Den's Pov
Saturday morning but may pasok kami. Nakagayak na ako. Pagkababa ko sa baba nakita ko rin na nakagayak na yung ibang ALE except Aly na nagtotoothbrush palang. Di ko namalayan na nakatitig pala ako sakanya kaya nagback to reality ang lahat. Nakita ko na nakatingin din sya sakin.
Besh! Tara na aba, late na tayo! - sigaw ni Ella. Kaya nagkadahilan ako na umiwas sakanya.
Ayan na Besh! Wait lang - sigaw ko rin sakanya.
Nagtungo na nga kami ni Besh sa school. Magclassmate kami ngayong araw . Pamaya maya pa'y tumunog yung phone ko.
From: LA
Hi Den :* Kita tayo mamaya ah. I'll pick you up around 12 in the afternoon. See you later :)
Basa ko sa text nya. Nireplyan ko naman 'to
To: LA
Hmm sige. :)
Sinend ko na. Pagkasend ko,
Boogsh! Napaupo ako dahil may bumangga o ako ang nakabangga.
Minsan kasi tinitignan mo muna yung daanan mo ha? Bago ka nagtetext - yung tinig na yun. Tinig ni.. Aly? Pagkaharap ko sakanya sya nga.. -_- (Beast mode ka Den)
Arghh! Di ko kaya.. nilahad nya yung kamay nya para makatayo ako.
Ugggh! (Himas sa balakang) T-thank you - sabi ko. Pero wala syang response tuloy tuloy sa pagtakbo. Malamang late na'to? Pero nakahihiya pa rin!
Tumungo na ako sa room kung saan nauna na si Besh. Patay na ako neto.
Besh? San ka ba galing huh? Buti nalang magkasunod lang kayo ni Prof. - bungad ni Ella sakin. Tumingin naman ako sa harap at sakto ngang nandon yung prof namin.
Ahh. Dyan lang Besh. Nahulog ko kasi ballpen ko eh ayon hinanap ko muna. - napakagandang alibi Den! Baka mapaniwala mo si Ella nyan?!
Hay nako Besh? Pede namang humiram ka nalang sakin. Tsk - sabi nya. Sabi na nga ba eh. Di ito maniniwala kabod. Bakit ba kasi yun yung una kong naisip.
Eh yamo na Besh. Nakita ko naman na eh. - sabi ko.
Di naman na sya kumibo. Nagstart na rin ng lesson si Prof. naman! Dapat sa mga oras na'to tulog pa ako eh. Bakit ba kasi may pasok pa -_-
Aly's Pov
Sabado ngayon pero napaka ganda ng umagang bumungad samin. May nagpunta dito samin mga around 4am at pasok daw kami?! Pakshet! Pero yamo. Minsan lang naman ako malate eh.
Nakagayak na lahat ng Ale samantalang ako nagtotoothbrush palang. Antagal naman kasing maligo ni Greta. Mas sanay akong maliligo muna bago kumain eh.
Ng matapos na akong magtoothbrush. Biglang bumungad sakin si Den na parang tulala. Lumingon naman ako sa likod baka may tao pero wala naman. Kaya nakipag eye to eye nalang din ako skanya.
Besh! Tara na aba, late na tayo! - rinig kong sigaw ni Ella
Ayan na Besh! Wait lang - sabi naman nya kaya umiwas na rin sya ng tingin sakin.
Umalis na sya. Tapos ako nagtungo sa room namin upang kumuha ng damit para makaligo at makagayak na. Naliligo na ako ng biglang may kumatok.
Dude! Mauna na kami ni A ha sunod ka nalang dalian mo - sabi ni Gretchen
Oh sige Dude ingat! - sabi ko. Wala naman nagresponse kaya tuloy tuloy na ako sa paggayak.
Tumingin ako sa relo 7:15am na kaya dali dali akong tumakbo. Naglalakad nalang ako dahil malapit na yung room tska nakakahingal na. May nakabangga sakin. Pagkalingon ko si Den na napaupo na hawak hawak cp nya.
Boogsh!
Minsan kasi tinitignan mo muna yung daanan mo ha? Bago ka nagtetext - sabi ko. Ba't ako pa ang nabunggo nya? Pede namang iba nalang ah? Ngayon pa na sinisimulan ko na ang pag iwas sakanya
Ugggh! (Himas sa balakang) T-thank you - sabi nya. Pagkasabi nya non agad agad akong tumakbo dumiretso papuntang room ayoko ng humaba pa ang usapan namin.
Ms. Valdez? Bakit ngayon ka lang? - Bungad agad sakin ni Prof. Langya si Mr. Castañeda pa yung teacher. Lupet. -_-
Umm. Ano pa kasi mahina tulo ng gripo kaya natagalan sa pagligo. Madami po kasing gumagamit eh. - sabi ko. Tumalab naman sana yung excuse ko kahit echos lang yon huhu
Pagbibigyan kita sa ngayon. Sige pasok at madidiscuss na ako - sabi nya. Agad agad naman akong pumasok at umupo na.
So our class start with 7am ends with 10 o'clock am - pagaanounce nya. What the hell is that?! But this day half day lang. Shall we start? - dugtong pa nya.
Yess. - sabay sabay naming sagot ng mga kaklase ko. Biyaheng langit na'to!
Pagkatapos ng 3 oras na klase, sermon, pagsosolve, sermon again and klase again. Yeah sobrang boring kasi kaya yung iba di maiwasan na magkwentuhan pero salamat naman na tapos na yung klase.
*Sound of vibrating phone*
One message received
Binuksan ko naman yung message.
From: COG
Aly? Magkita tayo ngayon na! - basa ko sa text ni LA. Bakit na naman kaya? Pero wala akong magagawa kundi sumunod kaya pumunta ako sa XGGX tawag sa room ng mga frat para skanila.
Pagkapasok ko don agad na bumungad sakin ang dalawang lalaki at si LA
Tanggalin mo yung bag mo. - utos nya sakin. Pero binigyan ko sya ng puzzled look. Basta tanggalin mo! - dugtong pa nya. Hinubad ko naman ito tapos bigla ako hinawakan nung dalawang lalaki at buong pwersa akong tinalikod.
Yan ang kabayaran kapag lumalapit ka kay Den! Ikaw na magbabayad at ikaw na rin ang masasaktan hindi na sya! - sabi nya sakin. Nagtaka naman ako mung bakit? Sige alam nyo na kung ano gagawin nyo dyan - dugtong pa nya.
Pak! Pak! Pak!
Tatlong malalakas na palo ang naramdaman ko sa may bandang hita at binti. Namamalipit ako sa sobrang sakit. Sobrang hapdi.
Ganyan ang mangyayari sayo, sige lumapit kapa! Kita mo'to? Ha? *pinakita skin ang picture.* tinignan ko naman yun at eto yung kaninang maga na tinulungan ko si Den. Pero paano?!
Tinulungan ko lang sya dyan na tumayo dahil nabunggo nya ako and that's it! - sabi ko skanya.
Sasagot ka pa eh! Ang pinaguusapan natin dito hindi ka lalapit sakanya. I change my decision! Everytime na lumapit ka kay Den? Eto ang sasapitin mo! Sige iparamdam nyo pa yung dos por dos na kahoy skanya! - sabi nya na nanggagalaiti sa galit
Tinayo naman ako bigla at sunod sunod na pinaghahampas ang hita't binti ko. Pakiramdam ko unti unting dinudurog ang mga buto ko, nakapikit ako ng mariin at nanalig sa diyos. Ganito ba talaga sa frat o pinahihirapan lang nila ako? Ilang beses na nila akong pinapalo, pero sa bandang huli wala na akong maramdaman
Itigil nyo na yan. - sabi ni LA. Tumigil naman sila at binitawan na ako. Nakatukod yung dalawa kong kamay sa semento nakita ko rin na lumapit si LA sa bandang harap ko.
Now you know na ganyan ang mangyayari sayo palagi kapag lalapit ka kay Den. Hahaha Stupid! *at bigla akong sinipa* - Sabi nya. Naramdaman kong sabog ang isa kong kilay. Tumayo ka na dyan! At umalis ka na. Tapos na gampanin mo dito. Sa susunod ulit HAHAHA - dugtong pa nya. Di na ako kumibo. Pinilit kong tumayo at kunin yung bag ko. At umalis na.
Umalis na nga ako sa letseng lugar na yon. Hinipo ko yung kilay ko malakas ang pag agos ng dugo. Fuck! "Ba't wala akong magawa? Bakit?! Bakit?!" Sabi ko sarili ko at tuluyang napaiyak.
Sakto namang tumawag si Myla.
Myla Calling..
Hello Ly! Punta ka sa condo ko now na. Gusto ko kasing makita ka eh. Bungad nya agad sakin.
S-sige. Sabi ko at pinatay ko na yung phone.
Nag abang ako ng taxi at pinadiretso ko na don sa condo nya. Sinabi naman nya skin kung anong room sya kaya alam ko na'to.
Pagkarating ko don agad akong kumatok, agad din naman nyang binuksan ang pinto at yung mga ngiti sakanyang labi napalitan ng pagkagulat at pagkadismaya.
"Ly . .." rinig kong sabi nya
█████
Woot! Goodafternoon! Sa totoo lang nabwibwisit ako sa role ni LA Haha . Nakaka BV pero yamo na. Haha :3 Alam nyo ba kung bakit COG ang name ni LA sa phone ni Ly? It means "Captain Of Gums" Haha xD pagbigyan! Pero pag ginagamit ko sya sa kwento isipin nyo na yung COG isang mataas na pangalan sa frat neh? Hahahaha! Yun lang :D
BINABASA MO ANG
I'll be the One
Hayran KurguMay mga tao na kahit unang kita mo palang sakanya may spark na agad. Kahit na ano pa ang ugali nya basta gusto mo lang makasama sya. At habang tumatagal lalong lumalim ang pagtingin mo sakanya.. pero may may pagkakataong susubukan ka ng tadhana. T...
