"What's that?" I asked Drave when he suddenly gave me an invitation.
Nakipag kita s'ya ngayong umaga sa isang coffee shop malapit sa condo ko and now is his birthday. Umuwi rin kaagad ako kagabi after the surprise, kawawa si klyde, e.
"A invitation?" Hindi ko alam kung sarkastiko ba s'ya o ano.
Humigop muna ako sa kape ko bago ko tanggapin iyon.
Binuksan ko ang invitation at naglalaman iyon ng night party for his birthday slash after party. Mukhang fancy ang magaganap mamaya.
"Formal attire ba?" Tanong ko dahil mukhang iyon ang required, nakakahiya naman pumunta sa mga ganitong party.
"No, your presence is more important." He answered, syempre 'yon ang sasabihin n'ya para makumbinsi ako.
"I'II try, baka hindi ako payagan ni mom e. It's my first time to go on the party," Sagot ko
"I understand," Pilit s'yang ngumiti.
Pero hindi ko alam kung bakit nagpapasama ako kay Xandra sa boutique after naming mag usap ni Drave! Akala ko ba ayaw ko dahil hindi ako sanay sa mga ganito?
Nag shades at mask nalang ako para hindi ako makilala ng mga tao.
"Oh, ito bagay 'to sa'yo!" Inabot sa'kin ni Xandra ang isang back less dress, kulay silver iyon at above the knee.
"Ayaw ko n'yan, napaka revealing." Umiiling na sagot ko at patuloy parin sa paghahanap.
"Hays! Ito ang uso ngayon ano ka ba? Pag nakita ka ni Drave mamaya ay ma-iinlove iyon sa'yo! Pasalamat ka at may family dinner ako mamaya, hindi ako makakasama, dahil kung wala ay ako ang magsusuot nito!" Wala talagang preno ang bibig n'ya.
"Ito, bagay 'to sa'yo. Kapag ito tinanggihan mo pa ay ewan ko nalang sa'yo," Napalingon ako sa hawak n'yang puff long sleeve na v neck, dress iyon at kulay red, above the knee.
Alam ko na komportable ako doon dahil long sleeve iyon at hindi katulad kanina na back less.
Pumunta ako sa fitting room at sinukat iyon, pagkaharap ko sa salamin ay napangiti ako dahil bagay iyon sa akin.
"Matagal pa ba?" Kinig kong tanong ni Xandra, nasa labas s'ya ng cubicle kaya hinawi ko ang kurtina na namamagitan sa amin.
"Ano sa tingin mo?" Tanong ko
Halos malaglag ang panga n'ya sa nakita "Grabe, Ang ganda mo, Shanaiah!"
Gusto ko ng magpalit dahil kung ano ano ang sinasabi n'ya.
"Teka nga, ikot ka nga, pipicturan kita!" Sambit n'ya at ginawa ko naman para manahimik na s'ya.
Binili namin yung dress na iyon, umuwi muna si Xandra sa kanila pagka galing namin sa mall, sinabi n'ya na pupunta daw s'ya sa condo ko before 7 dahil s'ya ang mag aayos sa'kin, 8 pa naman daw ang family dinner nila and 8 pa din ang start ng party.
Drvsmth: Are you coming up?
Nakatulog pala ako noong tanghali kaya hapon ko na nabasa ang message ni Drave, hindi ko iyon nagawang sagutin, surprise nalang.
"Huwag kang malikot!" Habang inaayusan ako ni Xandra ay puro s'ya sigaw, hindi kasi ako sanay sa ganito "Eyeliner ito! Huwag kang magmulat!"

YOU ARE READING
Love Beyond the Vlog
RomansaFame, fandom, and money. An aspiring vlogger named Shanaiah Ysabelle Sanchez was not interested in those things; she just did vlogging for fun; she's a student who had ambition. But her life changed when she met a famous vlogger named Drave Lark Smi...