23

2.2K 29 0
                                    

"Mi!" Pagtawag ni Dreysha kay Mommy pagkarating namin ng Batangas, weekend ngayon at napag desisyonan namin ni Klyde na dalhin muna si Dreysha sa Batangas dahil hindi na kinakaya ng schedule namin. Palaging conflict pero nagagawan naman ng paraan ni Klyde.

"Oh my god, Dreysha!" Napatayo si Mommy mula sa pagkaka-upo sa sala at sinalubong ng yakap si Dreysha. "How's my baby?"

Nag bless ako kay Mommy ng mapalingon s'ya sa akin at ganoon din si Klyde, parang lumiwanag ang mukha n'ya ng makita ang mga gamit ng anak ko na bitbit namin ni Klyde, tuwang-tuwa.

"Oh my god finally! Dito muna si Dreysha, hindi ba?" Mommy asked at tumango naman ako, agad kinuha ng mga maid ang mga bag na bitbit namin ni Klyde.

"I told you naman kasi from the start pa lang na iwan mo muna dito si Dreysha."Sambit n'ya, noon pa nila ako pinipilit ni Dad na dito muna si Dreysha para makapag focus ako sa trabaho ko pero hindi ko kasi kayang mapahiwalay kay Dreysha.

Noong mag hapon ay nag decide kami ni Klyde na ipasyal muna si Mom and Dad, since uuwi na din kami bukas, baka matagalan na din siguro ako bago bumalik dito sa Batangas.

"We were going to the mall?" Masayang tanong ni Dreysha habang nakasakay sa likod kasama si Mom and Dad, ako naman ay nasa shotgun seat, si Klyde ang driver.

"Yes, what do you want to buy?" Tanong ni Klyde, spoiled na spoiled na talaga sa kanya si Dreysha!

"Ice cream!" Masayang sagot ni Dreysha


"Kapag ba inubo si Dreysha, ikaw ang mag aalaga?" Tanong ko kay Klyde.

"Eh, bakit ako mag-aalala kung nandiyan naman si Doctora Dela fuente?" He reffered to Xandra.

"Ano? Gusto mo bang mamatay ang anak ko? Sampung taon pa bago s'ya magamot?" I asked in irritated voice. Sampung taon pa siguro ang pagdadaanan ni Xandra bago maging isang ganap na Doctor.

"Stop it guys, you look like a grade one who are arguing in toys." Saway ni Mom.

Nakarating na agad kami ng mall at nag shades na ako, hindi naman siguro ako mapapansin ng mga tao. Mas mapapansin lang siguro nila ako kung magsusuot ako ng facemask.

Si Klyde ang nagbuhat kay Dreysha habang papasok kami ng mall, mukha na naman akong epal dito sa gilid.

"Why are you grumpy, mommy?" Tanong ni Dreysha habang patungo kami sa isang restaurant.

"H-Huh? No kaya!" Medyo napalakas ang sabi ko kaya napatawa si Klyde, kaunti nalang at masisipa ko na 'tong lalaki na ito! Nakakainis.


"Talaga ba?" Inirapan ko si Klyde ng tanungin n'ya ako.


Nang makarating kami sa isang fancy restaurant ay nag order na kaagad kami, dinamihan ko na kaagad iyon dahil ngayon na lang ulit kami nakapag bonding.


"T-Thankyou," Bulong ni Dad na katabi ko kaya nginitian ko lang s'ya, naka wheel chair s'ya ngayon.


"Dreysha, come here." Bago kami magsimulang kumain ay tinawag ko muna si Dreysha na tumabi sa akin dahil nakakalong na naman s'ya kay Klyde.


"I don't want, mommy." Sagot ni Dreysha habang umiiling.


"Dreysha!" Seryosong pagtawag ko.


"Fine, mommy!" Aba, natututo na s'yang sumagot.

"Learn to eat on by your own, okay?"Sambit ko at inismidan si Klyde na nakangisi, masyado ng spoiled sa kanya si Dreysha.

Love Beyond the VlogWhere stories live. Discover now