"Shit, 7 A.M na!" Napabalikwas ako ng bangon ng makita ang oras, napatingin ako kay Drave na tulog pa din, medyo napasarap ang tulog ko dahil sa sobrang pagod kahapon at si Drave naman ay may tinapos pa din na trabaho pagkadating namin.
Dali dali akong tumakbo sa C.R para maligo, halos hindi ko na alam ang uunahin ko kung toothbrush ba o hilamos.
Napapikit ako sa inis ng nahulog pa sa sahig ang toothpaste, bwisit!
"Are you okay, love?" Narinig kong kinalampag ni Drave ang pinto ng C.R, nagising siguro siya sa ingay ko.
Hindi ko s'ya sinagot at itinuloy ang pag ayos sa sarili, lumabas ako na naka suot na ng attire, blue suit iyon dahil iyon na lang ang nakalagay sa closet namin dito sa C.R.
Wala na si Drave sa kwarto namin, nasa ibaba na siguro. Pumunta ako sa kwarto ni Dreysha para tignan siya at nagulat ako ng nandoon si Drave at nakaupo sa tabi ni Dreysha at nakatitig sa anak na natutulog.
"Hindi ka pa din papasok?" Nagulat siya sa presensya ko.
"Nope, I take a leave." Tanging sagot niya, "Are you done? Ihahatid na kita."
"No, bantayan mo na lang si Dreysha, pahiram nalang ako ng kotse." Sagot ko at tumalikod na para ihanda ang gamit.
Pumayag naman siya sa gusto ko, gusto pa sana n'yang isama si Dreysha at gisingin para ihatid ako ngunit alam ko na pagod din si Dreysha kahapon sa kakalaro.
Inabot pa ako ng traffic noong nasa daan, bwisit! Hanggang hapon na ba akong mamalasin?!
"Good morning, Architect!" Hindi ko na napansin ang mga empleyado na bumabati sa akin sa sobrang pagmamadali, almost 1 hour late na ako!
"Architect Manabat," Hingal na hingal ako noong pumasok sa office ni Architect Manabat, "I'm sorry, traffic po kaya n-ngayon lang ako."
"It's okay, Ms. Sanchez." Nakangiting sagot niya, "Our one client was requested to take you in site for the whole day, madami daw kasing dapat pagtuonan ng pansin sa site at kailangan ka doon."
Nangunot ang noo ko, paano ang mga pending ko na gawain, I'm sure na matatambakan na naman ako! Bakit ba kasi biglaan.
"Don't worry on your pending works, Faith will gonna take that, kaunting revisions lang naman ng design ang kulang sa mga iyon at ayos na." Sambit ni Architect.
"But, madami po akong naka schedule na meeting ngayon." Problemadong sagot ko.
"Si Mitch na ang bahala doon dahil doon naman s'ya magaling, mag sales talk." Natatawang sambit ni Architect Manabat.
"Sino po ba 'yung client?" Ganoon ba talaga ka-importante 'yung projects na iyon para mag cancel ako ng mga gawain?!
"Mr. Drave Smith, our client on Batangas project." Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya, ano na naman ang sinabi ng lalake na iyon kay Architect?! Ayos naman na ang project n'ya, hindi na ako masyadong kailangan doon.
Humanda talaga sa akin ang lalake na iyon mamaya!
Noong makabalik ako sa office ko ay nagpalit ako ng flat shoes dahil baka matakid pa ako sa site.
Drvsmth: Hi, Architect. I'm at the parking :))
Hindi ko alam kung maaasar ba ako o matutuwa sa ginagawa ng lalake na 'to pero bumaba na lang ako.
YOU ARE READING
Love Beyond the Vlog
RomanceFame, fandom, and money. An aspiring vlogger named Shanaiah Ysabelle Sanchez was not interested in those things; she just did vlogging for fun; she's a student who had ambition. But her life changed when she met a famous vlogger named Drave Lark Smi...