"Good morning, busy na busy tayo ah!" It's Monday at hindi ko alam kung paano nakapasok si Klyde sa office ko. Anong mahika ang ginawa n'ya at pinayagan s'ya ng receptionist?
Isinara ko ang laptop ko at binalingan s'ya, he's still wearing a hard hat kahit wala sa site. Normal lang ba iyon?
"Naka leave ang mga Architect,Klyde. I have many work to do kaya hindi talaga ako pwede mag absent. Teka, paano ka nakapasok?" Tanong ko, pinaningkitan ko s'ya ng mata at umupo naman s'ya sa harapan ko.
"Simpleng simple, Engineer ako at Architect ka, sinabi ko na may appointment ako sa'yo, hindi ka na nila tinawagan dahil tiwala naman sila sa gwapong katulad ko." Napairap naman ako.
"Susunduin ko na si Dreysha mamaya sa Batangas, naka leave ako." Maya-maya ay sabi n'ya, It's Dreysha's birthday. Nagpaalam na rin naman ako kay Architect Manabat na maaga akong mag-a-out para sa anak ko. My normal out is around 7 p.m.
Nabati ko na rin si Dreysha kanina at 12 midnight thru videocall, pinagising ko talaga s'ya kay Mommy, we do a salubong birthday, pinaabot ko na rin ang gifts ko at cake sa kanya kaya hindi s'ya nagalit kahit ginising s'ya.
"Thankyou," Sagot ko at tumayo, inaalagaan n'ya talaga si Dreysha magmula ng lumipat kami dito sa pilipinas.
"Saan ka pupunta?" Tanong n'ya.
"Breakfast!" Sagot ko dahil hindi ako nakapag almusal! Tinanghali na ako ng gising, si Klyde na rin ang naghatid sa akin dito.
"Teka, wala kang kotse." Nakangising sambit n'ya ng akmang hahakbang na ako.
Right! Hindi n'ya pinadala dahil susunduin din naman nila ako mamaya ni Dreysha dito sa opisina.
"Whatever! Tara na nga," Wala na rin naman akong takas sa kanya kahit ano pa ang gawin.
Basta talaga pagkain hindi ko s'ya matakas-takasan!"Saan tayo mamaya?" Pagka-upo namin ni Klyde sa isang restaurant ay iyon agad ang tanong n'ya, mas mukha pa s'yang excited kaysa sa anak ko.
"Something fancy," Sagot ko dahil ayaw ko ng matao.
Nag order lang kami ng heavy meal.
"Alisin mo nga 'yang hard hat mo, nakakahiya." Sagot ko, hindi naman ito site.
"Ikinakahiya mo ang gwapong tulad ko?" Bulong n'ya na hindi pa rin inaalis ang hard hat, naka leave naman s'ya kaya bakit pa s'ya nagsusuot ng ganoon.
Hindi na s'ya sumama sa akin pagkahatid n'ya ulit sa akin sa firm pagkatapos naming kumain, baka kasi maabutan pa s'ya ni Architect Manabat sa office ko at tanungin kung anong appointment n'ya sa akin, mas malaking problema.
Meeting, checking e-mail, creating a plan and sketching. Paulit ulit lang ang ginawa ko ngayong araw hanggang mag hapon, mabuti nga at wala akong schedule para bumisita sa mga site, mas lalong nakakapagod iyon at baka hindi ko na alam kung ano ang uunahin ko.
"Mommy!"Nagulat ako sa biglang pagbukas ng pinto ng office ko at bumungad si dreysha na tumatakbo papalapit sa'kin, anak ko. Agad ko syang niyakap at kinarga.
"Thankyou for taking care for Dreysha,"Sambit ko kay Klyde na kakapasok lang at kasunod ni Dreysha. Hingal na hingal!
"Hays! Grabe tinakbuhan ako n'yang batang 'yan! Nagulat pa yung mga reciptionist sa ibaba, kasi mukhang ginawa naming playground 'yung buong firm!"Hingal na hingal parin na sambit ni Klyde kaya napailing ako at humagikhik naman si Dreysha.

YOU ARE READING
Love Beyond the Vlog
Roman d'amourFame, fandom, and money. An aspiring vlogger named Shanaiah Ysabelle Sanchez was not interested in those things; she just did vlogging for fun; she's a student who had ambition. But her life changed when she met a famous vlogger named Drave Lark Smi...