"Hays, ang init init naman sa pelepens!" Kakabalik lang namin sa pilipinas at puno na agad ng reklamo si Xandra, dumiretso ako sa condo ko kasama s'ya. Umuwi na si Drave at Klyde.
Iniwan ko s'ya sa sala at dumiretso ako sa kwarto para ayusin ang mga damit ko. Napahawak ako sa noo ko ng maalala ang ginawa ni Drave doon.
Agad ako napailing, hindi pwede. Baka maging distraction lang s'ya.
Back to normal na naman ang lahat, papasok sa school tapos makikipag kita kay Drave thrice a week for the vlog. Routine ko na 'yon linggo linggo.
"Shanaiah!" Napalingon ako sa pamilyar na boses na iyon, nandito ako ngayon sa bookstore ng school namin, uwian na. kailangan kasi namin ng bondpaper bukas, naubos na ang akin.
"Klyde," Bati ko rito.
"Bakit mag isa ka lang? Nasaan si Xandra?" Tanong n'ya, pawisan pa, mukhang kakagaling lang sa practice ng motorcross.
"Umuwi na agad, kausap sa phone yung parents n'ya e." Sagot ko at tumango naman s'ya.
"Ahh, 'yan lang ba ang bibilhin mo? Ihahatid na kita sa inyo, baka mamaya dumugin ka pa ng fans." Sambit n'ya
"Naka face mask naman ako, hindi nila ako makikilala." Sambit ko habang papunta sa counter.
"Kahit na!" Hindi pa rin s'ya nagpatinag.
Dumaan muna kami ni klyde sa isang Ice cream stall sa labas ng school. Ang init naman kasi talaga.
Binuksan ko muna ang cellphone ko habang nag hihintay kami ng order namin na ice cream. Nagulat ako sa mga message ni Drave!
Drvsmth: Where are you? I'm at your school.
Drvsmth: hey, you're late huh.
Drvsmth: Pupuntahan na ba kita sa loob? Something happened?
Drvsmth: r u okay?
Drvsmth: I saw u with klyde, i think you had a ice cream date with him. I'm going now. Be safe :))
"Shit," Bulong ko at inumpog pa ang sarili sa lamesa.
"Bakit?" Tanong ni Klyde.
"H-ha? Wala." Pilit akong ngumiti at bumalik ang tingin sa cellphone.
Shanaiah_Snchz: May binili pa kasi ako sa bookstore, saktong nakita ko si Klyde kaya nag ice cream kami, ang init e. Sorry late reply.
Ilang minuto akong naghintay sa reply n'ya ngunit walang dumating.
"Shanaiah, baka matunaw yung cellphone. Ay yung ice cream pala," pagpaparinig ni Klyde, nandito na pala ang ice cream sa table namin, hindi ko namalayan.
Nang matapos kaming kumain ng ice cream ay hinatid na ako ni Klyde sa condo ko. Umuwi rin naman s'ya agad, gusto raw kasi n'ya ng mahabang pahinga. Pagod sa practice.
Busog pa ako sa ice cream kaya naman balak ko na 'wag ng mag dinner. Unlimited kasi iyon, dinadamay ako ni klyde sa tuwing nagpapa-refill s'ya. Hindi na tuloy ako makakain ng dinner.
Nasa kalagitnaan ako ng pagbabasa ng chemistry book nang biglang mag vibrate ang cellphone ko.
Drvsmth: Don't forget to eat ur dinner.
Shanaiah_Snchz: I'm full. Ayaw ko ng mag dinner.
Drvsmth: Nakakabusog ba ang ice cream?
Shanaiah_Snchz: Yah!

YOU ARE READING
Love Beyond the Vlog
RomantikFame, fandom, and money. An aspiring vlogger named Shanaiah Ysabelle Sanchez was not interested in those things; she just did vlogging for fun; she's a student who had ambition. But her life changed when she met a famous vlogger named Drave Lark Smi...