"Ms. Sanchez," Napalingon ako ng bumukas ang pinto ng office ko habang naggagawa ako ng proposal, It's Architect Manabat.
Ilang araw na rin ang lumipas noong mag birthday si Dreysha at sa Batangas na lang namin itinuloy ang celebration dahil nag handa rin daw sila Mommy at Daddy. Grabe naman kasing intense ang nangyari!
"Good morning Architect." Bati ko at tumango lang s'ya bago iabot sa akin ang hawak n'yang folder, "It's your schedule for today, check it."
Binuklat ko ang folder halos malaglag ang panga ko ng makita ang pangalan ng nagkaka-isa isang tao na ayaw kong makausap o kahit makasalubong man lang.
9:00- 10:00 - Online meeting with Mr. fox Villamore (Giving updates on renovation)
10:00-12:00- Site visiting on Taguig, Metro Manila project (Under Construction)
1:00-4:00- Meeting with Mr. Drave Smith and Site Visiting for planning. (Pending..)
"Is it okay with you?" I bite my lower lips before i gave her a slow nod. It's not! How can I settle with that?
"Then, goodluck." She said before turn her back.
Nang makalabas s'ya ng pinto ay doon na ako nagpapadyak sa inis! Bakit?! Hindi na ako pwedeng tumanggi! Nakakainis naman.
Tatatlo lang ang naka line sa akin ngayon araw kaya dapat matuwa ako..pero ang bibigat! At tsaka, apat na oras kaming magkakasama ni Drave? Sabagay, kasama na sa apat na oras na iyon ang biyahe, dalawang oras ang biyahe papunta ng Batangas at tsaka may kotse naman ako, hindi ako para sumabay sa kanya!
[Hey, do you hear my question Ms. Sanchez?] Napabalik lang ako sa reyalidad noong umimik ulit ang secretary ni Mr. Fox Villamore, tulala ako sa meeting thru video call.
"Sorry, the signal was poor. Can you repeat it please?" I asked in a soft voice. Hindi ko lang talaga narinig ang sinabi n'ya dahil tulala ako.
Nag update lang ako buong meeting at sinasagot ko ang mga katanungan ng secretary ni Mr. Villamore.
Noong mag alas dyes na ay nag umpisa na akong mag ayos ng gamit, may site akong pupuntahan para bisitahin ang progress doon. Sa may Taguig iyon, BGC.
"Good morning Ms. Sanchez!" Bati ng mga nakakasalubong ko habang naglalakad ako sa hallway, pababa ako ngayon ng floor.
Hindi ko nakakasalubong 'yung dalawa ha! Busy siguro dahil tambak ang gawain naming lahat.
Habang nasa biyahe ay medyo Traffic at napaka init din kaya sobra ang pagtulo ng pawis ko kahit naka aircon. Feeling ko medyo malambot din ang gulong ng kotse ko ngayon, wala pa namang malapit na Auto shop dito.
"Goodmorning Architect!" Bati ng mga construction worker habang ako ay chinecheck lang ang bahay.
"Nasaan si Engineer?" Tanong ko sa porman dahil may ipapa adjust kami, nag request yung may ari ng bahay noong nakaraan na gusto ng bintana sa Atique.
"Mamaya pa ang balik noon Architect, nag memeryenda." Really? In working hours talagang naisipan pa n'yang mag meryenda. Hindi ko kilala ang Engineer ng bahay na ito dahil si Architect Manabat naman ang kausap dito.
YOU ARE READING
Love Beyond the Vlog
RomanceFame, fandom, and money. An aspiring vlogger named Shanaiah Ysabelle Sanchez was not interested in those things; she just did vlogging for fun; she's a student who had ambition. But her life changed when she met a famous vlogger named Drave Lark Smi...