reklamo kaagad. "Wala pa tayong tatlong araw dito sa Cebu Shanaiah, ano ba 'yan! Saan tayo kukuha ng lomi?!"



Hindi ko alam kung bakit biglang bumagsak ang luha ko, gusto ko lang naman ng lomi, bakit s'ya naninigaw?


"Patay ka Xandra, pinaiyak mo." Suhol pa ni Klyde habang nag aalmusal, hindi ako makapag almusal dahil gusto ko talaga ng Lomi! Kaya nakatambay lang ako ngayon dito sa sala at pilit pinapabili si Xandra ng lomi.


Agad na lumapit sa akin si Xandra at inalo ako.


"Oh sige na nga, magpapa grab ako! Mula Batangas hanggang Cebu, okay ba 'yon?" Halatang napilitan lang s'ya sa sinasabi n'ya.


Tumigil na rin ako ng makita kong nag order talaga s'ya.


Drvsmth: Signing off? Can we talk please?

Drvsmth: Love.

Drvsmth: I went to your condo but you're not there.

Drvsmth: Hey, please. I love you.

Drvsmth has 79 missed calls.


Ipinangako ko sa sarili ko na isang reply lang ang gagawin ko at iiwan ko na lahat ng mga socials ko.


Shanaiah_Snchz: Hey, first of all, I'm sorry. Please continue pursuing our dream, our future plans, don't leave our fans,  i know that you can achieve many milestone without me. I don't want a spotlight anymore. Sorry and Thankyou.


Sinimulan ko ng mag deactive ng mga socials matapos noon. I don't want a spotlight anymore at ayaw ko na ng bakas ng kahapon. I ready to leave all of this behind.


"Oh senyorita, eto na! Pasalamat ka at mayroon na Batangas restaurant dito sa Cebu, ha." Parang sumaya ang tiyan ko ng ibigay sa akin ni Xandra ang isang mangkok ng lomi. Amoy palang ay nakakatakam na.


"Thankyou!" Kinikilig na sambit ko at inumpisahan ng kumain, tuwang tuwa na naman ang tiyan ko.


"May bayad 'yan noh." Biro ni Xandra at pumunta na sa kusina para mag almusal.


"Kailan ka mag papa-check up?" Tanong ni Klyde habang kumakain ako.


Oo nga pala! Siguro bukas? Maghahanap na ako ng OB ko dito.



"Maghahanap pa ako ng OB." Sagot ko.


Noong matapos kumain ay hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako.

"Shanaiah, tanghali na. Anong gusto mong tanghalian?" Tanong ni Xandra na kakapasok lang sa kwarto ko.


"Bangus?" Hindi ako sure kung 'yun nga ang gusto ko, pero mukha naman. Hinahanap ko ang lasa noon dahil ang tagal ko ng hindi nakakakain.


"Hays, salamat naman lord at madali dali lang." Bulong n'ya pero rinig ko, saktong napadaan si Klyde "Klyde, mag pa-grab ka nga ng bangus."

Hindi pa pala kami nakakapamili ng groceries.


"Sige, anong luto?" Tanong ni Klyde


Love Beyond the VlogWhere stories live. Discover now