21

2.2K 34 0
                                        

"She's experiencing an Depression or let say Postpartum, right now." Tulala lang ako habang pinapakinggan ang sinasabi ng Doctor kay Xandra. "Postpartum depression is a type of depression that happens after giving birth. She need a rest, and support."


Niresetahan lang kami ni Doc ng mga vitamins, at physically and mentally exercise na dapat kong gawin.


Napatingin ako sa anak ko na karga karga ni Xandra, tulog iyon.


"Hindi ko talaga naiisip na magagawa mo iyon." Panenermon ni Xandra, pagkauwi namin. Naka upo lang ako sa sala "Magpahinga ka na muna."


"Kumain kana ba?" Tanong ni Xandra at ibinaba si Dreysha sa crib, dumiretso s'ya sa kusina para maghalungkat ng pagkain.


"B-Bakit wala kang stock?" Tanong ni Xandra pagkabalik sa sala at tumingin pero wala s'yang sagot na narinig sa akin.


Narinig ko ang pagbuntong hininga n'ya at tumabi sa akin.


"Bibili lang ako ng makakain," Hinawakan n'ya ang kamay ko na nanginginig, dala na rin siguro sa gutom.


Nang makalabas si Xandra ay lumapit ako kay Dreysha at lumuhod, para makapantay ko s'ya, hinawakan ko ang maliit na kamay n'ya.


"Sorry Dreysha, w-wala si mommy sa sarili kanina. H-Hindi ko alam na 'yun na pala ang pumasok sa isip ko," lumuluhang sambit ko.



Gising na si Dreysha at nakamulat lang s'ya habang nakatingin sa akin, parang nakikipag-usap talaga.


A small smile was flash to her face after a while, like she understood my situation.


Tumayo na rin ako matapos noon at humiga sa kama, i want a rest.


"Kumain ka muna," Sambit ni Xandra pagkadating, sinusundo ako sa kwarto.


Sumunod na rin naman kaagad ako sa kanya dahil gutom na rin ako.


"Bakit ilang araw kang hindi sumasagot sa tawag namin?" Tanong ni Xandra habang kumakain kami ng binili n'yang roasted chicken and fried rice, ngayon na lang ulit ako nakatikim noon.


"Trouble," Maikling sagot ko, intindi naman siguro n'ya iyon.


"Hindi ko ineexpect na iyon ang madadatnan ko." Sambit ni Xandra, "Huwag mo na ulit gagawin iyon."


"H-Hindi ko rin alam na magagawa ko iyon." Nakayukong sambit ko.


"Kung hindi mo na kaya, nandito ako." Sambit n'ya, "Pumayag si Mom and Dad na dito ko ituloy ang pag-aaral ko. Tapos na naman ang isang Sem. Naayos ko na rin ang mga requirements ko bago ako pumunta dito, next week ang simula ng pasok ko,"


Agad akong napalingon sa kanya ng dahil sa sinabi n'ya. Seryoso ba s'ya? Purwesyo na talaga ako sa kanila ni Klyde. Nakakahiya na, hindi naman nila kailangan gawin ito.


"Alam ko ang iniisip mo, huwag mo akong isipin." Sambit n'ya.


Kinabukasan ay pilit kong sinabi kay Xandra na kailangan kong pumasok. Ayaw pa n'ya akong payagan noong una, magpaggaling na lang daw muna ako pero mabuti nalang at napilit ko s'ya.


Ayos na naman ako, kaso parang laging umiinit ang dugo ko sa tuwing pinagtitinginan ako ng mga estudyante na nakakasalubong ko. Ano ba ang problema nila?!


Love Beyond the VlogWhere stories live. Discover now