[Hindi ka pumasok?] Tanong ni Klyde sa akin sa telepono habang abala ako sa pagluluto ng sinigang.
"Ang galing mo, ah! Paano mo nalaman?" Natatawang tanong ko. Hindi ako pumasok ngayon dahil alam ko na ako ang ihaharap ni Architect Mabanabat kay Drave sa meeting!
[Tsk, pinuntahan kita sa firm n'yo, leave ka daw. May problema ba? May sakit ka ba? Cancer? Diabetes? Leukemia?] Ang O.A ha!
"Sumakit ang tiyan ko kahapon, ayaw kong maulit ngayon kaya nagpahinga muna ako."Pinaninindigan ko talaga iyon kahapon pa, makalusot lang sa nakaka-stress kong rason.
[Pupuntahan kita dyan—] Baka maistorbo ko pa s'ya, hindi naman totoo ang sinasabi ko.
"J-Joke!" Para akong ewan sa ginawa kong pag-amin.
[Anong joke? Hoy—] Binabaan ko na s'ya ng telepono para di na n'ya maituloy ang sasabihin n'ya.
Pagkakain ko ng tanghalian ay tinawagan ko si Mommy, miss ko na si Dreysha although gabi-gabi din naman kaming magka-usap.
"Hi Mommy!" Si Dreysha ang bumungad sa akin, nakaharap sa kanya ang camera. She's wearing a cute pink dress and headband.
"Hey, baby. Where's Mimi?" I referring to her Lola, sabi ni Mommy mas okay daw na "Mimi" nalang ang itawag sa kanya kaysa "Lola", nagmumukha daw s'yang matanda.
"She left her phone in the table and i saw you calling. Probably she's on her closet right now, putting her new latest bags." Bumili na naman ng mga bags si Mommy, wala talagang sawa.
"Okay. By the way, how are you?" Tanong ko, mukha naman s'yang okay. Hindi na rin naman s'ya humabol sa amin noong nakaraan ng ihatid namin s'ya sa Batangas dahil napag-usapan na namin iyon.
"I am freely eat sweet chocolates here, I don't have limit time on gadget but Mimi say, i must watch educational videos only." She pouted.
Next month ay papasok na s'ya as a kinder, ang bilis lang ng panahon.
"Whatever, pretty." Umirap pa ako, she's such a spoiled brat!
Napatagal pa ang usapan namin bago ko naisipan na ibaba, she need to take a shower because they were going to the mall daw with her Mimi and Grandpa. Spoiled na spoiled na s'ya doon. Ayaw ko naman kumuha ng mga kasambahay dito para sa anak ko because I can't trust them easily, especially that my daughther's involved.
Maghapon lang akong walang ginawa, saturday bukas at hindi ko alam kung ano na naman ang gagawin ko. Bored na bored na ako sa bahay, kung pwede nga lang na pumasok e.
"Hoy!" Kinabukasan ay halos mabitawan ko ang hinuhugasang plato ng biglang pumasok si Klyde. Maliit lang itong bahay ko kaya kapag may pumasok ay visible din sa kusina lalo na at glass wall.
"Ano na naman ang ginagawa mo dito?" Tanong ko
"Anong makakain? Di pa ako nag aalmusal," Ang aga aga nambuburaot!
"Fried rice and spam," Sagot ko at tinapos na ang mga hinuhugasan, hindi naman karamihan iyon.
Paglingon ko ay kumakain na ang loko sa lamesa! Ang bilis ng kamay, ah.
"Tara sa Batangas, miss ko na si Dreysha." Pag-aaya n'ya habang nakanguso.
Wala din naman akong gagawin buong maghapon kaya sumang-ayon ako, miss ko na din ang anak ko.

YOU ARE READING
Love Beyond the Vlog
RomanceFame, fandom, and money. An aspiring vlogger named Shanaiah Ysabelle Sanchez was not interested in those things; she just did vlogging for fun; she's a student who had ambition. But her life changed when she met a famous vlogger named Drave Lark Smi...