"Hold on!" Sigaw ng Doctor, namimilipit ako sa sakit ng tiyan, hindi ko maipaliwanag kung gaano kasakit ang nararamdaman ko, sobrang hapdi.
Kakapasok ko palang ng emergency room at mukhang manganganak na talaga ako, hindi ko na kinakaya.
Ipinasok nila ako sa Delivery room at agad na inihanda ang mga gamit.
Halos mapasigaw ako ng turukan nila ako ng anesthesia. Bakit naman binigla? Wala ako sa sarili, tanging hapdi at sakit lang ng likod at tiyan ang nararamdaman ko.
Namalayan ko na lang na nag uumpisa na akong paanakin ng Doctor.
"Ready! One, two and three.. push!" I screamed quitely and painfully when i heard the word "push". But, i think. My scream was not enough.
Agad akong nakaramdam ng panghihina, sa sobrang sakit at hapdi ng nararamdaman.
"One more. Inhale and one, two, three..push!" Sigaw ng Doctor, ang hirap mag reklamo dahil para s'yang galit.
I felt a strong cramping in the abdomen while i screamed. Nararamdaman ko ang pagtulo ng pawis ko at kasabay noon ang pagtulo ng luha ko. You can do it, Shanaiah.
Isang season pa ang ginawa namin, halos maligo na ako sa pawis at luha.
"Ahh!" On my last scream, i heard the vociferous , shrill, and piercing cry of my baby. I'm about to cry, finally.
"Dreysha," I whispered weakly while hearing the sounds of my baby, i felt the tears down on my cheeks.
"Drave.. o-our baby." Ipinatong ng doctor si Dreysha sa aking dibdib, ang saya sa pakiramdam.
"4th of August at 9:00 p.m, Sanchez gave birth." Sambit ng Doctor at inilista agad iyon ng nurse sa record.
Sa sobrang panghihina ay halos mawalan ako ng lakas para malaman ang nangyayari sa paligid.
"Dreysha," Nagmulat ako ng mata at napansin ko na inilipat na ako ng room.
Napatingin ako sa gilid ko at nandoon ang anak ko sa hospital crib na katabi lang ng kama ko. Kami lang dalawa ang nasa loob ng kuwarto na iyon.
A small smile flashed on my face when i saw her sleeping, parang ang tiwasay ng mundo.
"Ysabelle," Napalingon ako sa pumasok. "I have a surprise on you."
Magtatanong pa sana ako pero biglang may bumungad sa pinto.
"Shanaiah!" Agad na lumapit sa akin si Klyde, may dala pa talagang maleta. "Ayos ka lang ba?"
"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko.
"Dalawang linggo lang naman ako dito, huwag ka ng magtanong. Two weeks sport fest sa university namin ngayon at wala naman akong balak labanan," Sambit n'ya "Ayos ka lang ba?"
Napalingon s'ya kay Dreysha noong umiyak ito at agad nilapitan.
"Anong pangalan n'ya?" Tanong ni Klyde habang nakatitig sa anak ko.
"Dreysha." Sagot ko at tumango naman s'ya.
"Hi, baby Dreysha." Inilabas n'ya ang cellphone at pinicturan "Isesend ko nga 'to kay Xandra, nang maiingit. Hindi s'ya makasama dahil busy sa acads."
After 3 days ay umuwi na rin naman kami sa bahay.
Medyo mahirap parin akong gumalaw kaya halos si Klyde ang gumagawa ng lahat sa bahay, hindi ko rin mapalitan ng diaper si Dreysha, kaya si Klyde ang gumagawa noon.
![](https://img.wattpad.com/cover/328433196-288-k923353.jpg)
YOU ARE READING
Love Beyond the Vlog
RomanceFame, fandom, and money. An aspiring vlogger named Shanaiah Ysabelle Sanchez was not interested in those things; she just did vlogging for fun; she's a student who had ambition. But her life changed when she met a famous vlogger named Drave Lark Smi...