"Ayos lang ba ang mukha ko?" Tanong ni Xandra habang inaayos ang make up n'ya.
Nasa photo studio kami ngayon dahil ngayon ang graduation pictorial. Ang bilis ng panahon. Parang dati lang ay nag rereklamo palang sila sa research.
"Ayos, mukha ka pa ring clown." Pang-aasar ni Klyde, pinapag gitnaan nila akong dalawa, buti nalang kami palang tatlo ang nasa studio.
Mamaya pa mag uumpisa ang pictorial, naghahanda palang kami ngayon para maaga kaming matapos.
"Kamusta nga pala ang birthday ni Drave noong isang araw? Ang ganda kaya ng make up ko sa'yo noon." Sambit ni Xandra
"A-ayos, masaya." Weird ba 'yung sagot ko?
Hanggang ngayon ay masakit parin ang katawan ko, kahit padalawang araw na ang lumipas. Hindi pa din kami nakakapag meet kaya sa text and call lang kami nakakapag usap, kamustahan lang.
"Anong quotes ang isusulat n'yo?" Maya maya pa ay medyo dumami na rin ang student sa studio at pinapagsulat rin kami ng quotes na gagamitin sa photoshoot, si Xandra ay nagtatanong pa, para namang seryoso.
"Okay next, Klyde Delos Reyes." Si Klyde na ang sunod na tinawag ng photographer, pang apat s'ya sa boys.
"Okay, tingin sa camera." Ngumiti si Klyde sa camera, nakasuot pa s'ya ng toga at ang dalawang kamay n'ya ay naka hawak sa graduation cap.
"Pogi po ba ako d'yan?" Tanong ni Klyde sa photographer after 1 take. Medyo napatawa naman ang photographer ng tumingin pa sa TV screen si Klyde kung saan nakikita n'ya ang sarili n'ya "Pogi nga, sige, tuloy"
"Ang kapal talaga ng mukha." Bulong ni Xandra na nasa tabi ko.
"Next, Qoutation shoot." Sambit ng photographer, inabot namin ni Xandra yung helmet n'ya na regalo ko sa kanya dati at ang white board kung saan nakasulat yung qoutation n'ya. Mukha namang hindi matino.
"Akala ko sa motorcross ako mamamatay, sa chemistry pala."
Natawa ang mga kaklase namin sa nakasulat sa white board ni Klyde, pinicturan pa ni Xandra, isesend daw n'ya kay ma'am pero hindi naman n'ya magagawa iyon.
Nang matapos picturan si Klyde ay agad s'yang lumapit sa amin. "Ayos lang ba ang quotes ko?"
Ilang student pa ang lumipas hanggang sa ako na ang sumunod.
"Next, Shanaiah San—" Napahinto ang photographer sa pagtawag ng mapalingon ito sa akin, gulat na gulat. "Shanaiah Sanchez?!"
"Oh my God! Is it real?" Gulat na gulat parin ang photographer kaya nginitian ko lang s'ya.
Habang pinipicturan ako ay alam ko na hindi mapakali ang photographer, na pepresure.
"Woah!! Valedictorian namin 'yan!" Sigaw pa ng mga kaklase namin sa likuran kaya lalong na pressure yung photographer. Wala pa namang sinasabi sa akin ang school, running for valedictorian palang ako.
Ngumiti lang ako ng simple habang hawak hawak ang graduation cap.
"Ang ganda mo Shanaiah!"Sigaw pa ni Xandra kaya lalong lumawak ang ngiti ko, kanina ko pa iyon pinipigilan dahil ang lilikot nila.
"Nice shot!" Sambit ng photographer.
Noong quotation shoot na ay simple lang ang nakasulat sa white board ko. Hawak hawak ko pa ang mga medals ko at sila Xandra at Klyde ay nasa gilid. Sila ang may hawak ng mga certificate ko na pinapaligiran ako, kamay lang ang kita sa kanila.
YOU ARE READING
Love Beyond the Vlog
RomanceFame, fandom, and money. An aspiring vlogger named Shanaiah Ysabelle Sanchez was not interested in those things; she just did vlogging for fun; she's a student who had ambition. But her life changed when she met a famous vlogger named Drave Lark Smi...