Drvsmth: I'm sorry for what I've said, last time:))Drvsmth: Please reply, I need u. Our fans need u.
Ilang araw na ang lumipas at hindi parin kumukupas ang issue.
Ilang araw ng nag me-message sa akin si Drave pero wala akong reply, ayaw ko sa pinagsasabi n'ya kay klyde noong nakaraan, gusto ko munang dumistansya.
Drvsmth: We need to clear our name, let's do vlog. Please, 10 minutes is already okay.
Drvsmth: Shanaiah, this is for our reputation.
Pinatay ko muna ang cellphone ko, hindi ko pa kayang mag reply.
Nagbasa lang ako ng libro para sa paparating na finals, kaunti nalang ay ga-graduate na ako ng senior high. Hindi ko pa alam ang kukunin ko sa college, pero sana ay kayanin ko ang pipiliin kong course.
Marunong akong mag paint at mag drawing pero hindi ako magaling, pero kaya ko.
Drvsmth has 78 missed calls.
Drvsmth: Did u eat ur lunch? What do u want for dinner?
Drvsmth: If you're not ready, I undrstnd. Take care of yourself, contact me if you are ready :))
Noong mag break time ako sa pagbabasa ay binuksan ko ang phone ko at nagulat ako sa dami ng tawag ni Drave.
Am i selfish?
Napangiti ako ng mapait at napailing sa naisip. Hindi naman siguro, pinipili ko lang yung mas makakabuti sa akin.
"Shanaiah Sanchez, have a relationship to another man?"
Iyan ang laman ng bagong headline, ayaw kong magbasa ng comments dahil alam ko na puro basher ang nandoon pero ko mapigilan.
"Oh really? Flirting another man?! So malandi."
"Oh my gosh, pinagsabay n'ya si Drave and that fvcking guy?"
"She's user. Indeed."
"How can she do this? Kawawa naman si Drave q :(("
"Bakit hindi ka pumasok? Nag long quiz kami kanina. Malapit na ang finals," Galit na bumungad sa akin si Xandra at kasama pa n'ya si Klyde, ako naman ay nakahiga lang sa couch at nanonood ng TV.
"Sorry," Umupo ako at tumingin sa kanila
"Alam mo, ikaw lang ang hindi nag take ng quiz on behalf of our class, buti nalang at pumayag si ma'am sa pakiusap ko na bigyan ka ng chance dahil sinabi kong may sakit ka." Sambit ni Xandra
"Long quiz lang naman iyon," Sagot ko
"Long quiz?! Anong long quiz lang?! Running for valedictorian ka Shanaiah! Nasa With Highest Honor position ka! Bakit parang wala lang sa'yo?!" Inis na tanong n'ya
"Xandra," Saway ni Klyde
"Bakit ka galit? Ako naman ang maaapektuhan at hindi ikaw." Sagot ko
YOU ARE READING
Love Beyond the Vlog
RomansaFame, fandom, and money. An aspiring vlogger named Shanaiah Ysabelle Sanchez was not interested in those things; she just did vlogging for fun; she's a student who had ambition. But her life changed when she met a famous vlogger named Drave Lark Smi...