33

2.8K 35 0
                                    

I woke up and watch the sunrise on glass wall.

Nakatagilid ako habang nakahiga at hindi makagalaw dahil naka pulupot sa bewang ko ang braso ni Drave. We're still here on his place, mabuti na lang at natanggap kaagad ni Dreysha kahapon ang ama niya, she's bubbly at kumportable naman siya sa ama.

Aktong aalisin ko na ang kamay ni Drave sa bewang ko ng umungot s'ya.

"Five minutes, love." He said using his husky voice. I bite my lower lips to stifle my smile.

Wala akong nagawa kung hindi abutin na lang ang cellphone ko na nasa side table. It's around five a.m, tulog pa si Dreysha sa kabilang room.


From: Architect Manabat

Is everything's okay now? You have a lot on your plates, right now.


Shit, patatlong araw ko na kahapon na hindi pumapasok sa trabaho kaya kailangan kong pumasok ngayon.

To: Architect Manabat

It's settled, Architect.

Made-delay pa 'ata ang 2 years experience ko nito! Parang ang dami ko ng leave at absent. Pinapabayaan naman ako ni Architect, since summer nga naman. Dibale, mayaman naman ang mapapangasawa ko, tsk.

Xxandra: Update naman d'yan, may nabalitaan ako kahapon ha.

Napairap ako sa dm ni Xandra, kahapon pa iyon at ngayon ko lang nabasa, malamang si Klyde ang nagsabi sa kanya ng mga nangyayari.

I took a picture of mine, medyo nahagip pa ang chin ni Drave na nasa likod ko.


Shanaiah_Snchz: Sent a photo.


Hindi ko na inaasahan na mag re-reply s'ya kaagad dahil magkaiba ang oras doon at dito sa pilipinas.


"Good morning," Muntik pang mahulog ang cellphone ko sa mukha ko ng marinig ko ang boses ni Drave sa pagmamadali na itago ang selfie ko.


Humarap ako sa kanya at ngumiti na parang walang nangyari.


"Morning," Bati ko pabalik at agad bumangon para umupo, corious ako sa amoy ng hininga ko. Hindi na sa itsura, kahit sa proper hygiene na lang.


"Where are we going now?" Tanong ni Drave, nakahiga pa din siya habang ako ay naka upo at itinatali ng bun ang buhok. "Park? Mall? Resort?"

"Huh? Anong saan pupunta? Papasok ako, matatanggal na ako sa trabaho Drave, isang absent na lang." Natawa s'ya dahil siguro feeling niya ay O.A ako.


"Then I will make you my secretary, I will paid you when you get fi—-" Binato ko s'ya ng unan bago pa n'ya pa maituloy ang sinasabi niya. Anong fired?! Napaka pasmado ng bibig.


Natawa naman siya sa reaksyon ko.


"Limang taon akong nag aral ng Architecture para maging secretary mo? Anong gagawin ko doon? Iguguhit ang mga kliyente?" Umirap pa ako bago pumasok sa banyo dito sa kwarto niya, narinig ko pa ang nakaka-asar na halakhak n'ya.


Nag hilamos lang ako at nag toothbrush, pagkalabas ko ng banyo ay wala na si Drave sa kwarto.


Kaya naman, pinuntahan ko si Dreysha sa Kwarto niya, dito din sa 2nd floor.


Love Beyond the VlogWhere stories live. Discover now