14

1.9K 27 0
                                        

"Shanaiah, please. Five minutes, only five minutes to explain!" Kanina pa kinakalabog ni Drave ang pinto ng condo ko. "Shanaiah, please hear me out first, please."


Tuloy tuloy parin ang pagtulo ng luha ko at kanina pa ako nakaupo sa likuran ng pinto. Pinto lang ang namamagitan sa aming dalawa ngayon.


Bakit ang lakas ng loob n'yang pumunta pa rito pagkatapos ng ginawa n'ya? Hindi ba s'ya nakokonsensya? Ang kapal.. bakit ang kapal ng mukha n'ya?


"D-Drave, not now. J-just leave, leave me alone.Hindi ko pa kaya." Humihikbing sambit ko, hindi ko kaya, pagkatapos ng ginawa n'ya ay magpapakita s'ya sa akin. Nakakapanlumo. Nakakapanghina.

"Five minutes, Shanaiah. Only five minutes!" Nanghihinang sigaw n'ya sa labas. "Please, please. I c-can't do that to you!"

"Drave, huwag ngayon, umalis kana!" Sigaw ko, hindi ba n'ya maintindihan ang sinasabi ko? Hindi ko kaya sa ngayon.


After Graduation kahapon ay kaunting celebration lang ang ginawa namin nina mommy dahil sinabi ko na masama ang pakiramdam ko, hindi na rin naman sila nagpalipas ng gabi dito, bumalik kaagad sila sa Batangas. Akala ko magiging masaya ako kahapon.

"I will call the guard if you can't leave by your own!" Sigaw ko, ayaw ko s'yang makita sa ngayon, "if you don't have good intentions to me, just leave..please."


"I will..I will be back, tommorow or until the day that you can forgive me. I love you. Congratulations."  Naramdaman ko ang sakit sa boses ni Drave. Gumaan ang pakiramdam ko ng naramdaman ko na wala na s'ya.



Doon na bumuhos ang sunod sunod na luha na kanina ko pang pinipigilan. Sa kanya ko unang naramdaman ang pagmamahal, pero bakit?



Hindi n'ya magagawa? Ang daming ebidensiya ng mga media. Masaya silang kumakain sa isang restaurant kasama ang babaeng pinag seselosan ko sa araw ng Graduation day ko. Mayroon pa nga na magkayakap silang dalawa at nakaakbay si Drave sa babaeng iyon!


Ako. Ako dapat ang kasama n'ya kahapon para kumain, para mag saya, para tuparin ang pangako niya, pero bakit ganoon?

Paano kung sa kanya ko ginawa iyon? What if mangako ako na hindi ako mawawala sa importanteng araw n'ya tapos hindi ko tutuparin kasi mas inuna ko yung lalaking pinag seselosan n'ya.

Ang dami kong plano noong araw na iyon, para sa aming dalawa.


I want to say "I love you" on that day because that's what my feelings evoking every minute, every second.But, how? How can i say that bullshit word if he broke his promises? If he lied on my special day. 'Buti nalang hindi ko nasabi.



"Ayos ka lang ba? Magpapadala na ba kami ng albularyo?" Habang nakahiga ako sa kwarto ay biglang dumating yung dalawa, si Klyde ay walang matinong sinasabi.



Masama ang pakiramdam ko kaya sila ang nag aasikaso ngayon sa akin. Pagkatapos ng ilang oras na pagka-alis ni Drave ay silang dalawa naman ang dumating.


"Kagabi ka pa namin tinatawagan hindi ka sumasagot. Kilala mo ba yung babae? Gusto mo sugurin natin?! Sasabunutan ko na ba? Sino ba 'yon?!" Tanong ni Xandra, lalong sumasakit ang ulo ko sa kanilang dalawa. Bakit sila yung apektado?


"Ano bang laban noon? Valedictorian ba 'yon?! Sikat ba 'yon?! E mukha ngang talampakan mo lang 'yon e." Wala talagang preno ang bibig ni Klyde, kanina pa n'ya hinuhusgahan 'yung babae.


Love Beyond the VlogWhere stories live. Discover now