Aly's Pov
Nag aayos na kami para sa surprise namin sakanila. Ano kaya sasabihin nila? Haha tska nung iniwan namin sila di kami nagpaalam. Siguradong galit yung mga yun. Hahaha bahala na matawagan na nga lang si Marge, 4pm na mahigit.Dialing Margemallow ...
Hello Dude? - pabungad agad ni Marge
Nasan na kayo? - sabi ko. Yieeee! Excited na ako. Haha
Medyo malapit na kami. Just wait - sabi nya. Wooo! Ready na kami!
Sige. Mag ingat kayo ah? Tska pano mong napapilit sila Den? Galit ba? - pagtatanong ko. Sigurado di maipinta mga mukha non. Akala nila nakalimutan namin. HAHA
Long story Dude. Mamaya kwekwento ko sayo. - sabi nya na medyo natatawa. May ginawang kabulastugan tong mga 'to -_-
Osige. I'll hang up na. Bye - sabi ko at ibinaba na.
Nacurious naman ako. Ano kaya ginawa nila?
Kapag yung mga eto may ginawang hindi maganda matatapok ko ╰_╯Dude ano ready na? - tanong ni Greta.
Yes. Kayo ba? Malapit na daw sila. - sabi ko..
Ready na Dude. Si Greta nga daig pa may bulate sa pwet kung maexcite. Haha - A. Loko ang putek! Hahaha
Hahaha. Osige practice tayo? Ano ba pwedeng kantahin? - tanong ko sakanila. Di talaga mawawala samin yun eh. Haha di kumpleto pag walang kanta
Ano kaya? A thousand years? - Suggest ni Gretch. Sa dinami daming kanta yun pa yun pang hindi ko kayang tugtugin
Mahirap yun! Iba nalang - sabi ko sakanya.
Hmm. Yung closer you and I kaya? Yung spongecola? - suggest ni A. Bigla namang rumepeke yung bunganga ni Greta.
Wag yun! Panget yun bangag boses ni Yael eh. - Sabi ni Greta.
Eh hindi naman si Yael ang kakanta eh .. Tayo ho! TAYO! - sabi naman ni A. Hahaha. Oo nga naman
Eh kahit na! Thinking out loud nalang - suggest ulit ni Greta.
Mas lalong wag yun! Baka may sumabay sa'ting bata Hahaha - A. Nakuha pa talagang magbiro ah. Kanina akala mo kung mangangain ng tao sa reaksyon nya Haha
Haha! Eto nalang, The Only Exception.. Yung paramore? - suggest ko. Abot tenga naman ang ngiti nila ng marinig yun
Sige yun nalang! - Greta. Juskolord naman haha eto lang pala ang hanap eh
Sinimulan ko na nga magstrum at sila naman ang tiga kanta.
You are the only exception
You are the only exception
You are the only exception
You are the only exceptionAnd I'm on my way to believing
Oh, and I'm on my way to believing.. Kanta namin sa huli
Ayos naman pala eh. Kabisado pala namin. Haha. Tumunog naman ang cp ko..One message received..
From: BeshElla
Besh, andito na kami? Ang creepy nga eh dito kami dinala ni Marge sa malayong lugar malayo ba sa kabayanan.. Asan ka na ba? -text sakin ni Besh. Oo nga pala. Kaming apat lang ang may alam ng 3A's Palace. HahaTo: BeshElla.
Besh. Alam ni Marge lahat.. Basta ingatan nyo sila ah. Lalo na si Den.Send ✔ ..
Dude nandito na sila. Prepare na tayo - sabi ko sakanila. Gumayak na nga sila. Ako naman bumaba na mula sa tree house.
Bunso, nandyan na sila papasok na.. - sabi ni Kuya Alfred
Bigla namang namatay ang ilaw..
Good. Haha Si Kuya Allen po yung tiga operate ng ilaw diba? - tanong ko..
Oo . Ayan lang sya oh sa itaas ng puno yung may laser na umiilaw. Hahaha - Kuya Alfred.. hanggang ngayon ba naman dang hilig pa rin sa laser. Haha Oh sige. Goodluck. Haha - dugtong pa nya.
Pumwesto na nga ako kung saan ko hihintayin si Den. Ganon din siguro sila Gretch. Sigurado nangangatog na naman tuhod non. Hahaha
Den's Pov
Nagising nalang ako na nasa van na? At eto pa ah. Parang masa madilim kaming lugar. Oo madilim nga pero parang malayo sa bayan yung pinupuntahan namin. Wala akong nakikitang ilaw kundi ang yung ilaw ng sasakyan na tumatanglaw sa Daan.Teka nga! M-marge?! San mo ba kami dadalhin ha?! - tarantang sabi ko saknya
Easy Den. Haha Surprise nalang. - sabi nya. Susurprisin ko mukha neto eh. -_-
Marge! Balik na tayo baka kung ano mangyari satin dito oh! - daing ni Fille.
Anong kalokohan ba'to ha? - Capt.
Di naman na kumibo si Marge even Fille at A.. Biglang huminto naman ang sasakyan sa isang madilim na madilim na lugar. Ang maririnig mo lang eh ang tunog ng crickets.
Nandito na tayo. Kayo Den, Basta sumunod nalang kayo sakin ah. - sabi ni Marge. At bumaba na sya.
Tara na aba! Mamaya pagtingin nyo sa may bintana may white lady na nakaharap senyo sige! Hahaha - pananakot nya. Ako naman tumaas naman balahibo ko kaya napababa na rin ako. Lahat kami. Kahit nga si Capt na matapang di umubra eh.. Bwisit na Marge na'to ╰_╯Sige Fille Den at Capt. Have a nice trip! Hahaha - sabi ni Marge.
Fuck! Iniwan kami sa isang madilim na lugar?! Hustisya nasan?! May umilaw naman na pangalan actually pangalan naming tatlo.
Den, this way ⇨ pabulong na basa ko.
Sinundan ko naman yon ganon din sila Capt. Nagtaka naman ako? Di kaya si Aly may pakana neto oh? Ano talaga? Arggh! Gulong gulo ako. Naghahalong inis at tuwa bwisit! May umilaw ulit na letters.
Den ingat ka ha? Papakasalan pa kita :) basa ko ulit. Bwisit! Kapag dito may nangyari masama?!
Naglakad na nga ako.. dang layo naman neto. Nakakapagod na ah.
Sa wakass. May umilaw na letters ulit.
Den I love you. You are my life. Don't worry kahit anong mangyari satin ikaw at ikaw pa rin. Basta I'll be the one pa rin :) basa ko ulit. Hahakbang na sana ako ng biglang bumukas ang ilaw. Spell NgaNga? Wow! As in wow talaga! Ang ganda?! Yung mga ilaw sa hanging bridge ang cuteee!
Umakyat naman na ako don. Even yung hagdan ang cutee. Basta ang ganda. Wala talaga akong masabi! :O
Pagkaakyat ko nakita ko din sila Capt na manghang mangha. Kung pakana nila Aly 'to? Ayy jusko mahihimatay ako ng di oras. Inikot ko ang paningin ko. Nahagip naman si.. si.. si.. Kuya Alfred at Kuya Allen?! Nginitian lang nila ako tapos nagsign na aalis muna daw sila. Ganon din sila Marge. Nakita ko rin sila kasama ang buong team.
Di na ako magtataka kung makakasabwat sila. Dahil si Marge lang ang nagiisang nakangiti at nakatingin pa talaga sakin ah?
Bigla naman huminto ang mundo ko ng makita ko si Aly...
Aly? Bulong ko sarili..
██████
NEXT UPDATE! HAHA. Sorry . Paano naman kasi, nagoperation linis kami sa bahay ngayon lang nayari. Nakakapagod. -_- mamaya nalang ulit ✌✌
BINABASA MO ANG
I'll be the One
FanfictionMay mga tao na kahit unang kita mo palang sakanya may spark na agad. Kahit na ano pa ang ugali nya basta gusto mo lang makasama sya. At habang tumatagal lalong lumalim ang pagtingin mo sakanya.. pero may may pagkakataong susubukan ka ng tadhana. T...