"Shanaiah, kumpleto na ba ang requirments mo sa lahat ng subject?" Pinalilibutan ako ng mga kaklase ko na mga nagmamadali, ngayon ang completion namin sa chemistry para mabigyan na kami ng grade.
"Oo, nasa file case ko lahat." Ipinakita ko sa kanila ang laman ng file case ko.
"Anong meron? Bakit may umpukan?" Sambit ni Xandra. Magkasabay na dumating si Klyde at Xandra at lumapit sa akin.
Halos malaglag ang panga n'ya ng makita ang nangyayari, maraming papel ang naka-umpok at inaayos ng mga kaklase ko.
"Putcha! Naiwan ko yung akin, akala ko bukas pa." Halos maiyak na s'ya sa nangyayari.
"Ngayon ba 'yan?" Inosenteng tanong ni Klyde.
Nasapo ko ang noo ko sa mga naririnig ko sa kanila.
"Oo pre, minus five yata sa card kapag kulang sa chem." Yung isa naming kaklase ang sumagot kay klyde.
"Last 10 minutes na, time na. Hindi na ko pwede umuwi." Pagdadalamhati ni Xandra at nag lupasay pa sa sahig.
"Mamayang chemistry, hindi ako aattend. Sabihin n'yo kay ma'am may practice ako ng motorcross." Sambit ni klyde, kaya napailing nalang ako.
"Good News! Wala si ma'am, may meeting!" Biglang pumasok ang isa naming kaklase noong time na ng chemistry kaya ang lahat ay nag diwang, lalo na yung dalawa.
"Si ma'am ang ibagsak natin, kasi s'ya ang wala." Napailing ako sa narinig ko kay Xandra.
Noong hapon ay hindi na ako nakasabay kay Klyde at Xandra dahil sinundo ako ni Drave.
"How's your day?" Tanong ni Drave pagkasakay ko ng kotse n'ya. Mukha s'yang pagod na pagod, dahil siguro sa school.
"Okay lang,wala namang masyadong ginawa, nag aayos na kasi ng grade ang mga teacher." Inihatid n'ya ako sa condo at nag stay muna s'ya, ang layo rin naman kasi ng school n'ya sa school ko, napagod siguro.
Habang nagluluto ako ng dinner namin ay nag ring ang cellphone ko, tumatawag si mom!
"Mom?" Bati ko.
[Why your camera's turned off?] tanong n'ya, nasa likod ko lang si Drave, sa may dining table, nag la-laptop.
"A-ahh, nagluluto po kasi ako, ang hirap humawak ng cellphone," Tama ba ang palusot ko? Tama naman hindi ba? Totoo naman.
[Really? May I see?] Binuksan ko ang camera at naka back flip iyon, naka harap sa niluluto ko.
[Oh, is that sinigang? Mauubos mo ba 'yan? Ang dami naman 'ata.] Puna n'ya.
"Opo, sinigang. May friend po ako na kasama kong kakain." Sagot ko
[Oh really? Who? Klyde or Xandra?] She asked.
"Shanaiah, do you have a pen and paper? I left mine." Biglang umimik si Drave sa likod ko, putcha!
[Who's that?] Tanong ni Mom.
YOU ARE READING
Love Beyond the Vlog
RomanceFame, fandom, and money. An aspiring vlogger named Shanaiah Ysabelle Sanchez was not interested in those things; she just did vlogging for fun; she's a student who had ambition. But her life changed when she met a famous vlogger named Drave Lark Smi...