Aly's Pov
"Ba't nandito ka pa? Diba sabi hindi mo na'ko mahal? Pede ka ng umuwi baka may pupuntahan kapa." Sabi ko sakanya.
Ngayon palang ako aalis dahil nakatulog pala ako kakaisip sakanya. Kailangan naba talaga mag move-on? Is the right time to let her go? Ugggh! Habang papaalis na ako may nagtext sa phone ko.
From: Unknown number
Alyssa Valdez, Right? Magkita tayo ngayon sa bilyaran.
Basa ko sa text. Sino naman kaya 'to? Di naman ganito si Greta magtext eh.To: Unknown number
Sino ba'to?At sinend ko na. Habang naglalakad ako tumunog ulit ang cp ko.
From: Unknown number
Pumunta ka nalang. Kapag di ka pumunta may mangyayari sayong masama. - basa ko ulit sa text. ANo na naman ba'to?! Chain message? Tsk . Wala akong magawa kundi pumunta sa bilyaran. Malay mo nga meron mangyari sayong masama.
Di ko na nireplayan, tuloy tuloy na ako sa bilyaran.Boogsh! Pak! Bigla nalang akong nakaramdam ng sapak sakin . Bigla naman akong napahiga dahil sa ang sakit ng pagkakasapak
Tangina ka! Wag na wag ka ng lalapit kay Den! - sigaw nung isa. Di ko mamukhaan dahil nakayuko ako dahil sa suntok at sipa sakin.
Puro tadyak sa mukha at sipa sa aking tiyan. Nanlalabo na ang aking paligid. Pero kita ko na mga lalaki sila di ko lang mamukhaan. Sumuka na rin ako ng dugo dahil sa tamo ng mga tadyak.
Tama na yan! Itayo nyo at iharap sakin. - rinig ko ulit na sabi.
Itinayo nila ako. Ramdam ko na sabog ang mukha ko nakita ko rin yung pagpatak ng dugo. "Pakshet ano ba'tong nagyayari nato?" Sabi ko sa isip ko.Makulit ka rin eh no?! *hinawakan ako sa panga* Pag sinabing hindi kana mahal, ibig sabihin ka na mahal! - Sabi nung isa. Di ko makilala yung mukha dahil nanlalabo talaga ang mata ko. Pero kalbo sya yun lang.
Sabay tadyak ulit sa tyan ko. >_< arggh! Ang sakit sakit na. Gusto ko mang magsalita at humingi ng saklolo pero di ko magawa .
Binitawan nila ako. Pinilit kong punasan yung mata ko.Ano? Palag kapa ha?! - sigaw nung isa. Inangat ko naman yung ulo ko .. Si. .. Si.. LA?! Tangina? Bakit?! Nakita ko rin si Raven na nakatayo sa gilid ni LA
T-tangina ka hayop ka! - sigaw ko at akmang susuntukin sila pero naunahan nila ako ng tadyak
Bibigyan kita ng kahilingan, mamili ka ng isa. Either sasaktan ko si Den kapag lumapit ka sakanya o sasali ka samin?.. sa frat - sabi nya. .. If I were you? Pipiliin kong sasali ka samin dahil buhay ni Den ang kapalit kapag di ka sumali. - dugtong pa nya na may halo na demonyong ngiti.
Fuck! Plano ba talaga 'to? Ano ang pipiliin ko?! Tanginang buhay to! Puro sakripisyo nalang ba ako? Gulong gulo ako sa nangyayari. Bakit ganito ang nangyayari.
Oh ano na?! - Sigaw ni LA.
Demonyo talaga kayong lahat! - sigaw ko sakanila.
Whahaha! Talagang demonyo kami! Hahaha kaya humanda ka na rin dahil papakilala kita kay Satanas.. balang araw. Para solo ko na si Den! Hahaha - Dugtong pa nya. Lord, tulungan nyo po ako.
Oo sige. Sasali na ako. Basta wag nyo lang sasaktan si Den. - sabi ko. Sinunod ko nalang ang sinasabi ng isip ko. Tangina talaga! T.T
Ganyan! Ok Deal is a Deal. Pirmahan mo 'to na katunayang member ka ng isang frat. - sabi nya sabay abot sa papel. Ano na gagawin ko. Feeling ko gusto ko ng mamatay oramismo na.
Inabot ko yun at pinirmahan. Sa isip isip ko " Kailangan ba talagang mangyari ang lahat ng 'to?"
Sige, umalis ka na. Wag na wag kang lalapit kay Den kung hindi malalagot ka sakin. - Pagbabanta pa nya.
Umalis na nga ako at patungo sa dorm."Bakit? Bakit?!" Sigaw ng isip ko habang umiiyak.
"Napakaganda ng tadhanang dumadating sakin! Bakit kailangan magkaganito?!"
"Tanginang buhay naman 'to! Den I have to sacrifice, kung lalapitan pa kita sasaktan ka nila talagang ako nalang ang lalayo kesa madamay ka pa. A-ayoko kitang masaktan" sabi ko sa isip isip ko habang pinipigilan kong umiyak.
Di ko namanlayan na nasa tapat na ako ng dorm. Pumasok na ako kahit na sandamakmak na naman ang maririnig kong mga tanong.
Aly?! What happen! Ba't ganyan ang itsura mo?! - bungad sakin ni Marge. Naramdaman kong bumaba yung teammates ko mula sa kanilang mga kwarto.
Tangina Dude! Sinong gumawa sayo neto?! - sabi ni Gretch na nanggagalaiti sa galit.
Aly?! Anong nangyari? Bakit puro sugat ka?! - sabi pa ni A. Nasa sala kami ngayon at inihiga ko ang ulo ko at pumikit.
Besh? Anong nangyari? - sabi naman ni BeshElla
Tama na yan. Kumuha kayo ng first aid kit. Dali! - sabi ni Capt. Aly ano ba nangyari sayo ha? - dugtong pa nya.
Dumilat naman ako at lumingon sakanila. Kita sakanilang nagaalala sakin miski si Den nakatingin sakin. Iniwasan ko naman sya ng tingin.Napagtripan lang po a-ako sa labas. - sabi ko sakanila.
Napagtripan?! Mukha bang napagtripan yan ha?! - sabi ni Gretch
Greta! Pede ba? Kalma ka lang - sabi ni Fille sakanya tumahimik naman ito.
Lumapit naman sakin sila Jirah at kumuha ng bulak na isinawsaw sa mainit na tubig.Ano nga nangyari dyan Aly? - tanong na naman sakin ni Capt.
Napagtripan lang po ako .. and ayon lumaban ako kaso nadehado ako ayon napagtulungan - pagsisinungaling ko sakanila.
Dapat di ka na lumaban. - sabi ni A. Naiyak na naman ako dahil naalala ko naman yung sinabi ni LA na, "Bibigyan kita ng kahilingan, mamili ka ng isa. Either sasaktan ko si Den kapag lumapit ka sakanya o sasali ka samin?.. sa frat. If I were you? Pipiliin kong sasali ka samin dahil buhay ni Den ang kapalit kapag di ka sumali."
Di nalang ako nakakibo sa sinabi ni A sakin.Oo nga Besh. Tignan mo tuloy yung nangyari sayo. - sabi ni Ella sakin
Wala akong magagawa. Wala na talaga akong magagawa. No choice. Di ko muna sasabihin sakanila na dahil kila LA kung bakit ako nagkaganito. Tangina talaga! Hayop na Raven At LA na yan! Salot, salot silang lahat!
Ayan tapos na. - sabi ni Jirah
Hmm sige Capt. Magpapahinga na po ako ah - pagpapaalam ko. Gretch nakalock ba yung pinto? - dugtong ko pa. Doon muna ako sa kwarto nila.
Hindi dude, bukas yun. Sige dadalhan ka nalang namin ng pagkain dyan - sabi ni Greta. Tumango nalang ako at tumungo na sa kwarto .
Humiga ako sa kama . Pagod na pagod na ako. Gusto kong marefresh ang buhay ko. Kung computer lang ako baka matagal na narefresh ang lahat . Baka hindi ako ganito na masyado ang hirap.
"Balang araw din, ako na naman ang babawi sa lahat ng ginawa nyo sakin. Lalo ka na LA, mas masahol pa mangyayari mo kesa sakin kapag tinamaan ka ng karma. Abangan mo lang. Sa ngayon ako muna ang maghihirap pero alam kong panandalian lang yun. Yung sayo HABANGBUHAY mong dadalhin ang lahat sinusumpa ko yan" sabi ko sa isip ko.
███████
Hi! Goodevening. :) Gets nyo ba yung story? Comment kayo kung meron na hindi kayo maintindihan ha? ^^ Free lang naman kaya wag kayong mahiya. Hahaha xD yun lang. :">
BINABASA MO ANG
I'll be the One
FanfictionMay mga tao na kahit unang kita mo palang sakanya may spark na agad. Kahit na ano pa ang ugali nya basta gusto mo lang makasama sya. At habang tumatagal lalong lumalim ang pagtingin mo sakanya.. pero may may pagkakataong susubukan ka ng tadhana. T...