"Oh my god, 800k subscriber in first collaboration?!" gulat na sigaw ni Xandra.
Nakatambay kami sa isang coffee shop. Tapos na ang sem, kaya break muna kami ngayon.
Nalaman na nina Klyde at Xandra na nakipag-collab ako kay Drave. Noong una, punô sila ng tanong kung paano iyon nangyari, pero natiis ko namang sagutin ang mga katanungan nila. Nalaman na lang nila noong biglang nag-viral 'yung vlog.
Si Klyde ay nagpapraktis pa rin ng motocross kahit sem break namin, kaya kaming dalawa lang ni Xandra ang nakatambay.
"Kailan ulit kayo magko-collab? Sama ako ah!" sambit ni Xandra, at tinanguan ko na lang siya para hindi na mangulit.
Noong unang collab namin ni Drave ang huling pagkikita namin. Wala pa akong balak makipag-collab ulit—gusto ko munang magpahinga.
Napatitig na lang ako sa laptop ko habang pinapanood ang upload niya na may pamagat na "Hokage Moves: Nasuntok Ako!" Halos puro good comments ang nababasa ko. Umabot na rin sa 700K views ang video na 'yon kahit isang linggo pa lang.
Comments:
Hence_Hoff: Akala ko totoong nasuntok ka haha! Btw, cute ng friend mo. Muntik na din akong maprank ah!
Chlsyyy: Hokage ka talaga, master! Ang ganda ng friend mo, talagang naprank mo siya!! HAHAHAHAHAHA
Dravefansclub: More collab with ur friend, please!! She's so pretty, damn. Btw, galing ng kasabwat mo sa prank. <33
Ito ang ilan sa comments na nababasa ko. Araw araw din na nag memessage si drave ng "congrats" sakin tuwing nadadagdagan ang views. Gusto n'ya ulit mag set ng collab kaso gusto ko munang magpahinga.
Napatingin ako sa cellphone ko ng biglang tumawag si klyde.
[Nasaan kayo?] maingay sa background n'ya kaya alam kong nasa field parin sya.
[Nasa coffee shop, malapit sa condo ko.]
[Sige! Susunod ako, wag muna kayong umalis] Mukhang naglalakad na s'ya paalis ng field dahil unti-unting nawawala ang ingay ng mga motor.
"Sino 'yon?"Tanong ni Xandra ng matapos kaming mag usap ni klyde.
"Si klyde, susunod daw"Sagot ko at humigop ng iced coffee.
"May laban s'ya next week sa motorcross, pupunta ka ba?"Tanong n'ya kaya napatingin ako sa kanya, hindi ko alam 'yon dahil hindi naman nagsasabi si klyde.
"Huh? Wala naman s'yang nabanggit sa'kin, anong araw ba?"Tanong ko.
"Friday pa naman iyon sis, school level pa lang naman." Alam kong kaya ni klyde na mag champion dahil ilang beses na syang naipanglaban sa labas ng school.
I will clear all my schedule. Kailangan kong pumunta, nakakahiya naman kung hindi.
"Hey, What's up!"Napalingon kami sa dumating, si klyde. Malapit lang ang school at nakita kong dala n'ya ang motor n'yang big bike kaya pala mabilis.
"May laban ka pala sa motorcross next week? Hindi mo naman sinabi," Sambit ko, nagtataka kung bakit hindi n'ya sinasabi, dati naman ay lagi n'ya akong pinipilit na sumama kay xandra para manood.
YOU ARE READING
Love Beyond the Vlog
RomanceFame, fandom, and money. An aspiring vlogger named Shanaiah Ysabelle Sanchez was not interested in those things; she just did vlogging for fun; she's a student who had ambition. But her life changed when she met a famous vlogger named Drave Lark Smi...
