24

2.2K 33 0
                                    

"Good morning!" Napalingon ako kay Mitch ng pumasok s'ya sa office ko habang nag-aasikaso ako ng schedule ko sa laptop.

"Trending ka ngayon, ah!" Wika ni Faith, nakatutok pa rin ako sa Laptop ko. Wala ba silang mga trabaho?

Kakabalik lang namin ni Klyde dito sa Manila kaninang madaling-araw. Sa hotel muna kami mag stay matapos naming makita si Drave kahapon sa tapat ng mansion.

"Alam mo ba, ang daming nag le-leave na architect ngayon. Summer na kasi," Maya maya ay sambit ni Mitch.

"Kayo, wala ba kayong balak?" Tanong ko

"Ayaw mo na ba kaming makasama?" Nakangusong tanong Mitch.

"Ha? Hindi—" Napatigil ang pagsagot ko ng biglang may kumatok sa pinto.

"A-Architect!" Bati ni Faith kay Architect Manabat na kakapasok lang ng pinto, may dala s'yang mga folder, tatlo iyon.

"Hi, Architect!" Masayang bati ni Mitch.

"Go back to you work, ladies." Sambit ni Architect Manabat at lumapit sa akin, agad naman na napatayo 'yung dalawa.

"Babalik na nga po kami Architect! Hehe." Kabadong sambit ni Faith at hinila si Mitch palabas, si Architect Manabat naman ang pumalit sa inuupuan noong dalawa.

"Good morning Architect." Bati ko pagka-upo n'ya, tumango naman s'ya.

"Many Architect was on their leave, so mag expect ka na ng madaming trabaho dahil kulang ang tao sa kompanya natin as of now." Tumango lang ako at ibinigay n'ya sa akin ang tatlong folder na hawak n'ya.

"That's the remaining project of mine, and I need a junior architect. I know that you can do it. I trust you, Sanchez. Don't worry, I will guide you." Sambit n'ya at tumayo na "That's all, just contact me or update me if you have a question on that project."


Pagkatalikod ni Architect Manabat ay agad kong binuklat ang isang documento na nilalaman ng isang folder.

Quezon City project
Fox Villamore Residential building
Status: Under Renovation.


Mabuti naman at medyo hindi na ako mahihirapan sa naunang projects, under renovation na iyon kaya 'yung pagkakagawa nalang ng construction worker ang responsibilidad ko.

Binuksan ko ang pangalwang folder at residential house naman iyon, under construction na. Mabuti at nasimulan na ni Architect Manabat iyon dahil kung hindi ay madami pang usapan ang magaganap.

Pagkabukas ko sa pangatlong folder ay hindi ko alam ang mararamdaman ko, lumakas ang kabog ng dibdib ko.


Batangas Project
Drave Smith Residential Resorts
Status: Pending..


Agad kong nabitawan ang folder. Pending?!
Bakit sa kanya pa napatapat ang pending?

Nasapo ko ang noo ko, bakit ito lang ang pending sa daming projects na napabigay sa akin?! Pinaglalaruan ata ako ng tadhana, bwisit!

Tulala lang ako noong mag lunch time na, hindi ko magawang umalis sa office dahil tambak ang trabaho na gagawin ko, bigla namang pumasok si Mitch at Faith na may dala na ulit na pagkain.

Love Beyond the VlogWhere stories live. Discover now