Gretchen's Pov
Goodmorning!! 3 days na kami sa Bora, at sa 3 days na yun muntik na akong mawalan ng limang daliri. -_- Papano ba naman kasi kagabi, LQ yata yung dalawa ako naman tong Gago sinundan si Ly. Ade ayon. Tsk Syempre ganon talaga magkaibigan laging nagtutulungan.Salamat na rin na bumalik na yung past ni Ly. Lahat ng nakaraan nya. Sana nga lang wag ng ulitin ni Den yung mga ginawa niya kay Ly kasi, nakakaawa talaga si Ly non. Magkakaforever na nga! Hahaha
Nandito kami sa resto kumakain ng beef mami, ay ako lang pala umorder ng beef Hahaha. Iba pala yung sakanila .. Hangover? O sadyang malamig lang kaya nagpainit muna kami .. Syempre laging may kulang na dalawa. Yun ay sila Dude at Den.
Nasan na ba yung dalawa? - tanong ni Dzi sakin
Aba malay ko. Baka nandon pa sa room, natutulog. - sagot ko naman.
Hay yung dalawa na yan oo. Di kaya nararamdaman na malamig? - sabi naman ni Fille
Mararamdaman ba yun kung magkaakap sila? Hahaha - sabat ni Ella
Oo nga! Haha - pagsangayon ko.
Pero, galing no? Sa kabila ng lahat na nangyari sakanila ni Den. Tignan mo si Ly? Di pa rin nagbabago yung pagmamahal niya. - sabi naman ni A. Naging seryoso naman ang lahat
Yup. Ang tibay! Kahit na nasasaktan si Ly nung time na magkasama si Raven tsaka si Den. Nakuha pa nyang magparaya wag lang masaktan si Den. - sabi naman ni Jia
Oo nga kaya bilib ako kay Dude eh. - sabi ko.
Tska , ang lufet. Bagay na bagay sila ngayon. - sabi ni Ells
Tao sila Ella! Di bagay. - papilosopo ko
Bagay nga diba? As a couple. - sarcastic niyang sabi
Ganon sana! Haha Nililinaw mo kasi. Kasi eh sabi mo "Ang lufet, bagay na bagay sila ngayon ." HAHAHA - sabi ko at ginaya ko yung tono nung pagsasalita nya
Ay ewan ko sayo! Kung wala lang si Fille baka tinapon na kita sa gitna ng dagat - sabi nya. Pikon talaga yung liit na'to Haha
Oy kayong dalawa! Tara na. Ang aga aga nambubulabog kayo dito. Tara na sa hotel at makapagbihis na. - sabi ni Fille
Babes oh? Si Ella nga. Inaaway ako. - sumbong ko
Oy Greta! Damulag kana wag ka ng magpakababy di bagay. - sabi naman ni Fille na tuloy tuloy lumabas kasama sila Dzi
Damulag pala eh. Hahaha - sabi ni Ella na nangaasar
Ikaw liit ka ah! Ikaw itatapon ko sa gitna ng dagat eh! - sabi ko at hinabol ko siya
Pakshet talagang liit na'to. Sarap ilibing ng buhay yung tipong nakakain na nya yung sand kabwiset! Tapos si Fille naman , naglalambing lang ako pinagsabihan pang damulag langya. -_- minsan lang maglambing nadamulag pa.
Nandito na ako sa hotel. Balak ko sanang pumunta sa room nila Ly don na muna ako, nakakabadtrip.
Pagbukas ko ng pinto ..
"Whatta? Tops? ..." sabi ko
Aly's Pov
3 days na kami dito sa Bora, woo! 4 days nalang kaya sulit sulitin na. Maaga akong nagising , dahil malamig. Di ko naman mapatay yung aircon dahil nilalamig nga ako. Pilit kong makapunta sa kama ni Den dahil nakabaluktot din siya sa lamig.Kinumutan ko siya at inakap. Inakao din naman niya'ko. Siguro nananaginip or nakahanap ng mainit na katawan. Arrrr! Hahaha
Siniksik naman niya ang ulo niya sa may leeg ko.
BINABASA MO ANG
I'll be the One
FanfictionMay mga tao na kahit unang kita mo palang sakanya may spark na agad. Kahit na ano pa ang ugali nya basta gusto mo lang makasama sya. At habang tumatagal lalong lumalim ang pagtingin mo sakanya.. pero may may pagkakataong susubukan ka ng tadhana. T...