07

1.8K 28 0
                                    

"We are back again for another video!" Pag intro ni Drave sa vlog namin na mukbang with Q&A.



Mayroong nag sponsor sa amin ng mga seafood, iba't ibang klase, basta daw maipromote namin iyon ay magpapadala ulit sila kaya pumayag kami.



Nandito kami ngayon sa condo ko at dito nalang naisipang mag vlog dahil marami pa akong pending na schoolwork's kaya hindi ako makaalis, ako naman ngayon ang sobrang busy dahil tapos na ang finals nila Drave.



"So now, we will gonna answer all your random question while eating seafood by Z_kitchen, you can visit their account on IG and Facebook," pagpapatuloy ni Drave.



"First question, Are you together with Ate Shanaiah?" Nagbabalat palang ako ng crabs ngunit napahinto ako dahil sa unang tanong.



"Ah, For now, I prioritize our study and we're happy on our status right now,"Sagot ni Drave.



"Oo and another reason is Grade 12 pa lang ako at wala pa 'yan sa vocabulary ko."Dagdag ko at tumango naman si Drave, Sang-ayon.



"For second question, please read shanaiah," Ibinigay ni drave sa'kin ang cellphone n'ya kung saan nandoon ang mga random question



Babasahin ko na sana ang question ng biglang may mag pop up na message sa cellphone n'ya.



'Hi, loveee. Are you busy? I miss you.'



Agad kong ibinalik kay Drave ang cellphone n'ya. Sino 'yon? Akala ko ba wala s'yang girlfriend.


Maraming tanong ang namumuo sa isipan ko, bakit pumapayag yung girlfriend n'ya na ako ang iharap sa publiko?


Nakakahiya, feeling ko natatapakan ko yung pagkatao ng girlfriend n'ya dahil ako ang kilala ng publiko kahit s'ya naman talaga ang girlfriend.




"L-let's continue,fans lang siguro." Sagot n'ya at tumango naman ako, hindi ko 'yon pinansin dahil marami ring nag memessage sa'kin na mga disperadong fans.



"For second question. Ate Shaniah, May chance po ba si Kuya Drave sa'yo?" Pagbabasa ko sa tanong




"Oo," maikling sagot ko, for the content lang naman 'to kaya mas maganda kung aayusin ko ang sagot ko,dagdag views rin iyon. "When the right time has come, siguro, papasukin namin 'yan."



Napapitlag ako ng biglang mag ring ang cellphone ni Drave na hawak ko.



Love was calling...


Itinigil ni Drave ang pagkain n'ya at agad na inagaw sa'kin ang cellphone at agad na pinatay ang tawag, nagulat ako sa ginawa n'ya at halatang nagulat rin s'ya.



"Bakit mo ginawa 'yon? Sino 'yon?"Tanong ko, nakakaawa yung girlfriend n'ya kung totoo man iyon. Bakit ako ang inihaharap ni Drave sa publiko? Bakit hindi s'ya?



"Continue,"Tanging sagot n'ya at ibinalik sa'kin ang cellphone para hindi halata sa vlog na kinuha n'ya sa'kin 'yon.


Huminga muna ako ng malalim dahil nagiging awkward kami sa harap ng camera.

"What's your dream destination?"Pagbabasa ko sa tanong



"South Korea,"Sagot ko, sa mga cities kasi ako dinadala ng mga magulang ko tuwing may business trip sila. Hindi man lang ako dalhin sa mga destination na talagang mag eenjoy ako, puro sila New York, U.S.A etc.



Love Beyond the VlogWhere stories live. Discover now