"Welcome back!" Sinalubong ako ng yakap ni Klyde sa Airport.
"Thankyou, Engineer Delos Reyes!" Sambit ko. Tulog si Dreysha habang karga karga ko. Si Xandra ay nagpaiwan sa NewYork dahil hindi s'ya pwedeng umalis doon, gawa ng acads.
Nakasuot ako ng facemask at shades ngayon dahil kahit ilang taon na ang nakalipas ay alam ko na mainit pa rin ako sa mundo ng social media ngayon, mahirap na at baka makarating kay Drave na nandito ako sa pilipinas.
Dito ko balak magpatuloy ng apprenticeship, para maalagaan ko rin si Dad. Isang buwan na rin ang nakalilipas noong graduation ko, nag asikaso agad ako ng mga papeles at bahay na matitirhan dito sa Pilipinas. Gusto ko na sa manila ako mag tatrabaho, malayo kung doon ako sa Batangas titira.
"Wow, Naka Mercedes-Benz!" Puna ko pagkarating namin sa parking, inihiga ko si Dreysha sa may likuran ng kotse at doon naman ako umupo sa may shotgun seat.
"Huwag mo masyadong puriin 'yung brand new, fully paid, latest, Mercedez-Benz ko!" Sambit n'ya pagkasakay sa driving seat. Nag ayos pa kasi s'ya ng mga maleta ko sa likod.
Doon n'ya kami inihatid sa bagong village na titirhan ko, modern house iyon. Hinuhulog-hulugan ko pa rin.
Binuhat ko nalang si Dreysha, pababa ng kotse dahil mahimbing pa rin ang tulog n'ya, mukhang napagod sa biyahe.
"Ako ang nagbigay kay tita at tito ng mga socials mo." Nang maihiga ko sa kwarto si Dreysha ay bumalik ako sa sala at iyon agad ang sinabi ni Klyde, "Sorry, hindi ko sila matiis e."
"Ayos lang, sila din naman ang dahilan kung bakit umuwi ako dito." Sagot ko at kinuha ang mga maleta na inilapag n'ya sa sala, pinasok ko iyon sa loob ng kwarto.
"Ang laki na ng mga business ni Drave. Lalo s'yang sumikat," Sambit ni Klyde ng makabalik ako sa sala.
"I don't care, Klyde." Umirap ako ng sabihin iyon, kaya natawa s'ya at napangisi, "Gutom lang 'yan, gutom ka na ba?"
Tumayo ako at sinimulang buksan ang isang package box na dala dala ko, naglalaman iyon ng pasalubong ko sa kanila.
"Oo, gutom ako. Gusto ko ng chocolate," Pambuburaot n'ya at tinulungan akong magkalkal ng mga pasalubong.
"Oh, eto sabon. Kainin mo," Inabutan ko s'ya ng sabon dahil iyon agad ang bumungad pagkabukas ng box.
Ilang araw ang lumipas at hindi ko maintindihan kung bakit halos araw araw nasa bahay ko si Klyde, hindi pa kami nakakauwi ni Dreysha ng Batangas dahil pagod pa talaga ako at tsaka sabi ni Klyde, s'ya daw ang maghahatid sa amin sa Batangas.
"Anong ulam natin?" Pagkagaling ni Klyde sa trabaho ay dito agad s'ya dumiretso, sakto at nagluluto ako ng adobo. Wala ba s'yang bahay?
"Tito!" Narinig ko na sinalubong s'ya ni Dreysha sa may pinto. Hindi na naninibago si Dreysha kay Klyde dahil halos araw araw rin naman n'ya iyong kausap sa video call.
"Hi, Dreysha!" Lumingon ako sa kanila at buhat na ni Klyde si Dreysha. Pinatay ko na ang gasul dahil tapos na akong magluto.
"Nandito ka na naman," Sambit ko at naghain na ng mga plato, gabi na rin naman.
"Sawa ka na bang makakita ng guwapong Engineer araw araw?" Tanong n'ya kaya napairap ako. "At tsaka, hindi naman ikaw ang pinunta ko, 'yung anak ko lang ang habol ko."

YOU ARE READING
Love Beyond the Vlog
Roman d'amourFame, fandom, and money. An aspiring vlogger named Shanaiah Ysabelle Sanchez was not interested in those things; she just did vlogging for fun; she's a student who had ambition. But her life changed when she met a famous vlogger named Drave Lark Smi...