Den's Pov
Den ano ba?! Lumabas ka naman dyan Besh. Ilang araw ka ng nagmumukmok dyan . Buksan mo yung pinto. - sigaw ni Ella mula sa labas ng kwarto ko
It's been a week ng mamatay si Aly pero simula non di na ako lumabas ng kwarto ko. Di ko matanggap na wala na talaga siya.
Laging akong umiiyak, walang tulog at kain. Di ko na alam kung ano na itsura ko pero wala akong pakielam. Para akong baliw na kinakausap ko ang isang gitara .
Minsan pumunta ako sa Batangas pero wala akong naabutan kundi ang caretaker lang ng bahay nila.
Flashback.
Pagkaparada ko sa harap ng bahay nila Ly ay agad kong napuna na parang walang tao dito. Naiyak naman ako dahil di ko man lang sya nakita sa mga huling sandali nya kaya nagbakasakali ako na don sya nakaburol.Hanggang sa makatanaw ako ng nagwawalis sa garden. Binusinahan ko ito , lumingon naman sya.
Bumaba ako ng sasakyan at pumunta sa harap ng gate.Ano kailangan mo Ineng? - tanong ng matanda sakin.
Ahmm. Nandyan po ba yung mga kapatid ni Alyssa. Alyssa Valdez po? - tanong ko saknya.
Ah. Wala na sila Ineng . Pumunta na sila ng ibang bansa matapos ilibing yung kapatid nila. - sagot nya sakin. Halos mapalugmok ako sa sakit na nadarama ko ngayon pero pinilit kong magsalita.
Ah.. E-eh Kelan po ba nilibing? - tanong ko
Kinabukasan matapos syang masawi, bali isang araw lang syang b-binurol tapos alas tres ng hapon nilibing na sya. - sagot niya naman sakin.
Tumango nalang ako at sinapo ko ang aking mukha mula sa mga luhang pumapatak. Pakiramdam ko napakasama kong tao! Napakasama!
S-sige po. S-salamat. - sabi ko at sumakay na agad sa kotse.
Umuwi ako na wala sa sarili . As in wala talaga. Tulala, iyak ng iyak sinisisi ang sarili
End of Flashback.
Simula non nagkulong na ako sa kwarto. Lalabas lang ako para kumuha ng tubig at pagkatapos babalik na ulit ako.
Besh! Please nagmamakaawa ako sayo, baka kung mapano ka na dyan. Sige na, buksan mo na 'tong pinto! - sigaw niya ulit.
Ayoko na Besh, suko na ako. Di ko na kaya. Pagod na pagod na ako. Gusto ko ng mamahinga. - sabi ko sakanya habang tumutulo ang aking mga luha
Besh! Please buksan mo na'to! - sigaw niya
Di ko sya pinakinggan. Kinuha ko yung blade tinignan kong mabuti.
"Gusto ko ng magpahinga, Suko na ako , Pagod na pagod na ako "
Ella's Pov
Ilang araw na si Den na nagmumukmok dahil sa pagkamatay ni Aly. Tinry rin naming tawagan sila Kuya Alfred even si Kuya Allen pero di na namin sila macontact . Kaya simula nung nasa ospital kami at malaman na patay na si Aly wala na kaming naging balita.Tinatawagan din nila Gretch sila Ara at Kim pero di na rin namin macontact, nagbabakasakali lang na alam nila ngunit wala ng connection.
Den ano ba?! Lumabas ka naman dyan Besh. Ilang araw ka ng nagmumukmok dyan . Buksan mo yung pinto. - sigaw ko sa harap ng pinto ni Den
Di naman sya nagsalita. Awang awa na'ko sakanya. Ni hindi kumakain lumalabas di na rin natutulog at magdamag laging umiiyak. Di rin malapitan dahil laging nakalock ang room nito.
Besh! Please nagmamakaawa ako sayo, baka kung mapano ka na dyan. Sige na, buksan mo na 'tong pinto! - pagmamakaawa ko sakanya
Ayoko na Besh, suko na ako. Di ko na kaya. Pagod na pagod na ako. Gusto ko ng mamahinga - Sabi nya sakin. Kinabahan akong bigla dahil baka kung ano ang gawin sa sarili nya
Besh! Please buksan mo na'to! - sabi ko habang sunod sunod kong kinakatok ang pinto.
Tumahimik ng ilang sandali at nakarinig ako ng isang malakas na pagkalabog.
Blagg! ●●●●●
Gretch! A! Tulong dali! S- si Den! - sigaw ko
Agad agad naman silang lumapit at pilit na binubuksan ang pinto.
Anong nangyari?! - sabi ni Capt sakin
Nakarinig ako ng isang malakas na kalabog matapos ko syang makausap.. - sagot ko sakanya
Sabi pa nya suko na daw siya pagod na daw siya at gusto na daw nyang magpahinga - dugtong ko pa.
Please! Please bumukas ka naman!- tarantang sabi ni Gretch
Yung ibang teammates ko naman nagsimula ng umiyak. Di alam ang gagawin hinihintay ang pagbukas ng pinto.
Den!/Besh?! - sigaw namin ng mabungaran namin na maputlang maputla si Den at puro dugo na nag mula sakanyang kamay.
Nilapitan nila Gretch at A si Den at tinignan kung meron pang pulso.
Meron pa. - sabi ni Gretch
Ella kumuha kagad ng panyo pambalot sa kamay nya, dalian mo! - sabi ni A
Kumuha naman ako agad at inabot sakanya.
Marge! Kunin mo yung van dali! Capt . Sumunod nalang po kayo. - dugtong pa nya
Sumakay na kami agad at pumunta na sa ospital. Dinala sya agad sa ER at naiwan kami sa labas.
Besh p-pati ba naman ikaw mangiiwan? Di ko k-kaya - sabi ko habang humahagulgol sa iyak
Ella? Wag kang umiyak lakasan mo ang loob mo para kay Den. Kagaya ng lakas ng loob namin ni A ng mawala si Aly - sabi ni Gretch ng pinipigilan din umiyak
All things gonna be alright. But for now, tatagan mo ang loob mo - sabi naman ni A
Huminto ako sa pagiyak at pinilit kong pakalmahin ang sarili ko. Nagpunta ako sa mini chapel at pinagdasal si Den even si Aly.
"Besh, kayanin mo. Dahil alam kong malungkot si Aly sa mga nangyayari ngayon sayo" bulong ko habang pinipigilan kong umiyak
Bigla namang may tumabi sa tabi ko. Tinignan ko sila at sila Gretch at A pala na abot tenga ang ngiti.
Nakatulong ang dasal mo. :) - sabi ni Gretch. Napakunot noo naman ako
Basta sa lahat ng nagyayari sa buhay patatagan lang ng loob at be positive. - sabi ni A
A-anong ibig nyong sabihin? - tanong ko sakanila dahil naguguluhan ako
Buhay si Den/Nakasurvive si Den - sabi nila sabay akap sakin. Nagresponse naman ako sakanila napaiyak ako dahil sa tuwa dahil hindi ako iniwan ni Besh.
Thank you Lord! I'm very thankful - sabi ko
Paano? Una na kami ha? Babalik kami sa dorm para kumuha ng damit ni Den. Maiwan ka na namin - sabi ni A. Nagwave naman ako sakanila meaning na "Ok" at umalis na.
"Thank you Aly alam kong tinulungan mo'ko na sabihin kay Lord ang lahat ng nangyayari ngayon. Thank you. Wag kang mag alala aalagaan ko sya ng mabuti para di na sya magkaganito. Ikaw naman kasi Besh, sumuko kang bigla. *nagsimula ulit akong umiyak* Alam mo? Mahal na mahal ka ni Den magsasabi na sya sana sayo manghihingi na sya sana ng kapatawaran kaso heto ka? Wala na. Di naman alam ang nangyari buhat nung gabi nayon. Pero kung nasan ka man ngayon masaya ka na kasi kasama mo na si God. Thanks for all the memories we had. " sabi ko at nilisan ko na ang mini chapel at pumunta na sa room kung nasaan si Den.
█████
GoodAfternoon! Late UD again. May ginawa kasi eh. Naiiyak talaga ako. Haha :3 Di ko makalimutan. BTW kain muna ako ah. Kain na rin kayo. :) Take Care :*2 days to go ❤ #^_^
BINABASA MO ANG
I'll be the One
FanfictionMay mga tao na kahit unang kita mo palang sakanya may spark na agad. Kahit na ano pa ang ugali nya basta gusto mo lang makasama sya. At habang tumatagal lalong lumalim ang pagtingin mo sakanya.. pero may may pagkakataong susubukan ka ng tadhana. T...