Habang naglalakad ako patungo sa school. Samo't saring emosyon ang nararamdaman ko. Di ko alam kung matutuwa ba ako o malulungkot. Naiihi o ano pa man. Panibagong yugto na naman ng buhay ang aking kakaharapin.
Pagka hakbang ko mula sa gate ay tumigil ako pansamantala. Nilibot ko ang buong paningin ko sa Campus. Nakakalula dahil sa malalaking building. Pero di na ako bago sa ganito dahil sa tinitirhan ko dati puro ganito ang nakikita ko.
Ang pinapangamba ko lang ay yung kung ano mangyayari sa buhay ko sa bawat araw..Ako nga pala si Alyssa Valdez, nagtransfer I mean pinagtransfer nila ako dito sa isa mga sikat na school dito sa Manila. Galing akong US pero tubong Batangas ako in short Batanguena.. sa Pilipinas pa rin ako lumaki. Bakit ko nasabing galing ako sa US mamaya kwento ko pero sa ngayon kailangan kong maglakad muna para mahanap na yung room ko. HAHAHA ✌
Habang naglalakad ako di ko maiwasan na magtaka, dahil lahat sila nakatingin sakin. Tinignan ko naman ang damit ko pero wala naman akong nakikitang dumi. Pasimple ko pang kinuha phone ko para tignan kung may dumi sa mukha pero wala naman. Ano yon trip trip lang nila? Nakakacurious kaya.
Habang hinahanap ko yung room na papasukan ko eh. Naalala ko sila Vic,Mika, at Kimang yung Wafs .. Bestfriend ko sila kaso kailangan kong humiwalay sakanila dahil family problem. Family?? Kailangan ko na sigurong sabihin senyo ang dahilan.
FlashBack..
Ano ba Alvin! Nasasaktan ako! Bitawan mo'ko please lang sawang sawa na ako sa mga paliwanag mo! - Mariin na sabi ni Mama kay Papa
Alissa kahit anong gawin mo hindi mo kayang paghiwalayan tayong dalawa! - galit na sabi ni Papa
Please Alvin.. Sawang sawa na ako sa mga panloloko mo.. -nagmamakaawang sabi ni Mama
Ngumiti si Papa ng Pagkatamis tamis at biglang hinawakan si Mama sa panga ng mahigpit..
Eh kung ano naman kung sawang sawa ka na sakin? Kasalanan mo yan dahil minahal mo ang isang katulad ko! - Nakangising sabi ni Papa
Yun nga eh! Kasalanan kung bakit kita minahal dahil binulag mo ako sa mga salita mong mahal mo rin ako! - Galit na sabi ni Mama
Hahaha! Buti naman at pinagsisihan mo yan! - Nakangisi pa ring sabi ni Papa at sabay sampal kay Mama
Pakk! ----
Pumunta nalang ako sa kwarto ko dahil halos araw araw silang ganyan. Bakit? Dahil sa pambabae ni Papa kaya nagkaganyan si Mama. Gusto lang ni Mama na buo ang pamilya at lumaki kaming may ama. Pero anong ginawa ni Papa? Wala syang ginawa kundi saktan lang si Mama. Di man lang nya nararamdaman na nahihirapan si Mama..
Simula nung nalaman ko na nambabae si Papa, lumayo na ang loob ko sakanya. Kasi dati kami lang ni Mama ang pinagsisilbihan nya. Pero ngayon.. umikot ang mundo dahil ito kaming sinasaktan nya. Masakit kasi ang tinuturing namin Ilaw ng tahanan pilit pinupundi.
Hanggang sa umabot na hindi na kaya ni Mama. Nagpadivorce na sya kay Papa, pumayag si Papa pero may kondisyon. Sa puder namin sya titira.. Sobra akong nagulat dahil as in si Mama lang ang tiga payo, tiga pag-alaga lalo na yung pagmamahal na binigay nya sakin sakanya ko lang lahat nararamdaman yan.
Simula nung magkahiwalay kami.. Nalungkot ako.. sobra.. Tumira kami for 3 years sa US. At ako eto simula nung naghiwalay sila naging bulakbol ako.. Lalong lumupet si Papa. Kung sino sino ang dinadalang babae sa bahay.. Hindi pa nakonsyensya papahiya ka pa harap-harapan sa babae nya. Minsan binubugbog nya'ko sa di ko malamang dahilan.. Walang magawa sila Kuya dahil takot din sila..
Pasimple akong sumusulat kay Mama para kamustahin sya.. Nung nakasagot naman sya sa mga sulat ko. Linggo linggo ko syang sinusulatan.. Pero one day na kinamusta ko sya.. 5 months wala pa rin yung sagot nya. Kaya kinabahan ako.. nagpadala pa rin ako pero wala na akong natanggap..

BINABASA MO ANG
I'll be the One
FanfictionMay mga tao na kahit unang kita mo palang sakanya may spark na agad. Kahit na ano pa ang ugali nya basta gusto mo lang makasama sya. At habang tumatagal lalong lumalim ang pagtingin mo sakanya.. pero may may pagkakataong susubukan ka ng tadhana. T...