Marge Pov's
Nandito kami ni Ella sa Quiapo. Ewan ko dito kung ano bibilin dine. -_- 3pm na mahigit oh? Malagot pa kami neto kay Aly eh. Alam ko naman na maraming plano yun. Lalo na sila Gretchen at A. Di nga kumikibo kanina eh. HahaMarge ayun dali! - sabi nya at hinila ako papunta sa isang tindera.
T-teka ano ba bibilin mo dito huh? Tska baka malagot tayo kay Aly neto - litanya ko sakanya. Mahirap na noh? Ako pa sisihin pagkatapos.
Saglit lang 'to.. Manang eto na po yung bayad - abot nya at tumakbo na ulit papunta sa kotse. Di naman na ako makapagsalita at ang inaalala ko din eh baka malate kami ..
Nakapasok na kami sa sasakyan. Gravity ito -_- nakakahingal
Teka nga! A-ano ba y-yan huh?! - hingal na sabi ko sakanya.
Eto? *sabay taas ng boteng maliit* Gagamitin natin 'to para di tayo mahirapan mamaya - sabi nya na abot tenga ang ngiti.
Eh ano nga yan? - sabi ko sabay start ng sasakyan
Pampatulog. Gusto mo? Paamoy ko sayo para makatulog ka?! Andame mong dakdak eh! - Sabi nya. Aba'y may saltik talaga ito ay?! Hahaha -_-
Ade sige! Paamoy mo sakin dali! Para patay tayo mamaya kay Aly - sabi ko sakanya. Tsk may hogba talaga, ako driver tapos papatulugin ako. Swerte nalang kami makaabot sa bahay kung sya magdridrive. -_-
Akina nga! Oo na sige magdrive ka na dali andaming kasing ka ekekan eh! - Sabi nya. Pinaharurot ko naman yung kotse. Yung parang fast and furious ba? Tignan ko lang kung di mapunit yung cover na upuan sa pagkakahawak mo. Hahaha ╰_╯
Nakita ko naman na namumutla na sya. Haha di pala lalaban eh. Ganito lang pala diskarte para matakot ka ah? Hahaha
Oh ano Ella liit? Paano gagawin natin dyan? - sabi ko na tatawa tawa.
Ewan ko sayo hayop ka! Balak mo yata akong patayin eh?! - sigaw nya sakin. Haha sabi na nga ba eh. Takot pala sya..
Balak ko nga eh. Naawa lang ako sayo hahahaha! Oh ano pano gagawin? - sbi ko skanya..
Bwisit ka talagang hinayupak ka oo! *sigh* so ganito , papapuntahin mo sila Den sa sala tapos paamoy mo sakanila ito *taas ng bote ng pabango* - sabi nya. Tumango tango naman ako.. Syempre uto ka, magtakip ka ng ilong baka ikaw pa unang makatulog sakanila noh? Wag kang shunga ha? - Dugtong pa nya
Oho madam. -_- - aba't tinuruan pa ako? Tsk tsk
Oh? Sakto nakagayak na daw sila Den. Ikaw na bahala ah? Sasamahan ka naman nila Mich at Amy eh kayo tiga buhat - sabi pa neto.
Tumangto tango nalang ako. Medyo mahirap yung gagawin ko ah? Anong style kaya ? dadaan ako sa harap nila na magpapabango oh kabod ko nalang ipapabango? Ayy naker. Bahala na.
Nakarating na kami dito sa dorm.. Kanya kanyang pasok naman ang iba sa van tapos. Bumaba na ako. Humiwalay na si Ella at sila Amy naman sinamahan na ako.
Oh kayo na bahala ah! Galingan ang pag acting! - sigaw ni Ella at pumasok na sa van.
Kaming tatlo naman pumasok na dorm. Naabutan ko naman na sala sila pero nakabusangot ang mga mukha.
Ganito? Sundan nyo lang lahat ng mga kilos ko ah. Basta makisabay lang kayo sa trip ko.. - Sabi ko skanila. Tumango tango naman sila. Go! - dugtong ko pa.
Hello Guys! :) - sabi ko kila Den. Tinignan lang nila kami ng masama?? Owow sana effective itong naiisip ko.
San ba tayo pupunta ha?! - Iritang sabi ni Fille. Wow ah? Ngayon ko lang nakita tong masungit? Haha
Pede bang dito nalang sa bahay? Tska tignan nyo oh? 4pm na - sabi ni Den. Si Capt naman hindi na kumibo pero halatang galit din sya.
Hmm, magsasaya lang tayo kesa magmukmok kayo dyan - sabat ni Mich. Yeaa yun tama tama! Push pa ng konti.
Yeaa, right Mich. let's have fun Guys. - Dagdag pa ni Amy. Ang gagaling ng mga bata ko! Hahahaha
Oh paano? Tara na? - sabi ko skanila at nilabas ko na yung weapon ko at pinabango ko sa buong katawan ko. Tinakpan ko yung ilong ko ganon din sila Amy pero di namin pinahalata ..
Oy penge din ako! - sabi ni Mich at kinuha ang pabango. Nagpabango din sila ni Amy.
Pagkatapos non, tinignan namin sila Den kung ano nangyari.Ayon! Effective nga! Deads na sila. Haha walang kahirap hirap. Bahala na sa diwara ni Aly kung ano ginawa ko sakanila. Haha
Oh ano tara na? - Sabi ni Mich na karga karga si Fille ganon din si Amy na buhat si Capt.
Sige tara na - sagot ko saknila at binuhat ko na rin si Den.
Pumunta na kami sa Van at isinakay na sila.
Oh ano ayos ba? Haha walang kahirap hirap - sabi ni Ella. Ade sya na! Haha
Galing talaga ni Donya! Haha - Jia
Syempre ganon talaga. Alam ko naman na matatagalan tayo sa pagpilit nung tatlong 'to eh - sabi pa nya ulit.
Pinaandar ko naman na yung van at umalis na kami. Etong si Ella naman bilib na bilib sa sarili nya. Kanina kwento ng kwento -_-
Ella! Manahimik ka nga nadidistract ako sa pagmaneho no! - pagsasaway ko sakanya.
Ade wag mong pakinggan! - sagot naman nya. Aba at sinusubukan talaga ako neto ah.
Ok sige.- walang gana na sabi ko skanya. Umupo naman ako ng maganda at tinersera ko ang kambyo. Biyaheng langit na'to! Inekis ekis ko ang pagdridrive. Sigurado parang duhat na kakalog kalog sila. Kaasar ah!
Oy ano ba? Papatayin mo ba kami?! - sigaw ni Ella na namumutla .
Wala akong balak patayin sila. Ikaw lang. Dahil yang bunganga mo parang machine gun na naman! - sabi ko sakanya. Sige sumagot ka ulit
Bwisit ka ah ----! -di nya natuloy dahil inarangkada ko ulit yung sasakyan. *evil laugh* bahala ka dyan.
Tinigil ko nalang ang pagmamaneho ng mabilis ng maramdaman ko na tahimik na. Tinignan ko sila sa mirror . Nakita ko si Ella na tulog at ibang teammates. Sila Mich at Amy lang ang gising..
Grabe ah. Haha Sarap nun Dude! - sabi nya. Siguro nahalata ako na nakatingin sakanila. Para akong dinuduyan Haha - dugtong pa nya.
Yeaa. Haha Sana ganito nalang Everyday - sabi ni Amy. Nemen Amy emeesense. Negtetegeleg ne ren eh. Hahaha
Haha. Ayaw manahimik ni Donya eh. Adi ayan! Haha - sagot ko sakanila.
Oo nga. Takot pala sya dun Haha alam ko na. - sabi ni Mich. ALam kong may binabalak din ito.
*Kring! Kring!*
Hello Dude? - si Aly tumatawag.
Nasan na kayo? - sabi nya. Naks Ready na'to
Medyo malapit na kami. Just wait - sagot ko skanya.
Sige. Mag ingat kayo ah? Tska pano mong napapilit sila Den? Galit ba? - pagtatanong nya.
Long story Dude. Mamaya kwekwento ko sayo. - sabi ko skanya na medyo natatawa.
Osige. I'll hang up na. Bye - sabi nya at ibinaba na.
Ano kaya mangyayari sakin pag nalaman ni Aly kung ano ginawa namin kila Den? Sasabihin ko naman na si Ella ang may pakana non sinunod ko lang.. Wooo! Party party na mamaya!
██████
GoodEve. Di ako nakapag UD kanina, walang net kanina bwisit -_- oh ayan tiyaga tiyaga muna ah. :)) Goodnight na pala. Haha bukas nalang ulit! :*

BINABASA MO ANG
I'll be the One
FanfictionMay mga tao na kahit unang kita mo palang sakanya may spark na agad. Kahit na ano pa ang ugali nya basta gusto mo lang makasama sya. At habang tumatagal lalong lumalim ang pagtingin mo sakanya.. pero may may pagkakataong susubukan ka ng tadhana. T...