Drvsmth: Hi, Shanaiah.
Drvsmth: I want to collab with u, see you soon.
Hindi ko alam kung ilang oras na akong nakatitig sa dm ni Drave Smith! May blue check 'yung account n'ya with 390k follower kaya alam kong s'ya talaga iyon.
"Shanaiah," nagising ako sa tawag ni Xandra, nakaupo na siya sa tabi ko at may dala na rin na breakfast. "Himala! Late kang nagising ngayon!"
Hindi ko masabi sa kanya na hindi ako nakatulog at kakaunting oras lang ang tulog ko!
Napabalikwas ako ng bangon at agad na tinignan ang oras, 7 A.M pa lang at 8:30 pa naman ang umpisa ng klase, vaccant agad ang first sub, half day lang din kami.
"Thankyou." kinuha ang toasted bread. Nagpaalam muna siya na gigisingin si klyde dahil mukhang napasarap ang tulog.
Habang kumakain ay tinignan ko muna ang cellphone ko at may nag pop-up na naman na message ni Drave.
Hindi na ako curious kung saan nalaman ni Drave Smith ang social media ko, nakalagay kasi sa bawat dulo ng vlogs ko ang mga social media account ko.
Drvsmth: Are you free? Can we meet today?
Shanaiah_Snchz: I'm sorry po, I have morning class e,but I don't have afternoon class. Are you free po ba?
Drvsmth: Haha. drop the "po" Shanaiah,I thnk our age was had a little gap. and yes, we can meet at the afternoon.
Hindi na ako nag reply dahil baka magkamali pa ako ng sasabihin.
Naligo na ako at nagbihis pagkatapos kumain.
"Ako na magdadala ng gamit mo Shanaiah, bakit ba ang dami mong dala?" tanong ni Klyde habang naglalakad kaming tatlo papunta sa campus. Malapit lang naman sa condo ko 'yung school kaya nilalakad nalang namin.
"Ako ba, hindi mo 'ko tutulungan?" tanong ni Xandra na ang tanging bitbit lang ay totebag.
"Tse! Cellphone mo nga lang yata ang laman n'yang Tote bag na 'yan e," singhal ni Klyde at kinuha sa'kin ang tatlong libro ko na hawak at ang laptop bag ko, backpack bag nalang ang natira sa akin.
Since vaccant namin sa first subject ay nag aya muna si Xandra sa cafe, hindi sumama si Klyde dahil may practice s'ya sa motorcross. Isa kasi yon sa sports dito sa school namin at mukhang magkakaroon ng laban sa intrams.
"Anong gusto mo, Shanaiah?" tanong n'ya pagkaupo namin, siya na raw ang oorder.
"Iced coffee," maikling sagot ko habang nag sscroll sa feed ko, puro si Drave ang nakikita ko dahil sa meet and greet nya kagabi.
Hindi parin ako makapaniwala sa message n'ya kagabi, ayaw kong sabihin kay Xandra dahil baka kung anong kahihiyan na naman ang gawin n'ya!
Nag check ako ng YouTube studio ko at nagulat ako ng naka subscribe si Drave! Anong nangyari? Pumunta lang ako sa meet and greet tapos kilala na ako ni Drave?!
Agad kong tinago ang cellphone ko noong dumating si Xandra.
"100 pesos, Ma'am!" sambit n'ya at inilapag ang iced coffee.
100?! Ang laki naman ng patong, 89 lang 'to ah.
"Joke lang, libre ko na 'yan!" bawi n'ya ng makita ang reaksyon ko.

YOU ARE READING
Love Beyond the Vlog
RomanceFame, fandom, and money. An aspiring vlogger named Shanaiah Ysabelle Sanchez was not interested in those things; she just did vlogging for fun; she's a student who had ambition. But her life changed when she met a famous vlogger named Drave Lark Smi...