Chapter 71

4K 68 2
                                        

Den's Pov
Nandito ako sa room namamahinga. Nakaramdam ako ng paninikip ng dibdib. Yah about don sa nangyari kay Aly. Yung umuwi sya ng sabog ang mukha.
Alam nyo? Diba lahat ng pag aaway may dahilan. Either yung kapartner mo ang may dahilan kung bakit nagkakaganon oh ikaw mismo sa sarili mo ang may dahilan.

Lahat ng sinabi ko senyo na "30% nalang ang pagmamahal ko skanya, yung time na pinatawag ako sa clinic. Yung time na sinabi ko na hindi ko na sya mahal" No, Mahal na mahal ko sya. And nung nangyari ang aksidente? Nagkaroon ako ng chance na baguhin na ang lahat. Naging cold ako sakanya. Yung sabihin ko skanya na di ko na sya mahal. Lahat yun mali!

Because of what? Kasi yung sinabi nya non. Gusto daw nya magkaroon ng isang masayang buhay. Isang pamilya, mga anak . Pero lahat non di ko maibibigay skanya. Kaya I ended with a break up. Sumuko ako kagad. Sa pagmamahal nya skin. Sa pagmamahalan namin. Kay Dad walang problema. Dahil gusto daw nya si Ly, di lang daw caring at sweet. Mabait at humble pa. And yon naging close sila ng parents ko.

Mahal na mahal ko sya. At yung nangyari kanina sakanya? Nasaktan ako ng sobra don. Yung nakita kong sabog ang mukha nya. At sobrang matamlay. Alam kong ako rin ang may kasalanan kung bakit sya nagkakaganon. Dahil pinipilit nya pa rin na magbalikan kami. Pero sa side ko? Para san pa? Kung kami man ang magkakatuluyan sa bandang huli? Maibibigay ko ba yung kaligayahan nya? Diba hindi. Kaya I plan it na makipabreak nalang.

Tapos yung narinig ko pa kanina sa clinic na "Den! Den bakit! Mahal na mahal kita. B-bakit g-ganon?" Nanghihinayang na nalulungkot ako. Pero kailangan kasi, hanggat maaga pa. para sa bandang huli makahanap sya ng makakapagpaligaya sakanya na kailanman hindi ko maibibigay . Magwa one week na rin kaming break.

*Kring! Kring!*
LA Calling... sinagot ko naman ito.

Hello? - sabi ko.

Goodevening Den. - sabi naman nya.

Goodevening din. Bakit ka napatawag? - sabi ko skanya. Gabi na kasi tapos napatawag pa.

Wala lang. Gusto lang kitang kamustahin - sabi nya.

Sus. Haha Ok lang ako no. - sabi ko naman.

Mabuti naman. Haha - sabi nya.

So bakit ka nga napatawag? - tanong ko ulit.

Umm. Wala lang. Gusto ko lang marinig yung mala anghel mong boses - sabi nya. Matagal na rin kaming magkakilala ni LA for 4 days? Matagal na yun para skin. Masaya naman syang kasama. Actually joker nga eh, kahit maliit na bagay pero napapatawa nya'ko.

Sus bola pa. Haha - sagot ko naman sakanya.

Totoo nga. Haha. - sabi nya.

Ok . - sabi ko naman.

Ahh.. Umm Den? - tawag nya ulit sakin.

Bakit? - sabi ko naman.

Umm? Kung liligawan kita, papayag kaba? - Pagtatanong nya sakin. Natigilan naman ako don sa sinabi nya. Ano isasagot ko?
Lumipas pa ang ilang sandali pero di pa rin ako nagsasalita.

Ano Den? Papayag kaba? - pagtatanong nya ulit. Kung papayag ako may posibilidad na makalimutan ko sya. Posibility rin na, wala na akong maramdaman na pagmamahal sa twing makikita ko sya. So I'll make my decision.

Yes. P-payag ako. - sabi kong pikit mata. Bahala na. Basta makalimutan ko lang yung taong kahit kailanma'y di'ko malilimutan.

T-talaga? Yess! - reaksyon nya mula sa kabilang linya.

Yep. So magpapahinga na ako ah. - pagiiba ko ng topic. Di ko tanggap. Masakit sakin pero pipilitin ko.

Thank you! Thank you. Gagawin ko lahat Den para sayo. Basta makamit mo lang yung matamis mong oo. - sabi nya. Yeah gagawin ko din ang lahat para lang matutunan na ibigin ka.

Ahuh? Sige. - sabi ko.

Sige. Goodnight . I love you. - sabi nya. Sumangayon nalang ako sa sinabi nya ng "Goodnight" hindi yung sa "Iloveyou" at hinang up ko na.

Pagkatapos non nakarinig naman ako na tumutugtog. Nagmumula ito sa rooftop kaya tinignan ko ito. Si.. S-si Aly pala. Gustuhin ko man syang icomfort pero nagsusungit ako sakanya para sya na ang lumayo sakin. Alam kong masakit. Pero wala talaga. Pinakinggan ko lang sya yung tugtog nya.

"Somebody wants you, somebody needs you
Somebody dreams about you every single night
Somebody can't breath without you it's lonely and somebody hopes that one day you'll see
That somebody's me ♬♬" kanta nya. Tinitignan ko lang sya. Maski ako nahihirapan sa sitwasyon na ginawa ko pero, wala nagawa ko na kaya paninindigan ko nalang 'to.

"You, when you remember me. And before you set me free oh listen please." Kanta nya ulit. Arggh! She set me free already. Kaya wala na dapat akong sabihin sakanya." - dugtong nya na narinig ko habang umiiyak sya.
Bigla naman tumunog yung phone nya.

Hello? - sabi nya

Ahuh? Yah I-I'm Ok . - sabi nya na pinipilit linawin ang kanyang boses.

Hmm. Sige .. - sabi nya in sad tone.

Yeah I'll hang up, I love you too. - sabi nya at binaba na yung phone nya at narinig ko pa syang nagsigh. Tumayo naman sya kaya ako agad agad akong pumunta sa kama ko.

Nung pagkarinig ko nun? Parang kumirot yung puso ko. Parang biglang may tumusok.
Wag nyang sabihin na, meron na sya? O baka si Kim lang yung katawagan nya kaya ganon? Arghh! Ayan, ayan ang napapala ko. Ako tuloy 'tong nahihirapan. Sige itatry ko na isasantabi ko muna 'tong nararamdaman ko sakanya. I'll promise na hindi ako magseselos sa kung ano man ang gagawin nya. Walang pakielam. basta wala.

Bago ako matulog may sinabi pa ako sa isip ko. Oo alam ko pagsisisihan ko lahat ng 'to. Dahil ito yung desisyon na kabod ko nalang ginawa.

"Maybe it's not the right time to love you because I'm afraid. but someday lahat ng sinabi ko sayo hindi totoo. Kasi mahal kita"
█████
Woot! What a day? Sobrang nakakabadtrip. Pagpasensyahan yung UD ko. Badtrip si Author eh.

I'll be the OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon