01

4.8K 51 0
                                        

"Saan aabot ang 300 subscribers mo?!"  pang-aasar ni Klyde habang nakaharap kami sa laptops, supposedly doing our research. Nandito rin si Xandra, pero mas focused siya sa iced coffee kesa sa ginagawa.


Umirap ako. "Nag-uumpisa pa lang ako. Normal lang 'yun." I sipped from my drink, acting chill kahit medyo tinamaan ang pride ko. Eh ano ngayon kung 300 pa lang? At least may progress.


Break time namin ngayon, pero feeling ko ako lang ang may pake. Condo ko 'to pero parang tambayan nila.


"Uy, guys!" biglang sigaw ni Xandra, halos mabitawan ko yung iced coffee. "May meet and greet si Drave Smith bukas!"


Napakunot lang ako ng noo. "Okay?"


Napatawa si Klyde. Obvious na hindi rin impressed.


"Okay lang? Ghorl, sikat kaya siya! Tapos free pa ang entrance!" Nanginginig na sa kilig si Xandra.

"Sasama kayo 'di ba? Sige na, please?" pinatong pa niya ang phone sa table, tapos tumingin sa amin with matching puppy eyes.

Tumingin sila sa akin. As if yung sagot ko ang makakapagpabago ng ihip ng hangin. Well, technically, oo. Ako ang gumagawa halos ng research kaya kung aalis kami, baka mas madelay pa.


Napatingin ako sa kanya. "May ambag ba si Drave Smith sa research natin?"

"G." Walang ka-emotion-emotion na sagot ni Klyde.

Tama ba talaga akong nagpa-group sa mga 'to?

"Tapos n'yo na ba parts n'yo?" seryosong tanong ko habang nag-aayos ng formatting sa laptop. "Na-review n'yo na ba 'to? Kaya n'yo na ba harapin ang panel bago kayo magpa-picture sa lalaking 'yon?"

"Easy lang 'yun," sagot ni Klyde, sabay smirk. Pinangsingkitan ko siya ng mata.

"Wala pa akong maisasagot, pero tapos ko na!" pangangatwiran ni Xandra.

Vice versa talaga. Isa tapos na pero walang alam, isa hindi pa tapos pero feeling matalino. Ako? Ako 'yung conscience ng grupo—at apparently, babysitter din.

"Explain the background study, Mr. Delos Reyes." Tinapik ko ang table. Gusto mong chill? Sige, ipakita mo.

"Bakit may pa-recitation?" Reklamo niya, sabay tawa. Hindi na ako umimik.

"Hindi ako sasama." Diretso. Final.


"Please? Please? Sige na? Bihira lang 'to!"


"Unahin n'yo muna 'yung research bago 'yang ang meet and greet," sambit ko habang nagta-type, deadma sa drama nila.

"Ang layo pa ng deadline! Tsaka once in a lifetime lang 'to, Shanaiah," halos mangiyak-ngiyak na si Xandra habang hinahawakan braso ko.

Ugh. Bakit parang ako lang ang may sense of responsibility sa group na 'to?


"Mag-enjoy ka rin minsan. Hindi lahat dapat tungkol sa grades," dagdag pa ni Klyde, sabay sip ng kape niya.

Hindi naman ako lulong sa pag-aaral! Grade-conscious lang ako. Iba 'yon.

At hindi ko alam kung paano-pero eto ako ngayon, nakatayo sa gitna ng open field, kasama ang dalawa. Meet and greet ni Drave Smith. 6 PM. Crowd's wild. Hindi ako sure kung bakit ako pumayag.

Love Beyond the VlogWhere stories live. Discover now