[No baby, you're still young. Are you going to out of town, alone? without me or even your dad?! Paano kung may masamang mangyari sa'yo?Birthday mo pa naman!] Napapikit ako ng mariin ng dahil sa sinabi ni mommy, nagpaalam ako na pupunta ako sa south korea ngayong araw at nagulat talaga s'ya.
Tulog pa si dad, pero nabasa ko ang message nila kanina ni mom, midnight yata sila nag message ng birthday greetings.
[Tita, kasama naman po kami!] Sambit ni klyde sa gilid, sila lang ang paraan ni Xandra para pumayag si mommy and daddy.
[With Drave Smith? Mapagkakatiwalaan ba 'yang batang 'yan klyde?] Tanong ni mom sa kabilang linya
[Kapag may nangyari po kay Shaniah, handa po akong managot] Seryosong sambit ni Klyde.
[Tita, don't worry! Kilala sa publiko si Drave, I'm sure na walang mangyayaring masama kay Shaniah!]Singit pa ni Xandra
Napatingin ako kay Drave na nasa gilid lang at pilit na ngumiti.
[Okay fine! But can i talk to Drave? Nandyan ba s'ya?] Agad kong ibinigay kay Drave ang cellphone at halatang kabado si Drave.
[Hi, Mrs. Sanchez] Bati ni Drave
[Hey, I don't know you personally, but please take care for my daughter, I will gonna trust you for now.] Sambit ni mom,halatang stress sa gusto kong mangyari.
[Yes, Mrs. Sanchez, Thankyou for trusting me. I'll promise, I will protect her at all cost] Kinurot ako ni Xandra sa tagiliran ng sabihin iyon ni Drave at impit na napatili, kaya sinamaan ko s'ya ng tingin, grabe ang sakit n'yang kiligin.
Nang matapos ang tawag ay nakahinga na kami ng maluwag. Ala sais palang ng umaga at talagang pinapunta ko dito si klyde at Xandra para ipag-paalam nila ako.
"Teka, seryoso ako Shanaiah at Drave, kailangan kong sumama dahil lagot ako kay tita kapag may nangyaring masama, baka mamatay ako ng maaga!"Sambit ni klyde
"Sus! Gusto mo lang gumala e." Pang-aasar ni Xandra "Ang alam din ni tita ay kasama ako! Hindi pwedeng maiwan ako!"
"Yeah, I already get a two tickets. Let's go," Gulat ako napalingon kay Drave, nakakahiya na masyado. Sobrang yaman naman n'ya. I mean, kaya ko rin namang pumunta ng South Korea using my allowance pero kasi sinagot n'ya ang lahat ng Gastos, nakakahiya!
Umuwi muna si Klyde at Xandra para kumuha ng gamit, saturday ngayon at holiday naman sa monday, maeenjoy naman siguro namin ang Korea kahit papaano.
"Thankyou,"Napalingon sakin si Drave nang makinig ang sinabi ko habang nag da-drive s'ya papuntang Airport.
"I hope you like my gift," kumindat lang s'ya bago ibinalik ang paningin sa daan.
Sumunod nalang sa Airport si klyde at Xandra, halatang excited yung dalawa dahil walang tigil ang bunganga nila. Buti nalang at kahit napapalingon sa amin ang mga tao ay hindi kami nakikilala ni Drave dahil naka shades at facemask kami.
"May Oppa naman siguro doon,ano? Hay, mag two- two piece talaga ako kahit nasa jeju island ako!" Sambit ni Xandra habang papalapit kami sa Immigration.
"Akala ko ba sumama ka para kay Shanaiah?" Singhal ni Klyde kaya napailing nalang ako, mamaya mapupunta na 'yan sa away. Hindi 'yan matatapos ng hindi nila napipikon ang isa't isa!
"Syempre Oo! Pero may iba pa akong agenda," Iritang sagot ni Xandra at nakita kong inirapan n'ya pa si Klyde.
Magkatabi kami ni Drave sa seat, habang magkatabi naman yung dalwa sa kabilang seat sa may bandang likod, napahiwalay sila sa amin dahil naka reserve na sadya kami ni Drave noong nakaraan pa.
![](https://img.wattpad.com/cover/328433196-288-k923353.jpg)
YOU ARE READING
Love Beyond the Vlog
Storie d'amoreFame, fandom, and money. An aspiring vlogger named Shanaiah Ysabelle Sanchez was not interested in those things; she just did vlogging for fun; she's a student who had ambition. But her life changed when she met a famous vlogger named Drave Lark Smi...