"Mag-iingat ka," Yakap yakap ako ni Xandra habang nasa labas kami ng Airport. Tagong tago ang mukha ko sa headscarf at shades, medyo kakaunti na ang tao dito dahil gabi na.
"K-Kung may pera lang sana ako, sasamahan sana kitang umalis sa bansa." Sambit ni Klyde.
Inihatid nila ako dito sa Airport sa Cebu, kahit hindi pa ako ayos at sariwa pa ang lahat sa akin ay pinipilit ko paring magpakatatag, makaalis lang sa lugar na ito.
Kanina lang ako nag trending pero naisipan ko na mag book kaagad ng flight ngayong gabi papuntang NewYork, baka maabutan pa ako ni Drave kung hindi ako aalis agad.
May bahay kami sa NewYork, doon nalang siguro muna ako mananatili hangga't mainit pa ang pangalan ko dito, may VISA naman ako.
"Mag chat ka kapag nandoon kana." Sambit ni Xandra at bumitaw na sa pagkakayakap "Ang mga vitamins mo, inumin mo sa tamang oras."
Naggawa na ako ng mga bago kong account, mga dump account iyon para hindi ako makilala ni Drave, si Klyde at Xandra lang din ang friends ko sa account na iyon.
"Huwag ka ding magpapalipas ng gutom doon, wala kami sa tabi mo para alagaan ka." Dagdag ni Klyde. Parang sila ang mga magulang ko, kung makapag salita.
"Sige na," Tinapik ko sila sa balikat at tumalikod na. Kaya ko ba ng wala sila?
"Shanaiah!" Hahakbang na sana ako papasok ng Airport ngunit sumigaw si Klyde.
"Alagaan mo ang sarili mo." Nakangiting pahabol n'ya, ramdam ko ang lungkot sa mga mata nila. Tumango lang ako at nagsimula ng humakbang papasok sa Airport.
Alas Dyes na ng umaga, noong lumapag ang eroplano dito sa NewYork, kinabukasan.
Pagod na pagod ako kaya natulog lang ako buong maghapon, tinatamad din naman akong magluto, mamaya nalang siguro ako kakain. Hindi ko kayang kumilos.
Nag bukas ako ng social media habang nakahiga.
Puno parin ng pambabatikos sa akin ang mga tao, sa amin ni Drave.
@Yshena: Hindi talaga nagbabago si Shanaiah. 'Di ba, iyan din 'yung guy na ka-date n'ya last time?
@Kio_jxs: Break na ba sila?
@Rowxieee: Sayang, bagay pa naman sila ni Drave, parehas silang cheater!
@Collxx: Kasalanan din naman ni Drave kung bakit sumama sa iba si Shanaiah!
Hindi ko na naituloy ang pagbabasa ko sapagkat pasakit ng pasakit ang mga iyon.
Xxandra: Hoy, nasa NewYork ka na ba? Kumain kana ba? Baka tulog ka na naman, tigil tigilan mo nga 'yang pagtulog mo na 'yan.
Napalingon muli ako sa cellphone ko ng biglang may mag pop up uli na messages.
Klyderuxx: Kamusta ang NewYork, gurl? Maganda ba d'yan? Ang swerte naman ng baby mo, huhu. Baby palit tayo!
Sa GC nalang namin ako nag reply dahil ang hirap mag reply kapag isa isa ko silang re-replyan.
Sanchxx: Mukha ba akong okay?
Nag sent pa ako ng picture na kakagising lang, kahit anong tulog ko ay puro eyebags pa rin ako, sa kakaiyak at stress na siguro iyon.
Napapikit ako ng biglang tumawag si Xandra sa GC namin pagka-send ko ng picture.
![](https://img.wattpad.com/cover/328433196-288-k923353.jpg)
YOU ARE READING
Love Beyond the Vlog
RomanceFame, fandom, and money. An aspiring vlogger named Shanaiah Ysabelle Sanchez was not interested in those things; she just did vlogging for fun; she's a student who had ambition. But her life changed when she met a famous vlogger named Drave Lark Smi...