Chapter 79

4.4K 71 2
                                        

Gretchen's Pov
School... School.. School. ..
Isang nakakabagot na araw. -_-
Nasa school kami ngayon pero break naman namin eh. Siguro tinatanong nyo kami ni Fille kung kamusta na kami? We are ok. Naging masaya pa nga kami eh. Biruin nyo? Magtu 2 years na kami at sana ganon din sila Dude Aly. Kaso bumitaw agad si Den. Hayss *sigh*

Dude? Una muna ako ha? Maya nalang - sabi ni Aly. Napakunot noo naman ako

San ka pupunta? - sagot ko naman.

Umm? Dyan lang may pupuntahan lang. - sabi nya (agad agad) at umalis na. Hindi naman na kami nakakibo ni A, sa halip nag usap kami (eye contact)

Sinundan namin si Aly kung san pupunta, at napadpad kami sa isang eskinita na halos walang tao. Sinundan namin si Aly kung san pupunta pero huminto sya kaya nagtago kami agad agad.

Ouchh! - nagulat kami sa nagsalita.

Ay Kingina ng pu---! - tinignan ko kung sino .. Si Mich??? na nakaupo na parang may pinagtataguan

Gretch? A?/ Mich?! - sabay sabay naming sabi

Ano ginagawa mo dito? - pabulong kong sabi

Tumatae sige?! Malamang kung ano rin yung ginagawa nyo. - sabi nya.

Tssk. Sinusundan mo rin ba si Aly? - tanong ko

Paulit ulit lang? Tsk. Oo, nag aalala din ako sakanya no. - sabi nya at nagpatuloy sa paglakad. Sinundan naman namin ni A si Mich.

Kasi eh! Nagbiruan pa kayo kanina ayan tuloy di natin alam kung san sya nagpunta. - sabi ni A kanina pa kasi kami ikot ng ikot.

Baka naman dito? *sabay turo ko sa lumang bahay* - turo ni Mich

Ang creepy naman. Katahimik. - sabi ko

Pero yung dalawa pumasok kagad, kaya sinundan ko nalang sila. Ng makalapit lapit na kami nakarinig kami ng nagtatawanan.

Oyy! Anong ginagawa nyo dito? - sabi ng taong may kalakihan ang boses, parang tumigil naman ng panandalian ang mundo ng marinig namin

Napaitlag naman kaming tatlo sa gulat at dahan dahang lumingon mula sa likod.

A-ah ano k-kasi, hinahanap namin yung b-bahay ng classmates n-namin eh a-akala namin ito yun k-kasi may nagtatawanan. - kandautal utal na sabi ni A. Ramdam ko din na bigla akong nawalan ng dugo.
Bigla kasing nag iba yung pakiramdam ko, bigla akong kinabahan.

Oo tama s-siya. Sorry, akala namin e-eto na yun eh - sang ayon ni Mich at akmang aalis na.

Tandaan nyo, pag tumapak pa kayo sa lugar na'to morgue na uwi nyo. - sabi naman nung lalaki. Kung pananakot yun o sabihin na nating totoo, kinilabutan ako sa sinabi nya.

Ahh sige po! S-sorry. - sabi ko at sabay takbo na kaming tatlo hanggang sa makalayo kami sa lugar na yon.

Sa takot namin nakarating na kami sa isang cafe at don nagpahinga.

Pheww! Nakakapagod! - sabi ni Mich na hinihingal din, samantalang kami hinahabol pa rin namin yung hininga namin at parang lalabas na yung puso ko sa lakas ng kabog nito.

Nang makapagpahinga kami ng ilang sandali saka palang nagkaroon kami ng pagkakataon na luminaw ang aming pagsasalita.

A, ano ba nakita mo dun? Ikaw nangunguna diba? - tanong ni Mich. Bumwelo naman si A at nagsalita

Grupo ng lalaki na nagtatawanan? Tapos yung dalawa yata may hawak na mga kahoy - saad nya

Namukhaan nyo ba yung lalaki kaninang nagsalita? Di kasi ako makalingon eh, natatakot ako - tanong ni Mich sa'min

I'll be the OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon