19

2.1K 27 0
                                        

"Anong ginagawa n'yo dito?" Paano sila nakarating dito? Ang layo na nito sa pilipinas.


"Hmm, magbabakasyon?" Sagot ni Xandra na naka higa sa couch. Parang sila ang may ari ng bahay ha! Si Klyde naman ay naka upo sa isang upuan at naka taas ang paa sa center table.


"Paano n'yo nalaman ang bahay namin dito sa NewYork. Tsaka ang pamasahe, ang mahal kaya ng pamasahe! At paano kayo nakapasok?" Sambit ko at inalis ang suot ko na coat.


"Ang dami mo namang tanong Master Shanaiah! Syempre malakas ang hatak namin kay tita, kahit naman galit sa'yo si tita ay hindi iyon galit sa amin kaya nakapag tanong kami sa kanya. Tsaka 'yung pamasahe? Basic lang 'yun kay Xandra. Tsaka, ang dali kaya ng code ng pintuan n'yo! Birthday mo lang naman 'yun e." Sagot ni Klyde.


"Pinapahanap na din kasi kami ni Drave sa pilipinas e, hindi n'ya alam na napakalayo na namin sa kanya." Dagdag pa ni Xandra


"Nandito s'ya," Sambit ko.



"Ahh," Lutang ba si Klyde?



"Nandito s'ya." Ulit ko



"Ano?!" Tanong ni Xandra ng ma-realize ang sinabi ko "Si Drave, nandito?!"



Agad s'yang napaupo sa sinabi ko, hindi makapaniwala. Mukha ba akong nagbibiro? Tumabi ako sa tabi ni Xandra dahil nakakapagod tumayo, ang layo kaya ng nilakad ko.


"Seryoso ka ba?" halatang kabado si Klyde noong sinabi n'ya iyong. "Ang layo na nito, paano s'ya nakasunod dito? Alien ba s'ya."



"Mukhang may business trip, s'ya ang nag sub sa magulang n'ya." Sagot ko, kahit ako ay hindi makapaniwala.


"Putcha naman, ang mahal mahal ng ticket, makapagtago lang dito sa NewYork, tapos nandito s'ya? Ano 'to, hide and seek, dayaan edition?!" Reklamo ni Klyde, mas problemado pa s'ya kaysa sa akin!


"Baka naman namamalik-mata ka lang? Kung ano ano na ang nakikita mo Shanaiah!" Dagdag ni Klyde, hindi maka move on!

"Miss na miss mo na ba?" Pagdududa ni Xandra kaya napairap ako.

"Nasan ka na ba mahal ko? Namimiss kita pag di ka nakikitaAaAaa" Biglang pagakanta ni Klyde, ang sakit sa tenga, ano ba 'yan.

"Ano ang dapat kong gawin
Para lang malaman mong ikaw ang maHaAlll" Sinabayan pa s'ya ni Xandra, mga abnormal! Napatakip nalang ako sa tenga.

"Kitang kita ng dalawang mata ko! Muntik pa nga n'ya akong makita, buti nalang nakatakas ako!" Pagdepensa ko, nagmumukha akong preso.

Kinabukasan ay nag bukas ako ng Social Media, nakahinga ako ng maluwag noong nalaman ko na nakabalik na si Drave sa pilipinas, nag trending s'ya noong nasa Airport na s'ya, madami din kasing fans ang sumalubong sa kanya.



Mabuti na lang at naisipan n'yang bumalik na sa pilipinas dahil hindi ko alam ang gagawin ko, once na nagkita kami.



Medyo nananahimik na ang isyu namin ni Drave at Klyde.



"Babalik kami sa pilipinas, after 1 month para mag enroll, papasyal nalang kami dito kapag free kami." Sambit ni Xandra na parang napakadali ng lahat.



"Seryoso ba kayo?" Natatawang tanong ko



"Oo nga!" Napairap si Xandra habang sumasagot.



Love Beyond the VlogWhere stories live. Discover now