"Tinatawagan kita kahapon, hindi ka sumasagot, itatanong ko sana kung ano ang gusto mong surprise!" Bungad ni Klyde sa umaga ko, nasa bahay lang ako ngayon at hindi pumasok sa trabaho, balak ko na puntahan si Dreysha mamaya.
Nandito ako sa sala at nakaupo ng biglang pumasok ang lalake na 'to.
"Happy birthday nga pala." Iniabot n'ya sa akin ang isang box ng cake. "Six hundred lang 'yan kasama ang transpo, huwag mo na bayaran, nakakahiya."
"Pupunta ba tayo ngayon kay Dreysha?" Tanong n'ya at umupo rin sa sofa.
"Sino ang may sabi na kasama ka?" Tanong ko kaya napasimangot siya.
At iyon na nga ang nangyari! Isang kotse na lang ang ginamit namin papuntang Batangas at siya ang nag drive.
Ayaw n'ya akong pag-drivin' dahil birthday ko daw at lapitin daw ako ng disgrasya! Parang wala naman akong alam na pamahiin na ganoon, mga graduating students ang alam ko sa ganoon.
"Happy birthday, anak!" Pagkabukas ko noong pinto ay bumungad sa akin si Mommy at Daddy, karga ni Mommy si Dreysha at sa gitna ng sala ay may lamesa na punong puno ng mga putahe.
Agad akong lumapit sa kanila at hinalikan sila isa-isa.
"Happy birthday Mommy!" Bati ni Dreysha at nagpabuhat sa akin.
"Thankyou!" Pasasalamat ko at niyakap s'ya, lumipat din kaagad s'ya kay Klyde pagkatapos akong lambingin.
Inilipat ang mga handa sa swimming pool area para mas maganda ang celebration. Pagkakanta nila ng happy birthday ay tumalon na kaagad si Klyde sa swimming pool kasama si Dreysha, nakasalbabida naman si Dreysha.
"Anak, huwag ka sa malalim!" Saway ko habang kumukuha ng pagkain.
"Chill ka lang d'yan birthday girl! Ako ang bahala sa anak mo." Si Klyde ang sumagot dahil busy si Dreysha sa swimming pool.
"Kapag talaga may nangyari sa anak ko!" Sigaw ko ulit.
"Kalma ka lang anak, hindi naman papabayaan ni Klyde si Dreysha." Singit ni Mommy na nakaupo na rin at handa ng kumain, si Daddy ay nasa harap n'ya at kumakain na din. Ako ang nasa gitna ng lamesa.
Magaling na si Dad, nakakalakad na pero pilay pa rin ang isang paa, ang isang kamay naman n'ya ay hindi pa nakakagalaw kaya tuloy tuloy pa rin ang theraphy n'ya, good thing at kaya na n'ya ulit makatayo ng walang mga nakakaalalay.
"Balita ko hawak mo ang project ni Drave." Napakunoot ang noo ko sa sinabi ni Mom, habang kumakain ako. Saan n'ya iyon nalaman?
"Xandra's told me. She called last time, gusto daw makausap si Dreysha." Sambit niya, ang layo layo na ng babaeng iyon pero nakaka-perwisyo pa din!
"How's your relationship with him?" Si Dad naman ang nagtanong, interview ba ito? Hindi ako nakapag-ready!
"W-Wala. Maayos po kami bilang kliyente ko s'ya." Kabado na sagot ko.
"Relax Shanaiah, hindi ka talaga pwedeng mag attorney." Iling na puna ni Dad. Napatingin naman ako kay Mom na nakangiti na sa akin ng nakakaasar, talaga hinuhuli ako!
Wala naman talaga.

YOU ARE READING
Love Beyond the Vlog
Roman d'amourFame, fandom, and money. An aspiring vlogger named Shanaiah Ysabelle Sanchez was not interested in those things; she just did vlogging for fun; she's a student who had ambition. But her life changed when she met a famous vlogger named Drave Lark Smi...