Ella's Pov.
Pauwi na kami ni Den. Di ko sya kinakausap kasi nga yung nangyari kanina. Di nya sinamahan si Aly. Awang awa na nga ako kay BeshAly sa pinaggagawa ni Den sakanya. Tama ba na si Den eh inuna pa si Raven?May nakapagsabi lang sakin na kakilala ko, Si Anne, Anne Rivera may kasama daw na lalaki si Den sa Cafeteria . Sino pa nga ba kasama non? Edi si Raven. Bwisit na bwisit rin ako don sa hinayupak na yon. Paano ang ganda na ng relationship nila tapos naging RELATIONSHIT na ngayon because of idiot Raven!
Nakita ko na sya non ng ihatid nya si Den sa dorm, sakto namang may naganap na aksidente dahil si Kuya Alfred naatrasan daw ng sasakyan kaya napilitang umuwi si Besh.
And ng tumagal lalong napapadalas ang paghatid ni Raven kay Den. Lagi ngang umuuwi si Den ng past 10 na. Kung nandito lang siguro si Aly non? Baka patay na.
Di ko sinasabi kay Aly ang nangyayari dahil malaki tiwala ko kay Den na hindi magbabago ang pagtingin nya kay Aly, pero mali. Maling mali. Unti unti na syang nagbabago.. Unti unti ng nawawala ang dati nilang relasyon.
Nandito na kami sa dorm it's past 7pm himala ah? Di yata kasama neto si Raven. Dapat lang noh! Nakakaasar kaya. Pagkapasok namin agad na bumungad samin ang Ale na mukhang? .. hindi maintindihan.
Ella? Den? Nasan si Aly? Di sya pumasok kanina.. All subj's? Hindi sya pumasok - Bungad agad ni Greta.
Oo nga. Nasan ba sya Den? Magkasama ba kayo kanina? - tanong naman ni A sakanya. Hindi naman sya nakakibo. Sa halip, dumiretso syang maglakad patungo sa room nya.
Den?! - sigaw ni A. Nagulat naman ako sa reaksyon ni A. Grabe ngayon ko lang syang nakita ng ganito. Di mo kasama si Aly? Tama?.... Den? Alam mo ba yung ginagawa mo ha?! Sinasaktan mo si Aly. Lagi nalang ba kayong ganito? May nakapagsabi sakin na kasama mo daw yung hinayupak na Raven na yan! Jusko naman Den! Kawawa naman si Aly. Lage nalang syang nasasaktan, pati ba naman ikaw na girlfriend nya sasaktan mo rin?! - sabi ni A.
Dude tama na. Ok? Baka pati kayo magkaroon ng alitan - Gretch at dinistansya nya ito mula kay Den. .
Tsk! Hindi ko sya inaaway. Pinagsasabihan ko lang sya dahil naaawa ako kay Aly. - sabat ni A Lumapit naman ako kay Den para iupo sa sofa.
Ok guys? Ganito .. Tawagan mo sya Gretch at pagkatapos naman ikaw A .. Basta bahala kayo kung sino susunod. Basta wag lang kayong masasabay sabay. - sabi ni Capt.
Tinawagan nga nila. Pagkatapos ako naman.
The subscribers cannot be reached please try again later ..
The subscribers cannot be reached please try again later ..
The subscribers cannot be reached please try again later ..
Capt! Nakapatay ang phone nya - sabi ko.
May tinawagan naman si Greta at sumagot ito.
Hello? - Gretch
Nandyan po ba si Aly senyo? - tanong nya ulit?
H-ha?! A-ano po kasi w-wala po sya sa dorm eh, di rin po pumasok kanina. - sabi nya. Sino kaya kausap neto?
Ahh. Sige po salamat Kuya - at pinatay na nga. Now I know, baka si Kuya Alfred ang tinawagan nya.
Capt. Alis lang po kami ni A! - Gretch at nagmamadaling nyang kinuha si A at umalis.
Naiwan kami na tahimik. Napakatahamik. Ano naman kaya nangyari kay Aly? Kawawa naman si Besh.
Den? Alam mo ba yung ginagawa mo ha? Taken ka na, pero bakit sa inaasta mo kay Aly parang hindi na kayo. - basag katahimikan ko.
Oo nga Den. Di mo ba alam na si Dude eh nasaktan na nung una? Seryoso syang magmahal. Lahat binibigay nya. Pero bakit naman ulit humantong dito? - sabi ni Marge.
Yahh. She tell the story of her past. And all the statement from Marge is right. - Amy.
Nabigla naman kami except kila Amy. Siguro sila lang nakakaalam. Di ko alam na may nakaraan pala si Aly? Pero parang wala I mean hindi Halata sakanya.
HA? - kami pati si Den di rin nya alam? Ano 'to? Tsk
Oo, nagkwento sya samin kamakailan lang. 1 week ago? - sabi ni Marge.
Ganon? B-bakit? Kayo lang ang nakakaalam? - Fille.
Nagkibit balikat lang si Marge.
Den? Ano ba nararamdaman mo kay Aly ngayon ha? - Pagtatanong ko. Syempre kung wala na pede na nyang pakawalan si Aly. Dahil mahihirapan lang sya. Magmumukha lang syang tanga na parang aso na sunod ng sunod sakanyang amo.
Di naman sya nakaimik. Lumipas pa ilang minuto tinanong naman sya ni Marge.
Ano na Den? Kasi sa lagay ni Aly ngayon pinagmumukha mo nalang syang tanga. - Marge
Oh diba tama ako? Totoo naman kasi eh.Guys nagtext sila Gretch. - sabi ni Capt
Ano yun? - Jia
Capt. Di muna daw dyan matutulog si Aly. Tska Capt. Dito muna kami magpapalipas ng gabi. Kailangan ng kasama ni Aly ngayon. - basa ni Capt.
Eh nasan naman sila ngayon? - sagot ko.
Oo nga? Nasan sila? - Jirah
Teka text ko. - sabi ni Capt. At nagtext na nga sya.
Ilang sandali pa'y tumunog na yung phone ni Capt.
Capt dali basahin mo. - Mich
Intense. Syempre baka kung ano na ginawa ni Aly sa sarili nya.Di daw pedeng sabihin. Sa susunod nalang daw. Sige Capt. Asikasuhin muna namin ni A 'to - basa nya.
Ano?! Bakit hindi pdeng sabihin? Kahit sakin bawal eh besh nya'ko?Ano? Bakit hindi pede? Paano pag may nangyari masama saknya? - Mich
Guys? Kalma lang. Nandon nman sila Gretch ha? Kakausapin ko nalang sila kinabukasan. So back to question? Ano Den? Mahal mo paba si Aly? - sabi nya. Tinignan ko si Den kaso nakayuko lang ito.
D-di ko na sya mahal. Wala na akong feelings sakanya. - sabi nya nagpaiba ng reaction naming lahat.
Den! Alam mo ba yung sinasabi mo ha?! Kitang kita ko kung paano sya nagmahal sayo kaso ganito lang? Ganito lang ha? Dahil sa tanginang Raven na yan pinagpalit mo sya! - sigaw ko dahil sa galit.
Wag mo syang minumura dahil nung wala si Aly sya ang nagpasaya sakin. Sya ang sumalo nung panahon na malungkot ako. - sabi nya.
Nandito naman kami huh? Tska Den 3 weeks lang nawala si Aly. Di naman sya nawala ng 5yrs! Bakit pinagpalit mo?! - tumayo ako at dumiretso na ako sa room ayokong mapagsabihan sya ng masasakit na salita. Iniiwasan ko.
Di ko na alam ang sumunod na pangyayari. Nagagalit ako pero di kay Den kay Raven. TangIna! Makakapatay ako yata ng tao ngayon.. nakakaasar. Humanda ka sakin Raven, tutulungan ko si Aly sa pagpatay sayo. Tangina ka!
██████
Goodmorning. :)) Ngayon na! WOOo! Go Pilipinas kaya yan! Puso puso ❤❤ Hihihi pagtyagaan nyo muna UD ko ha. XD#TEAMPILIPINAS
#TEAMALYDEN ❤
BINABASA MO ANG
I'll be the One
FanfictionMay mga tao na kahit unang kita mo palang sakanya may spark na agad. Kahit na ano pa ang ugali nya basta gusto mo lang makasama sya. At habang tumatagal lalong lumalim ang pagtingin mo sakanya.. pero may may pagkakataong susubukan ka ng tadhana. T...