"Wipes, cologne, alchohol, powder." Abala sa pag che-checked si Klyde ng listahan ng mga bibilhin namin.
Nandito kami ngayon sa Supermarket, ngayon lang kami nakapamili, dahil tamad na tamad talaga ako noong mga nakaraang araw, matapos naming lumipat dito sa Cebu. Naka face mask at shades naman ako, kaya alam ko na hindi ako makikilala ng mga tao.
"Nakakuha na ba kayo ng sabon?" Tanong ni Xandra at sinilip ang cart.
"Hindi pa, nasa kabila 'yun." Sagot ni Klyde.
"Ako nalang ang kukuha." Sambit ni Xandra at iniwan kami ni Klyde.
Pumunta kami ni Klyde sa ibang section para kumuha pa ng ibang kulang. Pero hindi ako komportable dahil pinag titingnan ako ng iba, nakikilala ba nila ako? Hindi ko nalang sila pinansin at tinulungan nalang si Klyde na kumuha ng mga condiments.
"Gusto ko noon," Turo ko kay Klyde kahit wala naman iyon sa listahan namin.
"Ice cream?" Tanong n'ya at tumingin sa area ng mga ice cream "Unhealthy iyon Shanaiah, 'diba sabi ng doctor ay bawal sa iyo 'yun? Baka kung mapaano si baby, sige ka."
"Minsan lang naman. Please," kumapit ako sa braso n'ya at niyugyog iyon. "Please, please."
"Sige na nga," kumamot s'ya sa ulo pero wala s'yang magagawa dahil hinila ko na s'ya papunta doon.
Kumuha ako ng naka cup na ice cream, mayroon ding cone at popsicle. Iba't ibang flavor ang pinili ko, kaya mapapakamot nalang sa ulo si Klyde. Hindi lang naman para sa akin 'to, para sa kanila rin.
"Tara na?" Tanong n'ya at inakbayan ako nang makuntento ako sa mga nakuhang ice cream kaya pumayag ako. Sunod naman ay pumunta kami sa area ng mga frozen foods.
Kumuha si Klyde ng chicken, pork at ng mga hotdog, para daw may stock ako sa ref lalo na kapag umalis na sila. Kailangan rin kasi nilang umuwi para mag enroll sa pasukan for College.
"Ano, kumpleto na ba?" Biglang sumulpot si Xandra sa likuran namin at napatingin sa cart, may dala na rin s'yang isang basket na pinaglalagyan ng mga kinuha n'yang sabon.
"Ayy wow, bakit may ice cream d'yan? Hindi ba at sinabi na ng doctor na bawal!" Sambit ni Xandra at lumipat sa akin ang paningin n'ya, agad naman akong umiwas ng tingin at napatingin kay Klyde.
"Sa akin 'yan, bigla akong nag crave e." Si Klyde ang sumagot "Tara na nga, tara na sa counter. Hindi pa tayo kumakain baka magutom na si baby."
"Maayong adlaw!" Bati ng cashier noong kami na ang magpapa-counter.
"Ano daw?" Bulong ni Klyde sa amin
"Mama mo daw dilaw." Sagot ni Xandra
"Mama mo blue."Ganti ni Klyde
"Magandang araw daw," Ako na ang sumagot dahil baka mag away pa sila ng dahil doon.
Napatingin sa akin ang cashier ng umimik ako at agad naman s'yang napatigil sa pag pa-punch ng mga binili namin. Dahan dahan s'yang napatakip sa bibig at nanlaki ang mata "Oh my God!"
"Gwapa. Totoo ba 'tong nakikita ko?" Bulong n'ya at parang maluluha, hindi pa rin nakaka get over. "Shanaiah! Wahhh!"
Agad s'yang nilapitan ni Klyde at pinakalma dahil baka makaagaw kami ng atensyon. "Shhh! Huwag kang maingay kung ayaw mo pang mawalan ng trabaho."

YOU ARE READING
Love Beyond the Vlog
RomanceFame, fandom, and money. An aspiring vlogger named Shanaiah Ysabelle Sanchez was not interested in those things; she just did vlogging for fun; she's a student who had ambition. But her life changed when she met a famous vlogger named Drave Lark Smi...