Drvsmth: I will go now to the interview, I hope you watch. I love you, Love.
Tinitignan ko lang ang dm ni Drave. Kakauwi lang namin sa condo ko at hindi pa rin ako iniiwan ng dalawa, pati sila ay hindi alam ang gagawin sa narinig kanina.
"Wala ka bang plano na ipaalam kay Drave?" Tanong ni Klyde, nakaupo lang kaming tatlo sa sala ngayon, hindi alam ang gagawin.
Agad akong umiling.
"Ano?! Bakit?! Ikaw lang ba ang gumawa sa bata? Kailangan mo s'ya Shanaiah, babaan mo naman ang pride mo kahit ngayon lang." Stress na stress na si Xandra.
"E, paano mo sasabihin kay tita at kay tito?"Nag aalalang tanong ni Klyde.
"Hindi ko din alam." Sagot ko, wala ako sa sariling pag iisip ngayon, hindi ko alam ang gagawin ko.
"Ayaw ka naming kunsintihin Shanaiah, panindigan mo kung ano ang ginawa mo. Pero hangga't maaari ay hindi kami aalis sa tabi mo." Seryosong sambit ni Xandra.
"G-Gusto kong lumayo, a-ayaw ko na dito. A-Ayaw ko ng spotlight," Gulong gulo ang isip ko habang sinasabi ko iyon.
"Paano? Sikat ka Shanaiah, kahit saan ka magpunta, makikilala at makikilala ka rin ng mga tao!" Sagot ni Xandra
"K-kung ayaw n'yo akong s-suportahan, edi h'wag!" Inis akong tumayo at kinuha ang susi ng kotse ko.
"Hindi naman sa ganoon, Shanaiah!" Hinabol ako ni Klyde sa hallway. "Huwag ganito!"
Nang makarating ako sa parking lot ay naramdaman ko na may humilang braso sa akin bago ko pa mabuksan ang kotse.
"Sasama ako." Seryosong sambit ni Klyde.
Ako ang nag drive papuntang Batangas, kasama si Klyde. Hindi pa rin tumitigil sa pagtulo ang luha ko.
Hindi ko kayang sabihin kay Drave, pagkatapos ng ginawa n'ya ay hindi ko kaya. It's so traumatizing.
"May karapatan din si Drave na malaman 'to, Shanaiah." Mahinahon na sambit ni Drave habang nasa biyahe kami.
"Pagkatapos, ano? Hindi n'ya tatanggapin?! Kasi public figure s'ya, kasi sikat s'ya, masisira ang career n'ya. Paano naman ako?!" Sagot ko
"Edi kung hindi n'ya tanggapin, ako. Ako ang tatanggap." Ano? Nagpapatawa ba s'ya? Wala pa kaming sapat na pinansyal para suportahan ang batang dinadala ko.
"Mom," Saktong pagkadating namin ni Klyde sa bahay namin sa Batangas ay nag di-dinner si Mom and Dad.
"Oh, anak!"Nagulat s'ya sa pagdating ko at agad akong hinalikan sa pisngi.
"Umupo muna kayo at kumain." Sambit ni Dad
Alam na kaya nila? Nabalitaan na kaya nila ang nangyayari sa amin ni Drave o wala parin silang pakialam ng dahil sa business?
"Biglaan naman yata ang pagdating ninyo? Nasaan si Xandra?" Tanong ni Dad ng makaupo kami sa Dining table.
"May problema ba?" Tanong ni Mom na katabi ni Dad, kaharap namin sila.
"A-Ahh, w-wala po!" Kabadong sagot ni Klyde.
Kumain muna kami, todo kwento si Mom na sobrang dami daw nilang appointment kaya hindi na nila ako masyadong natatawagan, buti nalang at naisipan ko na bumisita.

YOU ARE READING
Love Beyond the Vlog
RomanceFame, fandom, and money. An aspiring vlogger named Shanaiah Ysabelle Sanchez was not interested in those things; she just did vlogging for fun; she's a student who had ambition. But her life changed when she met a famous vlogger named Drave Lark Smi...